🦂19

668 17 0
                                    

Ilang sandali pa ay napili na lamang naming ibahin ang usapan at nakalimutan na rin ang tungkol sa huling sinabi ni kuya Carlos.

Matapos ay nagsimula na muli kaming maglakad pabalik sa bahay dahil baka abutan pa kami ng gabi sa daan.

Napagdesisyonan din namin na isama na din sina Solene at Gaia para sa bahay na muna namin magpalipas ng gabi.

Nang makarating ay agad nagsibagsakan sa sofa ang lahat maliban samin ni Calista.

"Guys, ipagluluto ko na muna kayo ng dinner." Suhesyon ko na sinangayunan lamang nila. "Nga pala, magpalit na kayo ng damit. Kumuha na lang kayo ng damit dun sa room ko, dun sa cabinet sa taas. Yung bagong pajamas, ha McZinn, samahan mo sila sa room ko." Pahabol na sabi ko bago umalis.

"Yes boss." Tamad na sagot ni McZinn bago tumayo at senyasan ang iba na sumunod sa kanila.

Nagprisintang tumulong si Calista para daw hindi na ako matagalan.

Nang malapit na kaming matapos magluto ay sinabihan ako ni Calista na mauna na muna para makapagpalit na ako. Nung una hindi ako pumayag pero nung pangatlong beses na niyang sinabi ay ramdam ko na ang inis sa boses niya kaya agad ko na ding sinunod. Ang scary pala nitong Isang to.

Lumabas ako ng kusina at napangiti ng makita sila. Napili lang naman nilang suotin yung mga pajamas na animals ang design. Si Yves nagsuot nung panda, si Solene ay rabbit, si Jhoy ay chick, si Lindsey ay cat, si Gaia ay koala, tapos nakiuso din si McZinn na ang suot naman ay fox. Nacutan ako sa kanila kaya naisipan ko ding magsuot ng ganun. Dalawa na lamang pala ang natitira. Ang dog at wolf at napili ko ang dog kaya yung wolf na lang ang ipapasuot ko kay Calista, bagay naman siguro sa kanya.

Matapos ay lumabas na din agad ako ng kwarto, nakasalubong ko si Calista sa hallway papunta sa kwarto ko.

"Wow, Ikaw din pala nakasuot ng ganyan?" Natatawang anito na tinutukoy ang pajama ko.

"Yeah, nga pala nandun yung sayo sa loob. Wala ka ng choice isa na lang yun na kaparehas nito." Nakangiting sagot ko dito. Ngumiti din ito at bahagyang pinisil ang pisnge ko. Ang akala ko ay maawkwardan ako pero nagulat ako dahil parang magustuhan ko pa.

Agad din itong nagpaalam, at naglakad papunta sa kwarto ko. Naglakad din naman ako papunta sa living room.

"Eyyyy!" Masayang salubong saken ni Solene ng makita ang suot ko. Sinabayan ko naman ang trip nito at nag "eyyy" din ako habang naka 🤙🏻. Medyo sumayaw sayaw pa ito habang papalapit saken kahit walang tugtog. Parang sira ulo talaga tong batang to.

Nang makalapit na ay napansin kong wala sina Jhoy at Gaia, kaya napatingin ako sa kusina at hindi nga ako nagkamali. Magkasunod silang lumabas dala dala ang mga pagkain na niluto namin ni Calista.

Sikip kami sa dinning table pero hindi nman iyon naging kaso dahil napili naming sa living room na lamang kumain habang nakaupo sa sahig.

Hindi rin ako makapaniwala na ayos lamang sa kanila ang gantong paraan dahil halata namang lahat sila ay laki sa yaman, pero wala namang bakas ng pagiinarte sa kahit na sino sa kanila.

Mukhang enjoy na enjoy pa nga ang mga ito e. Though, bagong makakakilala pa lamang ay tila magkakasundo na sila at parang matagal ng sanay sa mga ugali ng isa't isa.

Matapos magdinner ay nagdisisyon na kaming mag arrange ng matutulugan dahil pagod na talaga sila.

Dalawa lang ang kwarto kaya't naisipan naming tig apat sa bawat kwarto. Sina Solene, Gaia, at Lindsey ang kasama ko sa kwarto, samantala sa kwarto naman ni McZinn sina Yves, Calista, at Jhoy. Maliit lang ang bed at dalawang tao lamang ang kasya kaya nagprisinta kami ni Gaia na sa baba na lamang ng kama matulog. Naglatag kami ng makapal na comforter at inilabas ko rin ang mga extra pillows na dati pa nasa cabinet ko na ngayon ko lamang nagets kung bakit nanduon. Para pala sa future bisita ko yun, wala akong inaasahang ganun pero buti na lang mapilit sina Mommy kasi kung hindi ay walang magagamit ngayon ang mga ito.

Ako rin ang nag ayos ng arrangement sa kwarto ni McZinn dahil mas alam ko ang mga bagay bagay sa bahay namin. Si Jhoy at Yves ang nagpumilit na humiga sa kama kaya't wala ng choice sina Calista at McZinn kundi ang mahiga na lamang sa baba tulad ng pwesto namin ni Gaia sa kwarto ko.

Nang matapos sa kwarto ni McZinn ay pumasok na din ako sa kwarto ko para matulog. Nang makapasok ay bumungad saken ang hindi gaanong kalakas na paghihilik ni Solene at Lindsey. Sobrang himbing na ng tulog nila habang magkayakap pa. Sobrang close na talaga nila.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon