🦂9

783 21 0
                                    


“Ah, kaya kayo nandito para nakakuha ng supply ng pagkain sa loob ng isang linggo, mga prutas at gulay, ganun?” Tanong ni kuya Carlos.

“Oo nga, paulit ulit?” Sarkastikong sagot ko dito. Kanina pa namin pinag usapan ngayon n'ya lang na gets.

“Ay wala na, ubos na. Nadala na namin sa bayan kahapon pa.”

“Edi bawiin mo.”

“Ginagamit mo na ngayon ang boss card mo ah, sobrang proud ako sayo. Clap! clap!” Anito at pumalakpak pa.

“So, we can't get food supply now?” Sabat ni McZinn.

“Hindi HAHA, biro lang. Ang sarap lang asarin ni Ashianna. Meron pa, pwede pa iyon kahit ilang buwan. Pero nandun pa sa mga puno, kailangan pa I harvest. Mamaya kukuha ako.” Seryosong sagot ni kuya Carlos.

“Can we help to harvest?” Ani McZinn.

“Marunong ba kayo?” Seryosong tanong pabalik ni kuya Carlos.

“Ashianna will teach me daw.” Agad nanlaki ang mata ko. Bat ako?

“Marunong ba ‘yan? Hindi halata.” Nakataas ang kilay nito habang nagtatanong. Maya maya ay natawa nanaman ito. Buang.

“Marunong ako, kuya Carlos. Baka mas magaling pa nga ako sayo e.”

“Talaga ba? Sige tingnan naten mamaya.”

“She’s on it.” Sabat ni McZinn. Isa pa ‘to, pala desisyon.

“Ako ilalaban mo porque hindi mo kaya.”

“Tsk, this,” Tinuro nito ang paa niya. “It can't stop me to turn you down. Sasali ako.”

“Huwag ka na! Mamaya madulas ka ulit sa putik, tanga-tanga ka pa naman.” Diretsyahang sagot ko.

“Woah, grabehan na talaga siya oh.” Ani kuya Carlos.

“Let's see na lang.” Simpleng ani McZinn at nagsmirk pa. Tapang ah, mamaya ka saken.

“Ahhh!!! What is that think, OMG, OMG, it's moving! Ashianna! kill it, kill it!” Napasapo ako sa sintido. Dinig ko Ang nalakas na pagtawa ni kuya Carlos sa di kalayuan. Tsk! Hindi ko na mabilang kung ilang beses tumili at nag inarte ‘tong kasama ko, grabe na kakahiya!

Nagpumilit siya na tumulong tapos maghi-histerikal siya dahil sa maliit na uod.

“Sa liit n'ya sa tingin mo kaya kang patayin n’yan? Kung makasigaw e.”

“It's so kadire kasi!”

“Alam mo kung magiinarte ka lang ‘wag ka na tumulong. Go, alis dito!”

“Tsk.” Anito at agad naglakad patunggo sa ilalim ng puno ng mangga. Ipinagpatuloy ko na lamang ang paghaharvest ng petchay. Binalikan ko din yung parte na pinangalingan ni McZinn dahil siguradong ginulo lamang nito ang mga pananim sa parteng iyon.

“Wow Ashianna, marunong ka pala talaga? Magaling, pero hindi kasing galing ko.” Malakas nitong sabi sapat para marinig ko.

“Sige kuya Carlos, opinyon mo naman iyan.” Aniko at tahimik na tumawa. Rinig ko din ang mahinang pagtawa nito bago namin pinagpatuloy ang ginagawa.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon