🦂18

599 16 0
                                    

Still Ashianna's POV

“Pwede magtanong?” Tanong ni Gaia. Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan lahat at nagmemeryenda.

“Syempre naman, Gaia.” Ani kuya Carlos na parang kaibigan lamang ang kausap.

“Wala bang mga beach or something dito na pwedeng puntahan?” Tanong nito.

“Meron, malapit lang dito. Kung gusto n'yo bukas dadalhin ko kayo dun.” Anito na ikinataka ni McZinn, base sa expression ng mukha nito.

“Really? Why I haven't know that yet?” Hindi makapaniwalang tanong nito.

“Hindi sinabi sayo ni Ashianna?” Tanong ni Kuya Carlos.

“Aba malay ko.” Depensa ko sa sarili ko ng tumingin saken si McZinn.

“Huh? ‘wag n'yo sabihin na hindi n'yo alam na may private beach dito na kayo ang nagmamayari?” Ani kuya Carlos na ikinagulat namin.

“May private beach kami?” Sabay na tanong namin ni McZinn na ikinatawa ni nanay Carolina.

“Ito talagang mga batang ito.” Natatawang anito.

“Kaya pala’y hindi kayo nagtutunggo doon, Ang buong akala namin ay hindi kayo mahilig sa dagat, Yun pala ay hindi lamang ninyo alam ang tungkol sa lugar na iyon?” Natatawang sabat naman ni tatay Marlo.

“Oh gosh! Can you tell me po now kung ano ano ba mga pinamana ni Lolo Alfredo samin ni Ashianna, kasi I'm confused of all the sudden information about properties.” Aligagang ani McZinn.

“Hindi n'yo alam?!” Gulat na tanong ni Kuya Carlos na hindi na namin pinansin. Nakatingin lamang kami kina nanay Carolina habang iniintay ang sasabihin nito.

“Ay nako, napakarami. Halos lahat ng mga ari-arian ni Don Alfredo ay alam naming sainyong dalawa ipinangalan. Ang totoo ay itong Mikhaiah paradise ay isa lamang sa apat na hasyenda ni Don Alfredo. Mayroon ding mga isla sa ibang bansa na sa inyo ipinamana ang Ilan, at tanging ang mga companya lamang ang ibinigay sa ama ni Ashianna.” Mahabang paliwanag ni nanay Carolina na nakapagpatahimik sa amin.

“I don't get it po, bakit ako kasali sa heir ni Lolo Alfredo, e Ashianna is his only granddaughter?” Tanong ni McZinn.

“Mahal na mahal kasi ni Don Alfredo ang iyong ama at anak na talaga ang turing niya dito, kaya sigurado ako na apo na rin ang turing niya sayo.” Anito na ikinatango na lamang ni McZinn.

“Pero alam n'yo ba na yung ibang property ni Don Alfredo na nasa Baguio at Palawan ay bali-balita na hindi ipinamana sa inyo at kahit na kay Mr. Arceta.” Sabat ni kuya Carlos na ikinakunot ng noo ko. Ramdam kong lahat kami ay nakatingin sa kanya at inaabangan ang susunod nyang sasabihin.

“Haynako, ‘wag n'yo iyang pansinin. Hindi naman talaga kamin sigurado tungkol sa bagay na iyan.” Ani nanay Carolina.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon