🦂7

937 22 0
                                    

Ashianna's POV

“Hoy!” Sigaw ko na agad nagpabalikwas sa natutulog na babae sa harap ko.

“What's your problem?” Hindi makapaniwala nitong tanong habang kinukusot ang mata.

“Maligo ka na tanghali na o, ayokong maglakad ng mainit, bilis!” Bulyaw ko dito. Nakaligo na ako't lahat tulog parin pala siya.

“You're so arte.” Bulong nito na hindi ko masyadong naintindihan.

“May sinasabi ka?” Tanong ko.

“Whatever, get out of my room na.” Pagtataboy nito saken. Agad din naman akong lumabas.

Makalipas ang kalahating oras ay sa wakas tapos na din siya. Lumabas siyang ng kwarto. Nakasuot ito ng makapal na itim na hoodie at halatang nakasuot pa ng pang ilalim na damit. Nakapants din siya at naka white shoes? Seryoso, white shoes? Pupunta kaming farm naka white shoes siya?

“Ha! Your making pantasya on me ha.” Mapangasar na anito na nakapagpabalik saken sa reyalidad. Agad ko siyang inirapan. Sasabihin ko sana na hindi dapat ganun kakapal ang suot niyang hoodie kasi mainit tapos dapat hindi siya nag white shoes kasi maputik ang daan, wala pang cap to protect her head from the heat pero dahil iniinis niya ako bahala siya sa buhay niya.

“Tara na.” Aniko at agad naglakad palabas. Naramdaman ko ang pagsunod nito kaya’t nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Makalipas ang isang oras ay pansin ko ng hindi na maipinta ang mukha ng kasama ko kaya’t inabutan ko dito ang tumbler ko.

“Yan kasi di nagdala ng water.”

“Of course kala ko it's near lang, you don't even bother to tell me that when you said north side, sa kabilang mountain pala!”

“Diba sabi mo easy lang pagkuha ng food supply?”

“Oo na, I'm wrong na nga e. Argh! Ang init init.”

“Inubos mo na nga tissue ko e. Alam mo kasi kaya ka pinagpapawisan ng ganyan kasi tirik na tirik ang araw tapos ang kapal kapal ng suot mo. May pang ilalim ka pa, maya-maya maso-suffocate ka na niyan.” Pag sermon ko dito.

“And ngayon mo lang sinasabi ‘yan? After an hour of suffering?”

“Oh, bakit ‘di mo naisip magisa mo? Nhihirapan ka pala edi dapat kanina mo pa naisip na tangalin ‘yan.”

“What ever, hold this.” Anito, inabot n'ya saken ang tumbler ko at agad hinubad ang hoodie niya sa mismong harap ko. Gusto ko umiwas ng tingin pero hindi ko magawa, natuod ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kaharap ko. She's now wearing white crop top above a black sports bra. Hindi sinasadyang napababa ang tingin ko. Hindi ko alam kung naiingit ba ako or ano pero the heck! Ang liit ng hips niya, s-she’s so sexy!

“Just say it if you want to make hawak my abs.”

“Yuck! Anong abs? Ito ang abs.” Aniko at bahagyang inangat ang suot kung t-shirt. Ngayon s'ya naman ang tulala. Tsk, deserve.

“Ilang months na ‘yan? Ninang ako ha.” Seryoso anito bago tumawa ng malakas. Agad kong pinalo ang balikat nito.

“Tara na nga! Ang init na oh. Wait nga, ito oh suot mo.” Aniko at inabot sa kanya ang manipis na telang tinatawag na “balabal” ng mga matatanda.

“What is this?”

“Tumingin ka doon,” Aniko at itinuro ang patutunguhan namin na ilang metro na lamang ang layo sa amin. “Bukid na ang dadaanan naten, walang gaanong puno doon para masilungan. Sa tingin ko kailangan mo ‘yan.” Sagot ko dito.

“Argh! Malayo pa ba?” Inis na tanong nito na nakapagpatigil saken sa paglalakad.

“Hindi na masyado kaya ‘wag ka na magreklamo.” Aniko bago ipagpatuloy ang paglalakad. Sumunod na lang siya ng tahimik.

Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas tanaw na rin namin ang iilang bahay sa di kalayuan. Bahay iyon nina nanay Carolina at ng iba pang mga tao na katiwala ng Lolo ko sa lupain na ito.

Ilang metro na lamang ang layo namin ng matigilan ako dahil sa impit na pagtili ng babae sa likod ko. Nilinggon ko siya at Hindi ko alam kung natatawa ba o maaawa dahil sa itsura nito. Nadulas pala ito at kasalukuya pang nakalubog ang kaliwang para sa putikan. Rip sa white shoes n'ya na Gucci ang tatak.

“Don't just stand there, help me kaya!” Anito na nakapagpatawa saken. Ilang sandali akong tumawa lang hanggang sa mapagdesisyonan ko na siyang tulungan. “Yuck, yuck, yuck!” Maarteng anito habang tumatayo. Punong puno ng putik ang kanyang paa nito, ni hindi na makita ang sapatos nito dahil sa kapal ng putik. Kawawa sapatos niya.

“Ang dami mong ginawang pagkakamali sa araw na ito ha, white shoes sa farm? HAHA kanina ko pa gusto sabihin buti na lang ngayon hindi ko na kailangang ipoint out iyan.”

“You're such a demonyo talaga.”

“Shh, tigil na, kung kelan malapit na saka ka pa madudulas sa putik.”

“Ano magagawa ko e nadistract ako e, this place is cute, it looks like a mini village.”

“Yeah.”

“Ang gaan din ng atmosphere dito ha. I mean it's like, yung sa bahay kasi naten it has a relaxing atmosphere while here, parang it's giving a happy vibes. Nakakagaan ng loob, feel ko full of love sa place na ‘to.” Anito.

“Emotional smart ka pala.” Biro ko dito na tinawanan lang din niya.

Nabigla ako dahil ng susubukan na nitong maglakad ay agad itong napangiwi at kamuntikan pa matumba ulit. Agad ko siyang nilapitan, kumapit siya sa wrist ko para magsilbing suporta sa pag tayo nito ng tuwid.

“Argh! My ankle got sprained.” Anito at sinisipat sipat pa ang paa niya na punong puno pa ng putik.

“Yan kasi, halika nga.” Aniko at agad kinuha ang kamay niya upang iakbay sa balikat ko, agad ko ding ipinulupot sa bewang nito ang kaliwang kamay ko upang maging suporta. Hindi na siya nagreklamo pa at hinayaan na lamang akong alalayan siya sa paglalakad.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon