Ashianna's POV
“Hoy, bumangon ka na d'yan!” Sigaw ng kapatid ko ang gumising sa diwa ko.
Grave, bat ang sakit ng buong katawan ko?
At dahil ang sakit nga ng katawan ko ay hindi ako bumangon, imbis ay lalo lang akong pumikit at pilit na isiniksik ang sarili sa blanket ko.
Dahil sa ginawa ko ay napasinghal si ate Cali. Sorry te, Ang sakit talaga ng katawan ko ngayon, pero bago pa siya mag rap ay agad akong nagsalita.
“Ate Cali, five minutes lang please…” mahina kong ani dito.
“Hoy! Anong five minutes, five minutes?! Bumangon ka na d'yan kanina ka pa iniintay sa dinning room.” Bulyaw nito.
“Susunod ako…” Aniko habang nakapikit parin. Ang sakit ng balat ko parang na sunburn.
“Tanghali na, mukha kang tangang nakahiga dito sa balcony sa gitna ng kainitan.” seryosong sabi nito na nakapag pabangon saken sabay napatingin ako sa paligid at sa suot kong relo. Super true, sa balcony nga pala kami natulog, at alas dos na ng tanghali. Kaya pala masakit sa balat.
“Tanghali na pala tapos ngayon mo lang ako ginising? Ang sama ng ugali ha.” Aniko dito. Binatukan naman ako nito.
“Umayos ka nga Ashianna, e kanina pa kita ginigising napaka batugan mo! Mag ayos ayos ka na ng sarili mo at bumaba na kasi ay nako, dumidilim paningin ko sayo.” anito. Sungit talaga, kasalanan din naman niya kung bakit kulang ako sa tulog at sa balcony pa ako natulog ah.
Matapos kong mag ayos ng sarili ay agad na din akong bumaba. Naabutan ko naman silang nagsimula na palang kumain, kaya agad na din akong umupo.
“Good morning—ay.” Bati ko pero agad ko ding binawi dahil narealize ko na hindi na pala umaga.
Natawa sina Mom at Dad dahil sa sinabi ko.
“Mukhang sobrang nag enjoy ang bunso namin ah, napasarap pa ang tulog.” biru ni Dad sakin.
“Good morning daw, for sure lasing pa yan, Dad.” Sabat naman ni ate Cali. Napanguso ako samantala, natawa na lang si Mom dahil sa sinabi nito.
“Uminom ka na ba ng meds para sa hangover mo?” Mahinahong tanong ni Mom after tumawa.
“Hindi pa po/Opo” sabay na sagot namin ni ate Cali kaya yun agad silang napalingon kay ate Cali.
“Nagparty ka din kagabi, anak?” takang tanong ni Dad kay ate Cali. Boom huli, Ikaw ha, di ka pala nagpaalam.
Tanging pag tanggo lamang ang sagot nito habang ngumunguya pa ng kinakain niya. Cute ng pisnge, gusto ko tuloy siya sampalin—pero wag, mahal ko pa ang buhay ko.
“Magkasama pala kayo kagabi, anong oras kayo nakauwi? Hindi na namin kayo namalayan.”
Not that question please, no comment kami d'yan HAHA, thank goodness na lang kasi late din umuwi si ate Cali kanina kasi kung nagkataon paktay talaga ako ngayon.
“Hindi na rin po namin alam kung anong oras kami nakauwi, Mom. Pagod po kasi e.” Aniko dahil mukhang walang black magsalita yung katabi ko ngayon.
Nakatunggo lang siya at nakatingin sa pagkain. Nagre relapse to for sure HAHA, anyways hindi na lang namin siya pinansin. Inalis ko na rin sa isipan ko yung tungkol sa mga nangyari kagabi kasi may bigla akong naalala.
Kasalanan, kasalanan, kasalanan—but why does it feel so right kahit wrong talaga?
Move on na ako, move on na ako… (talaga ba?)
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1
FanfictionThis story is about two individuals that was born and raised with a golden spoon in their mouths but grew different. One is an independent and responsible college student named, Ashianna Arceta, and one is a rebellious and a troublemaker named, McZi...