🦂27

868 13 2
                                    

Still Ashianna's POV

“Hoy, Ash!”

Agad akong napabalik sa reyalidad ng marinig ang pagtawag ni Lindsey.

“Lasing ka na ba? Kanina ka pa tulala d'yan ah.” Tatawang tanong nito.

“Tsk, Hindi pa ako lasing, medyo hindi lang makarelate sa topic n'yo.” deretsyong kong sagot.

“Oo nga, Ang boring ng topic n'yo. Sino hindi aantukin.” Ani ate Georgia na lihim namang sinangayunan ng iba.

“Edi, ano na ba gusto n'yo?” Tanong ni kuya Jay.

Ilang saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid.

“What if mag kantahan na lang tayo dito?” Suhesyon ni Jhoy na agad namang sinangayunan ng lahat.

Tumayo si Josh at ate Sam para kunin ang speaker na nasa cottage nila.

Habang wala si Josh at ate Sam ay masaya ng nagkakatuwaan ang mga kasama ko dahil karamihan sa kanila ay tinitest na ang boses.

Nakatayo na si Yves, Jhoy, kuya Carlos, kuya Miller, at kuya Max na nagkokompitensya na sa biritan.

Medyo natagalan yung dalawa dahil medyo malayo yung cottage kaya ng dumating ang mga ito ay medyo napaos na yung mga bida bida, at ngayon ay hindi na makapagprisintang kumanta.

Nagtatalo pa ang mga ito kung sino ang unang kakanta pero sa huli ay si McZinn na lamang ang naisip nilang pakantahin, habang si ate Cali naman ang ka do it niya.

Oo silang dalawa ang napilitang magduo, literal na napilitan.

Si Jhoy ang may pakana nito, dahil siguro gusto na niyang magkabati ang dalawang kaibigan.

Wala ng nagawa yung dalawa at nagsimula ng pag usapan ang kakantahin nila.

Sa huli, napili nilang kantahin ang Tally by BlackPink.

McZinn smiles sweetly as she sings the cursing part. I'm not gonna lie, she looks hot doing that, but ate Cali caught my attention too. Her voice is good and I can say that the song choice is perfect for them.

Hot badass ang atake hehe. Char lasing na ata ako.

Parehas nakangiti ang dalawa ng matapos ang mga ito.

“Galing.” Papuri ko sa kanila ng lumapit na sila para umupo sa tabi ko.

“Okay, okay, si Ash naman!” Malakas na sigaw ni Lindsey na ikinalaki ng mata ko.

Gagu ba ‘to? E Hindi naman ako kumanta. Pumiyok pa ako d'yan edi nagka trauma sila?

Anyways, Wala din naman akong nagawa sa huli kasi pinagtulungan na nila ako.

“Bahala kayo, walang sisihan pag umulan dito.” Aniko na ikinatawa nila.

Pinapili nila ako ng kanta pero wala nga akong alam e. Ang kukulit.

“Karera by BINI na lang. Alam mo yun diba?” Tanong ni Lindsey.

“Oo, alam ko pero ang dami kayang rap part nung baka mawalan ako ng hininga pagkatapos.” Aniko na ikinatawa ulit nila, happy pill siguro nila ako.

“Okay, ganto na lang. Diba eight members ang BINI? edi tayong walo na lang.” Suhesyon ni Yves.

“Tama, Tama, basta saken part ni Stacey.” Ani Lindsey, sinangayunan lang naman ito ng iba.

Tapang ah, sa kikay princess na main rapper talaga ang gusto ah.

“Okay, listen! Kay McZinn yung part ni Mikha, Calista sayo yung kay Colet, si Yves ay Maloi since birit ka ng birit kanina, Solene at Gaia yung sa inyo ay hambebe, kay Ash yung kay Aiah, tapos saken yung kay master Jho. Ano game?” Ani Jhoy.

Desisyon si ate, pero keri lang. Sumangayon naman lahat kaya go lang.

Nagsitayo na ang mga ito at pumwesto sa harap.

Dalawa lang yung mic kaya magpapasahan na lang kami.

May pa dance step din ang mga bakla kaya medyo natagalan kami ng ilang minuto sa harap para ma practice muna yung sayaw.

Nang magkasundo na sa dance steps ay agad na ding nagsimulang I play ang minus one ng tugtog na Karera.

Alam kong hindi kami trained idols at normal lang ang mga pagkakamali pero na amaze parin ako sa galawan ng mga kasama ko kasi kahit mali mali at hindi kami gaanong magkasabay sabay ay na-manage namin ng maayos ang live performance namin.

Grabe, ang galing nila mag rap. Di ko keri, mga baklang ‘to.

Wala akong masyadong part pero kinabahan din ako kasi medyo mabilis din yung part ni BINI Aiah dito at parang rap na din.

Aiah's voice is soft and she sang really nice. Hindi ko alam kung kaya ko.

Hindi ko alam pero nung ako na yung kumakanta bigla naging focus saken yung atensyon ng mga kasama naming manonood at hindi sila nagsisigawan di tulad kanina.

Grabe, lupa kainin mo una ako. Balik mo na lang ako mamaya, opo.

Titigil na sana ako pero napalingon ako kay ate Cali, nakangiti ito habang sinasabing “okay lang yan” habang tuloy parin siya sa pag sayaw.

Tinuloy tuloy ko na lang ang pagkanta hanggang sa matapos.

Ng matapos ay agad kaming nag si upo dahil sa pagod.

Inabutan naman kami ng tubig nina Josh at masayang kaming pinuri.

“Ang galing n'yo, BINI yarn?” tukso ni ate Georgia.

Nagsitawanan kami at nagtuloy tuloy sila sa pag tutuksohan tunggol sa performance parin namin.

Hindi halatang naenjoy nila, opo.

“Oh, Ms. Ash, ubos na pala yang beer mo. Sandali ikukuha kita—” napahinto si kuya Jay ng magkasabay na nagsalita si McZinn at Ate Cali.

“Me too—” McZinn.

“Hindi na—” ate Cali.

Nagkatinginan silang dalawa.

“Stop being a killer joy, Cal. We're still sober oh.” Ani McZinn.

“Hindi porque hindi pa kayo lasing ay lulunorin n'yo na ang sarili n'yo sa alak.” Sagot naman ni ate Cali.

“You're over reacting, Cal.” Agad ding ani McZinn.

Bago pa sumagot si ate Cali ay agad pumagitna si Yves at Jhoy.

“Tama na, Tama na.” Anila.

“Bahala kayo!” Ani ate Cali bago tumayo at naglakad paalis.

Nang umalis ito ay nabalot ng katahimikan ang paligid.

“I-i'm sorry about that guys.” Hingging paumanhin ni Yves na bumasag sa katahimikan.

“Okay lang, mam. Sa tingin ko magpahinga na lang muna tayong lahat, hating gabi na rin naman.” Ani Josh na sinangayunan ng iba niyang kasamahan.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon