🦂16

760 20 0
                                    

Ashianna's POV

Makalipas ang ilang oras, kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa farm nina nanay Carolina. Maliban saken, lahat ng mga ito ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa pagod. Kahit na si McZinn ay hindi maitatanging pagod na rin.

Tumigil sila saglit.

“Ash… malayo pa ba?” Habol hiningang tanong ni Yves.

“I-I always hate hiking.” Sabat ni Lindsey bago marahas na kunin ang tumbler ko.

“Arte mo e, Ikaw nga pinaka excited kanina.” Sagot ni Jhoy.

“Epal.” Muli niyang sagot na naging dahilan upang magsimula nanaman ng pag away nila. Ang iingay, pag tong mga to napaglaruan ng encanto ewan ko na lang—though, hindi naman talaga totoo ang mga yun e what if lang naman.

“Hey, pagpasensyahan mo na sila ha.” Bulong ni Calista na nasa tabi ko.

“Okay lang, sanay na ako—though, ngayong araw ko lang nasaksihan in personal, always ko na to naririnig sa kwento ni Lindsey.” Balik na pagbulong ko dito na ikinatawa niya, na ginawa ko din.

“Ako ang nahihiya sa mga kaibigan ko.” Natatawa nitong sabi habang tinitingnan mga kaibigan niya. Hindi pa tapos sa pagbangayan si Jhoy at Lindsey, samantala nag-aagawan naman si Yves at McZinn sa tumbler ko.

Ilang minuto ang makalipas ay agad na din kaming nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating ay agad kaming nagtunggo sa kubo ni nanay Carolina. Medyo natagalan pa kami dahil bawat taong nakakasalubong namin ay binabati namin at ipinakikilala na rin sin Calista. Medyo weird lang kasi halos lahat sa kanila ay ilang saglit nanapapatitig kay Calista ng may pagtataka. Sinasabi pa nila na pamilyar daw ito, pero si Calista na rin ang nagsabi na impossible daw na kilala nila siya dahil unang pagkakataon lamang niya sa Mikhaian paradise.

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa kubo ni nanay Carolina. Agad kaming sinalubong ni kuya Carlos.

“Ashianna! McZinn! Welcome back!” Bati nito samin. OA talaga.

“Argh! So ingay!” Reklamo ni McZinn na habang tinatakpan ang tenga niya. Natawa naman ako ng bahagya dahil sa itsura nito.

“Mas maingay pa nga si Jhoy, Ngayon ka lang nagreklamo.” Sabat ni Lindsey at umidap pa.

“Ako nanaman?!” Sagot naman ni Jhoy na simula nanaman ng banggayan nila. Natawa na lamang ako habang hinahayaan si Calista na hilahin ako palayo sa dalawa. Sumunod lamang sina McZinn.

“Oh nga pala sino itong mga bago ninyong kasama?” Tanong ni Kuya Carlos.

“Kaibigan—”

“Mo?! Talaga?! Pa'no?!—”

“Shhh!!! Ang OA, Ang OA talaga.” Pagputol ni McZinn sa sinasabi nito.

“Ikaw din naman, OA.” Sagot muli si kuya Carlos.

“Whatever. Anyways, this is Yves, she's Calista, and that is Jhoy with Ashianna's cousin, Lindsey. It that okay na ba? Can we talk to nanay Carolina na?”

“Kahit kelan talaga tong si McZinn.” Mahinang sabi ni kuya Carlos.

“Are you trying to whisper? Cause you know, naririnig ka parin namin.” Sabi ni McZinn na ikinatawa ko ng bahagya.

“Kuya Carlos, saan si nanay Carolina?” Singit ko ng tangkain nitong sumagot pa muli. Magbabardagulan nanaman tong mga to e, siguradong hahaba nanaman usapan pag hindi ko pa pinutol.

“Nasa mangahan sila ni tatay, iniintindi yung dalawang naligaw na dayo, turista ata.” Anito.

“Pwede ba sila puntahan?” Alangang tanong ko.

“Syempre. Sige punta na lang kayo dun, may gagawin pa ako.” Anito bago nakangiting umalis. Lagi talaga siyang masaya.

Tinawag na ni Calista sina Jhoy at Lindsey.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon