🦂21

715 19 0
                                    

Still Ashianna's POV

Anong nangyayari?

Agad kaming bumaba ni Ate Cali. Kasabay din naming lumabas ang iba dahil siguro nacurious din sila sa nangyayari sa labas.

“Oh, buti nandyan na kayo. Pinadala daw sila ni Mr. Arceta para magset up ng mga kung ano anong bagay na siguradong magdagdag daw ng activities na maeenjoy n'yo para sa pagstay n'yo dito.” Litanya ni kuya Carlos habang nakatingin din sa mga taong abala sa pagbaba ng mga kung ano anong kagamitan mula sa mga truck.

Ilang sandali bago namin mapansin kung ano ano ang mga ibinababa nila.

“OMG! Speed boat?!” Gulat na sigaw ni Solene.

“May Jet ski!” Magkasabay na sigaw ni Jhoy at Lindsey.

“May surfing board din, look!” Sabi ni Yves at itinuro pa ang mga ibinababang surfing board ng mga tauhan ni Dad.

Napalingon din naman agad kami kay McZinn ng bigla itong tumili habang itinuro ang kabilang parte.

“Naglalagay sila ng vollyball net! OMG, may red na ball!” Excited na sabi nito at patalon talon pa habang naka kapit sa braso ko. Ang saket ha, kung di lang talaga cute reaction neto baka nasapak ko na to.

Mangha naming pinanood ang mga ginagawa nila, at ng masiguro naming tapos na sila ay agad naming nilapitan ang mga ginawa nila.

“Excuse me, sino po sa inyo sina Ms. Arceta at Ms. Lim?” Nagtaas naman ng kanang kamay si McZinn habang ang kaliwang kamay naman ay nakaturo saken. “Hello po mga mam, Ako po si Joshua Lopez, Josh na lang po. Ako po ang naglelead sa grupo namin at gusto ko lang po sabihin na ipinadala kami ni Mr. and Mrs. Arceta para mag organise ng vacation ninyo dito sa Mikhaiah’s.” Nakangiting paliwanag nito.

“Sige Josh, thank you.” Ani McZinn.

“Nga po pala mga mam, doon lamang po kami sa isang cottage sa parte ng iyon, kaya’t kung may mga kailangan po kayo ay sabihin n'yo po agad kami at kami na po ang bahala.” Anito na tinanguan na lamang ni McZinn.

Nang makaalis ito ay nakapag desisyon na din naming bumalik sa rest house para maayos na ang mga gamit na ipinadala nila dad, pero hindi na rin namin nagawa ang gagawin sana namin ng maabutan namin sa loob ang apat na babaeng nakatoka daw na mag linis at magayos doon. Tanging ang pagpili na lamang ng mga damit ang pinagka abalahan namin.

Ibat ibang klase ng personal things ang nandoon na for 8 person at good for two weeks.

Ang magkapatid na Yves at Solene ang syang nag disisyong mamili ng mga damit ng lahat. Magaling ang dalawa at ang ibinibigay nilang mga damit sa amin ay yung talagang type namin kaya walang umaangal maliban kay Jhoy at Lindsey na parang ginawa na lamang dahilan yung two piece swimsuit para magkaroon ng pag aawayan. Actually si Lindsey talaga ang pinagbigyan ni Yves dahil siguro alam nito na favorite ni Lindsey ang color pink. Inagaw naman ito ni Jhoy dahil sabi nito ay mas sukat daw ito sa kanya.

Nagsimula nanaman magtalo yung dalawa pero sa huli ay agad silang natahimik nung pumasok sa eksena si Ate Cali at pagalit silang sinita. Takot din naman pala kay Ate Cali e.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon