🦂40

504 18 0
                                    

Nagderetsyo ako papunta sa kusina habang siya naman ay sumunod lang.

Makalipas ang ilang minuto ay tawa lng ako ng tawa sa kusina kasi hindi pala alam ni ate Cali kung ano yung champurado, kaya ito hindi na kami magkaayos dito kasi hindi ko din alam pagluto, kumain lang alam ko e.

Maya maya ay natigilan kami sa ginagawa namin ng biglang may magdoor bell.

Sinabihan naman ako ni ate Cali na ako na lang daw ang mag check kaya iniwan ko na s'ya sa kusina.

Pagbukas ko pa lang ay agad akong nagulat.

It's McZinn with the rest of our cof.

“Good morning, ate Ash!” Bati ni Solene.

Hindi ako sumagot pero ngumiti ako.

Nag aalangan man pero agad ko din silang pinapasok.

As a sign of respect ay manatili lang ako sa pinto habang pumapasok ang mga bisita.

Maya maya ay nakapasok na ang lahat maliban kay McZinn.

Inintay ko pa ito ng ilang sandali pero nakipagtitigan lang s'ya at ng akmang magsasalita na ay nagdisisyon na din akong pumasok.

Ramdam ko ang pagsunod ni McZinn sa likod ko pero hindi ko na lang siya pinansin.

Dumeretsyo sa living room ang mga kaibigan ko kaya sumunod na lang din ako.

Maabutan kong prente ng nakaupo ang mga ito sa sofa at may hawak na ding remote ng tv si Lindsey.

Feel at home na talaga ang mga person.

Naupo ako sa tabi ni Solene, at si McZinn naman ay naupo sa single sofa na nasa harap ko.

“Cousin, pahinge nga ng snack.” Request ni Lindsey.

Wow, so kapal ako pa inutusan.

Pero wala akong magagawa, ng saktong tatayo na ako ay biglang…

“Can we talk?” Seryosong Sabi ni McZinn.

Ilang sandali akong napatitig sa kanya bago dahan dahang tumango.

At syempre nakatingin yung mga chismosa, pero hindi na lang namin pinansin.

Agad naman tumayo si McZinn at dumeretsyo sa garden area, sumunod naman ako.

Maya maya ay humarap siya sa akin.

“Love—” anito at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad kong iniwasan ito.

Gulat na gulat naman ito sa inasta ko pero ilang sandali ay nagsalita itong muli.

“What happened, love? Why did you leave without saying anything?” Mahinahong aniya.

Napabuntong hininga naman ako bago sumagot.

“Dapat sinabi mo na lang nung una pa lang na ikakasal ka na. Para hindi ako umasa.” Walang emosyong sagot ko.

Nangunot naman ang noo nito at sandaling napatitig sa akin.

“W-what do you mean?” Nauutal nitong tanong.

Sarcastiko naman akong natawa.

“Wag mo akong gawing tanga, McZinn. Wag mo din tatangkaing magsinungaling pa. Ginawa mo akong kabit, ang kapal mo nam—*/sigh, this is nonsense anyway. Just leave me alone.” Aniko nito, agad akong tumalikod at ng tangkain kong maglakad ay pinigilan niya ako.

“Wait, let me explain.” Tarantang sabi nito na ikinatigil ko.

She look seriously desperate.

No Ashianna! Stay strong, hindi tayo marupok!

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon