CHAPTER 12: VERSUS

105 15 11
                                    


Dedicated to:Gagangloko46

Malamig ang hanging dumadampi sa balat nang lahat ng mag-aaral mula sa G-black section.

Alas singko pa lamang ng madaling araw ngunit heto at nasa green field na sila .

Wala ni isa mang makikitang bakas nang kung anong bagay noong free day.

Ni isang balat ng candy ay wala kang matatagpuan.
Parang magic na bigla na lamang nawala ang naglalakihang rides ng carnaval.
Tahimik na nakapila per gender ang mga mag aaral.

Naalarma ang bawat isa nang marinig nila ang pito na nagmumula sa kanilang guro.

Tatlong mahahabang pito ang narinig nila at pagkatapos ay nagsalita ang lalakeng nasa unahan ng pila.

"Oliver Castillo,mula sa pangkat ng X-RATED TARSIER"
Malakas at madiing bigkas nito.

"Jelo Alcantara, mula sa pangkat ng TAMARAW VISION"
Sigaw naman nung kasunod na lalake.

Ang tatlong mahahabang pila pala ay signal para sa pagchecheck ng attendance.

"Xer Gumawi Tehares,mula sa EAGLE TEARDROPS" sigaw ni Xer na bahagya pang humihingal.
Sakto ang kanyang pagdating .
Sunod na nagcheck ng attendance ay ang mga babae..

Makatapos ito ay pumito ulit ng isa ang kanilang guro .
Lumapit ito sa grupo ng kalalakihan at tila ba inobserbahan nya ang mga ito.

"Oliver Castillo,..Dave Espanyol 100 push up...nagka free day lang nag amoy alak na kayo?Hindi na.free day ngayon..!!!"
Madiing saad ng guro.

Napakamot sa ulo ang dalawa at agad sinunod ang guro.

"Xer Tehares, 2 minutes na late..80 push ups"

"Huh???pero Mr.Johan??" Depensa ni Xer.

"90 push ups..Xer Tehares" dagdag pa ni Mr.Johan

Napabuntong hininga si Xer.
Lumapit naman ang guro sa pila ng mga babae.

"Kung Di pa kayo naiinform,ngayon na natin sisimulan ang match"

Nagtinginan ang mga istudyante.

Si Mr.Johan ang head teacher ng G-black section.
Siya rin ang teacher sa subject na SPORTS. Siya ay isa sa mga batang guro.
Mahigpit siya pagdating sa rules.
Tiningnan nya ang kanyang wrist watch.

"Unang match.....Sylvia Perez versus Amanda Emerson,tandaan this is boxing ,always keep in your mind the rules and pointers" saad ni Mr.Johan

"Yes..Mr.Johan!!!" Saad ng dalawang babae na nakapwesto na agad sa gitna.
Lahat naman ng istudyante ay umupo pabilog sa may Bermuda grass.

Isinuot na ni Amanda at Sylvia ang kani- kanilang gloves.

"Hanggang round 5 lamang tayo" dagdag pa ng matikas na si Mr.Johan

Umugong ang salitaan ng mga istudyante.
Samantala,tumigil na sa pagpupush up yung tatlo at naupo na rin.

Nagsimula na sina Sylvia at Amanda,makatapos ang pagpito ni Mr.Johan.

Nagsimula na rin ang sigawan.

"Go Amanda,".  sigaw ng ilang kalalakihan kabilang si Oliver Castillo.

Samantalang nagpustahan naman si Xer at si Jelo kung sino ba talaga ang mananalo.

" ito ang ipupusta ko "sabi ni Xer sabay turo sa kanyang sunglasses.

" osege ba,itong relo ko ang ipupusta ko...I'll go for Amanda!!" Matapang na sigaw ni Jelo.

Malaking babae si Amanda,seven footer ito at malaki ang pangangatawan,Pilipino ang Ina nito at Lebanese ang Ama.

Kapwa pawisan ang dalawang babae.

Samantalang mababakas sa mukha ni Sylvia ang kumpiyansang maipapanalo ang Laban.

Natapos ang round 1 hanggang round 3 ngunit Hindi lubos malaman ng mga istudyante kung sino na ba ang nakakalamang.

Panay ang tingin nila kay Mr.Johan,na may hawak na touch screen gadgets .

Tinatara ni Mr.Johan ang puntos para sa dalawa.

"Dyahe pa yata ako, anak.ng......tinapa naman oh..ano bang klaseng laban ito?"
Himutok ni Xer,habang ang Mata ay Pauli uli kay Sylvia at Amanda.

Round 5 na at tumitindi ang Laban ng dalawa.

Napatayo na ang lahat at napasigaw nang magpakawala si Amanda ng lefthook.
Hindi ito nailagan ni Sylvia.

Pero Di nagpatinag si Sylvia...matatag pa rin ang kanyang pagkakatayo.

Nagkaroon sya ng pagkakataong magpakawala ng uppercut na Hindi nailagan ni Amanda,dahilan upang matumba ang huli.

Isang minuto pa Bago matapos ang round 5 pero Di na nakayanan pa ni Amanda na lumaban.
Naghiyawan ang mga istudyante.

Kakamot kamot naman na binigay ni Jelo ang kanyang wrist watch kay Xer.
Tuwang tuwa naman si Xer habang pinagmamasdan ito.

"Sylvia Perez won via knock out,very impressive " saad ni Mr.Johan.

Ngumiti si Sylvia habang kumukuha ng towel sa kanyang bag.
Saglit pa itong uminom ng tubig.

Nagsimula nang tumahimik ang
Lahat nang tawagin ang susunod na match.

"Carisha Santibillan versus Jelo Alcantara" saad ni Mr.Johan.
Panay ang boo ng mga lalake sa mga babae.

"Jelo!!!!Jelo!!!!!!" Hiyaw ng mga kalalakihan.



Pero wala pang isang minuto ay na knock out na agad si Jelo.

Natigilan ang lahat..

Ang tahimik na si Carisha ay tumingin sa mga kalalakihan.
Parang natakot naman ang mga lalake.

Hindi kasi nila lubos na maisip na mahusay ang isang ito kahit transferee.

Napatingin si Xer kay Carisha.
At sa isip nya ay may pagdududa.

Natapos ang match nang bandang alas otso nang umaga.

Pagod na pagod ang lahat.

"Mahusay ang ipinakita ninyong lahat..lalo na si Ms.Carisha Santibillan,..." Saad ng gurong si Mr.Johan.

Umugong naman ang bulong bulungan.

"Assignment....,history ng larong Sepak,.....that will be our last lesson for this term...so goodbye class" mabilis na saad ni Mr.Johan

Iniwan nya na ang buong klase sa green field samantalang nagkanyakanyang alis ang mga Gblack students.
9:30 pa kasi ang klase nila.kay Ms.Katrina para sa martial arts.
Nagdiretso si Mr.Johan sa faculty room.

FEDERATION OF SPY AGENTS:  The School(Book 1..completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon