🦂30

533 21 0
                                    

Ashianna's POV
Kinabukasan.

Nagising akong wala na ang mga kasama ko kaya agad akong lumabas ng kwarto para hanapin sila.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng agad akong napahinto dahil sa bahagyang pagkirot ng aking ulo.

Saktong din naman nun ay ang pag pasok ng kung sino.

Si McZinn pala.

Tumingin siya sa gawi ko.

“Hey.” Pagbati nito.

Lumapit siya sa akin at ng tuluyang makalapit ay doon ko lang napansin ang hawak nito.

“I got a soup and meds for your headaches too.” Nakangiting pagsagot nito sa mala tanong kong tingin.

“Go back sa room naten, I'll prepare this for you there.” She said,

I didn't complain, I just did what she said.

Mas madali kasi yun kesa makipagtalo pa.

Katulad ng sinabi ni McZinn ay magkasabay kaming nagtunggo pabalik sa kwarto.

Umupo ako sa kama habang siya ay busy sa pag prepare ng soup daw. Eyy.

Nang matapos ay nagsimula na rin akong kumain habang siya nanonood lang.

“Papanoodin mo lang ba talaga ako kumain?” agad kong tanong makalipas ang ilang minutong ganun ang sitwasyon namin.

Natawa siya at imbis na mahiya ay mas lumawak ang ngiti nito at bahagya pang lumapit saken habang nakatuon ang dalawang siko sa mesa.

“You're so cute talaga,” ngiting ngiting anito. “Lalo na whenever you look sabog.” Anito bago tumawa.

“Bastos!” Agad kung bulyaw dito.

Muntik na ako kiligin sa complement tapos bigla gumanon. Ang lakas talaga ng tama ng utak neto, char lang hehe.

Ilang sandali ay bigla kaming nabalot ng katahimikan.

Agad akong lumingon dito.

Nangunot ang noo ko ng makitang nakakunot ang noo neto at nakatingin sa kawalan.

“Mik-mik,” Pagtawag ko sa atensyon nito.

“Anong nangyari say—”

“I woke up earlier and… si Calista na ang ka-cuddle mo, last night ako yun a.” Pagputol nito sa itatanong ko sana.

Ilang sandali akong napatitig sa kanya at hindi alam ang isasagot.

“Yeah, nagulat din ako…” Wala sa sariling sagot ko dito.

Magsasalita pa sana ito pero bigla itong natigilan dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto.

“Oh, gising ka na pala ‘te Ash?” Bungad ni Jhoy ng tuluyang makapasok sa loob.

“May hangover ka pa?” Kaswal na tanong nito habang busy sa paghahanap ng kung ano sa drawer ng side table.

“Medyo masakit lang ang ulo, pero may gamot naman here, thanks to Miks.” nakangiting sagot ko bago inumin ang gamot na ibinigay ni McZinn.

“Good to hear yan, ate. Nga pala, Iwan ko na muna kayo dito ha.” Anito bago maglakad paalis, pero bago tuluyang makalabas sa kwarto ay tumigil at humarap muli ito.

“May plano sina Carlos na mag hiking mamayang after breakfast, tapos magka camping na din sa taas ng bundok hanggang bukas, since may mga activities din daw na pwedeng gawin dun. If gusto n'yo sumama sabihan n'yo lang kami… Yun lang, alis na ako, bye!” Anito at agad lumabas.

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon