🦂28

595 10 6
                                    

“Okay lang, mam. Sa tingin ko magpahinga na lang muna tayong lahat, hating gabi na rin naman.” Ani Josh na sinang ayunan ng iba niyang kasamahan.

Agad kaming naglinis ng mga kalat namin, pero habang nasa gitna kami ng ginagawa ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo kaya’t agad akong napa upo habang sapo ang ulo ko.

“Hoy Ashianna, okay ka lang?” Tanong ni kuya Carlos ng mapansin niya ako.

Gusto ko sumagot pero hindi ko magawa.

Okay, tama pala talaga si ate Cali.

Ilang sandali akong ganun bago ko maramdaman ang ilang pares ng kamay na humawak sa pisngi ko.

Nag angat ako ng tingin.

It’s McZinn.

Sa likod nito ay ang iba naming kasama na nakatingin sakin ng may pag alala.

“Can you stand up?” Tanong nito.

Tumanggo lamang ako ng bahagya bago sinubukang tumayo.

Lumapit din sina Gaia at Solene para alalayan ako.

Grabe, true to life pala ang masamang feeling pag lasing.

Inalalayan nila ako hanggang sa makarating sa rest house.

Nang makapasok ay agad bumungad sa amin si ate Cali na seryosong nakaupo at nag aabang sa living room.

Tumayo siya at lumapit sa amin.

Medyo naalarma naman ang iba naming kasama dahil ang akala siguro ng mga ito ay aawayin ulit nito si McZinn, pero isa isa niya lang kaming tiningnan mula ulo hanggang paa.

Tapos…

“Tsk. Ayusin n'yo na mga sarili n'yo at matulog na agad.” Anito bago naglakad pabalik sa sofa.

Umupo ito doon at ipinagpatuloy ang pag c-cellphone na ginagawa niya kanina.

Yun lang, feel ko tuloy hinusgahan n'ya lang kami. Grabe ang ate n'yo.

Matapos iyon ay nag kanya kanya na ulit sila ay nagtungo sa kwarto namin.

Nang makaalis na ang lahat maliban sa aming dalawa ni ate Cali at McZinn ay agad akong tinanong muli ni McZinn kung okay lang ako na sinagot ko din agad.

“Ah yeah, okay na ako.” Aniko.

“Edi let's go na, I'm tired na rin e.” Anito at hinawakan ang kamay ko, na binawi ko din agad.

“Ahm, pwede mauna ka na muna?” Tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

“May gagawin pa kasi ako.” Sagot ko sa mala tanong niyang titig.

“Sige I'll help you—”

“No. Hindi na, kaya ko na, magpahinga ka na lang.” Agad kong pagsingit sa sinasabi nito.

Nagpumilit pa ito pero makalipas ang ilang sandali ay sa wakas nagpatalo din ito at napilitan na lang umakyat magisa.

Nang makaalis ito ay agad akong lumapit at umupo sa tabi ni ate Cali.

Lumingon ito sa akin kaya’t agad ko itong nginitian ng pilit bago ibinagsak ang sarili sa sofa habang nakasapo sa sintido.

Alam kong alam niyang masama pakiramdam ko kaya paawa effect kasi gusto ko magpababy.

Charot!

Pero no joke, masakit talaga ulo ko at ayaw ko nang I bother sina McZinn pero feel kong mag paalaga kay ate Cali, hehe.

I dunno okay? E sa trip ko s'ya e.

“Tsk.” Anito at patuloy lang sa pag selpon.

“Ate Cali…” Aniko habang nasa parehong posisyon parin.

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon