~~
It's been days since nung magkabalikan kami ni McZinn, though wala pa sa kahit na sino sa mga kaibigan or family namin ang aware sa comeback namin, bukod syempre kay Rafael na ang huling balita namin ay lumuwas na ng ibang bansa to continue his study ng law, at kay Ruby na bumalik na din sa pilipinas dahil tapos na ang baksyon nito at back to school na ulit.
Sa mga nakaraang araw ay namalagi kaming dalwa ng girlfriend ko—wow girlfriend ko, ang sarap sa feeling nun ah, final! Anyways yun na nga, namalagi kaming dalawa sa penthouse niya at ginawang work from home muna ang mga trabaho namin sa kanya kanyang company.
Ngayon ay kasalukuyan kaming nasa condo unit ko para kunin yung iba kong gamit. Ako lang sana ang nandito kasi alam kong madami siyang gagawin pero she insisted na samahan ako kaya ito kami ngayon sa room ko, tinutulongan niya akong mag ayos ng mga gamit na kukunin ko.
Tapos na kami kaya nasa living room na kami, aalis na sana kami pero may nakalimutan ako kaya't bumalik ulit ako sa kwarto ko, at habang nasa kwarto ako ay narinig kong may nagdoor bell.
“Love?! Can you open the door for me?” Pasigaw kong tanong dito na agad niyang sinagot ng oo.
Rinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Anong ginagawa mo dito?!” Malakas at madiing tanong ng taong nasa pinto. Hindi si McZinn yung nagsalita pero kilalang kilala ko ang boses na yun… God help me po… it's ate Cali, at mukhang galit nanaman siya.
Agad akong lumabas sa kwarto para puntahan sila. Naabutan ko pa ang marahas na pag pasok ni ate Cali habang tinatawag ang pangalan ko. Nang makita ako nito ay agad siyang tumigil sa paglalakad at humalukipkip sa harapan ko habang deretsyong nakatingin sa akin.
Parang sinasabi ng tinginan nito ang mga katagang “you need to explain this” ito na mag eexplain na nga, pero men! Hindi ako nakapagsalita.
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Agad naman akong tumingin kay McZinn. Nasa may pinto parin siya at kalmado lang siyang nakatingin sa amin. Sinesenyasan ko s'ya na tulungan ako pero si ate mo girl iba ata pagkaintindi.
“Ah, love I'll go na, iwan ko muna kayo.” Anito at aangal na sana ako pero mabilis nitong kinuha yung maleta ko at dere-deretsyong lumabas. Gagu, iniwan ako.
Nang tuluyang nakaalis ito ay napabalik ang tingin ko kay ate Cali.
“Ahm, upo tayo ‘te—”
“Nagkabalikan kayo?” Malumanay nitong tanong. Mas scary yung ganto kesa pagsumisigaw siya.
Yumuko ako at itinuon sa kamay ang tingin ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at maya maya ay biglang tumawa. Napaangat ako ng tingin kasi… may saltik ba to? Ang buong akala ko papagalitan ako tapos ngayon bigla lang tatawa?
“Napakarupok ng baby bunso ko.” Anito at marahang ginulo ang buhok ko.
Nawala ang kaba ko sa dibdib at parang nabunutan ng tinik dahil sa mga narinig ko mula sa kaya. Agad akong yumakap sa kanya dahil sa saya.
“Kelan kasal?” Tanong nito nang matapos kumalas sa yakap. Tumingin naman ako sa kanya na parang “what?” pero mukhang seryoso ito.
“Engaged ka na ngayon diba?” dagdag pa nito na lalong nagpakunot ng noo ko.
“Wag mo sabihin saken na suot mo yang singsing ni McZinn dahil trip mo lang?” Anito. Napatingin ako sa singsing at pabalik sa kanya.
“Hindi ko alam kung ano ang eksaktong parang kung pa'no ka napunta sa gantong sitwasyon pero umalis si Rafael, magkasama kayo ni McZinn, at suot mo yang singsing na yan. Alam ko yung tungkol sa pustahan ni McZinn at Rafael dati, at yang singsing na yan ay para lang sa taong papakasalan ni McZinn. So engaged ka na?” anito.
Sandali akong natahimik bago sabihing…
“Yeah, sure.” Sagot ko dito. Natigilan siya ng sandali dahil sa sagot ko, actually kahit ako nagulat sa sinabi ko e. Sandali kaming nagkatinginan bago sabay na nagsitawanan.
She pulled me for a hug.
“I'm always here to support you. Nandito lang ako, bunso.” Anito habang nakayakap sa akin.
Though, alam ko naman na yung bagay na yun kasi simula pa noon ay hindi na siya umalis sa tabi ko tuwing kailangan ko siya, pero sobrang sarap parin sa pakiramdam na marinig yun mula sa kanya.
~~
Tahimik kong dinamdam ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa balat ko, habang nakatingin sa tanawing hindi ko inasahang makikita kong muli.
“I miss this.” ani McZinn bago sumandal sa balikat ko, napangiti naman ako at masuyong sinuklay ang buhok niya gamit ang free hand ko, yung isa kasi hawak niya.
Kasalukuyan kaming nasa favorite spot namin sa Mikhaiah paradise at pinagmamasdan ang papalubog na araw.
It's our first anniversary at napili naming umuwi sa lugar kung saan kami nagsimula.
“Love?”
“Hmm?” Tanging sagot niya habang nasa parehong posisyon.
“Will you be with me forever?” tanong ko. Napaangat ito ng tingin at seryosong sumagot ng…
“No.” sabay tawa.
Mahina ko siyang tinampal sa braso dahil sa kapilyuhan niya. Tumawa lang naman ito ng tumawa.
“Joke lang, Love… I can't say it kasi I don't know the future, but I want to be with you and I will stay with you as long as I have a chance to, and I will love you as long as I can.” Seryosong anito.
“Thank you so much love, pangako ko din na mananatili ako para mahalin ka hanggat may pagkakataong ibinigay sa akin si God.” Sagot ko din habang hawak ang kamay niya.
I don't like the idea of losing her again pero she's right, we can't tell the future, at ang kaya lang naming ipangako ngayon ay ang mamahalin namin ang isa't isa habang may pagkakataon kami…
🦂🌸
THANK YOU PO SA WALANG SAWANG NAGBASA, YUNG NAGSAWA BAHALA KAYO, CHAR LNG... THANK YOU PO TALAGA. THIS IS MY FIRST FINISHED BOOK NA NAPUBLISH KO KAYA SOBRA AKONG NAGPAPASALAMAT SA MGA NAGBASA.PS. SANA PO AY BASAHIN N'YO RIN ANG IBA KO PANG IPUPUBLISH NA STORY DITO AT SA BOOK 2 PO NITONG STORY NA TO, ANG TITLE PO NUN AY "BETWEEN THE BLUE SKY AND YELLOW FIELD|MACOLET", NA IPUPUBLISH KO SOON, KUNG SAAN AY IPAGPAPATULOY KO ANG STORYA NITO, DOON DIN PO SA STORY NA YUN NATIN MAKIKILALA YUNG ISANG MYSTERY CHARACTER/ANTAGONIST, KUNG NAALALA N'YO PO.
Yun lang po sa ngayon, MARAMING SALAMAT PO!
🦂🦂🦂
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1
FanficThis story is about two individuals that was born and raised with a golden spoon in their mouths but grew different. One is an independent and responsible college student named, Ashianna Arceta, and one is a rebellious and a troublemaker named, McZi...