🦂48

401 9 1
                                    

“Five minutes. Five minutes then after that you will shut your mouth and never talk to me ever again.” Seryosong sabi ko dito.

Lumingon ako sa kanya, at nakita ko ang matinding sakit na gumuhit sa mga mata n'ya, pero ilang segundong lumipas ay nakayuko siyang tumango-tango ng bahagya.

She looks up again then smile painfully.

“I-i don't know where to start, but I want you to know how much I love you and that I'm so sorry for pushing you away back then. I’m so weak, I lost self-esteem and I got scared to continue fighting for you, for us, and I'm so dumb to think that pushing you away will fix everything. I thought I can easily move on after I left you with Calista because she's way better that me, and she deserves you more than I deserves you, but hearing that she's just your protective sister make me rethink my decision,” mahabang paliwanag nito habang nagpipigil ng luha.

“I can't believe that your sister is just gauging my worthiness by putting me through a trial by fire to prove my love for you, then I failed. Sorry, love… I love you so much, please forgive me for my mistakes.” matapos niyang sabihin iyon ay sunod sunod na nagsibagsakan ang mga luha sa mga mata niya kasabay ng pagbaksak ng mga luhang kanina ko pa din pinipigilan.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid dahil hindi ako agad nakasagot sa mga sinabi nito, sinabyan ko lang s'ya umiyak. Ilang sandali ay unti unti itong napaupo habang patuloy sa pag iyak, at sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para lapitan siya. Umupo din ako para mapantayan siya.

“Shhh, stop blaming yourself because it's not your fault. No one between us wants it to happen.” Sagot ko habang pinupunasan ang pisngi niya.

Nag angat siya ng tingin deretsyo sa mga mata ko para salubungin ang tingin ko.

“Gusto ko rin mag sorry kasi unfair sa part mo na hindi ko muna inalaman kung ano yung dahilan mo sa pagtataboy sa akin at alam ko din na sinubukan n'yo kaming pigilang umalis nung araw na yun pero wala akong ginawa. Sorry kasi mas pinili kong umalis kesa intayin kang bumalik saken. Sobra akong nasaktan to the point na hindi ko na inisip na baka nasabi mo lang yung mga salitang yun kasi nasasaktan ka na din, hindi ko alam yung mga pinagdaan mo, yung mga naramdaman mo. Sorry…” Aniko.

This time siya naman yung lumapit at nagpunas ng mga luha ko. Agad niya akong hinila para sa isang mahigpit na yakap na agad ko ding ginantihan.

Hindi na siya muling nag salita pa, iyak lang din siya ng iyak habang nakayakap parin saken na hinayaan ko lang. I missed her so much and being in her arms feels right, until I remember it's not. It's wrong, this is wrong, I can't love her again. I want to, but I can't. Pero hinayaan ko na lang na manaig yung feeling ng pagkamiss ko sa kanya. Kanina pa kami natapos umiyak pero walang ni isa sa amin ang kumalas sa pagkakayakap.

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal sa ganung posisyon pero napabalik lang kami sa realidad ng biglang nag open yung pinto. Thank God, it was Ruby. She's now holding her key while standing at the door, looking at the us. She probably saw our state earlier.

Inaasahan kong magtatanong siya, since sanay akong napaka chismosa at paki alamera ng batang ito, pero Hindi iyon nangyari.

Kalmado lang itong naglakad palapit sa table kung saan nandun ang phone niya.

“I forgot my phone...” anito. “And also, nag reschedule yung appointment ko with, ano tawag dun? Basta yung magrenovate nitong art room ko. Ilang oras daw kasi silang nag intay sa labas pero wala daw tao, na galit yung mga person, tsk.” Dagdag pa nito habang naka pout at nakahalukipkip sa single sofa sa katabi ng mini library. Nilapitan ko s'ya kasi mukhang nagtatampong baby dahil na disappoint sa mga magulang niya. Kawawang bata.

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon