🦂26

580 12 0
                                    

Hindi nila namalayan ang pagka kalapit ng kanilang mga labi, hanggang sa…

“McZinn!” malakas na tawag ni Calista sa kaibigan ng maabutan niya ang nangyayari.

Ashianna's POV

Agad kaming napalingon sa kung sinong nagsalita, at doon ko nakita si ate Cali na seryosong nakatayo sa di kalayuan.

“Breakfast is ready.” Simpleng anito habang walang emosyong nakatingin sa amin.

Ilang sandali lang ang lumipas at agad din akong tumayo at lumapit sa kanya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may nagawa akong napakalaking kasalanan dahil sa paraan ng pagtingin niya.

Ng tuluyang makalapit ay agad din akong lumingon kay McZinn. Nakatayo na din ito at kasalukuyang nilalaban ang tingin ni ate Cali.

Anong problem ng mga ‘to? Magkaaway ba sila? E, kanina ayos lang sila a.

Tumagal ng ilang minutong ganun lamang ang ginagawa nila bago sila magbalik sa reyalidad dahil sa pagdating ni Jhoy.

“Guys—oh, anong nangyayari?” Agad na tanong nito ng mapansin ang tensyong nabubuo sa paligid.

“Wala.” Simpleng sagot ni ate Cali bago ako hilahin paalis.

“Ate Cali, may problema ba?” Tanong ko dito.

Hawak hawak parin niya ang kamay ko at bahagya na kaming malayo kina McZinn.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pag luwag ng pagkakahawak nito sa kamay ko.

Bahagya siyang lumingon sa akin habang patuloy parin ang paglalakad.

“Wala yun, ‘wag mo na lang pansinin…” mahinang anito bago tumigil sa paglalakad at tuluyang humarap sa akin. “Hindi ka dapat pumupunta sa kung saan saan lalo na kung kayong dalawa lang…” anito na ikinakunot ng noo ko.

Ilang sandali akong tumingin sa kanya at inintay ang sunod niyang sasabihin. I'm so confused with her point.

“Hindi tayo taga dito, pa'no kung naligaw kayo?” Anito na nakapagpatanggo sa akin.

I see, she's just being herself. Nabanggit na sa akin ni McZinn na si ate Cali ang pinaka mature sa kanilang lahat, kaya siguro siya din ang pinaka protective at naiintindihan ko naman siya.

“Sorry.” Mahinang sagot ko.

“No, no, ‘wag ka magsorry. Sa susunod lang, kung aalis kayo magsabi man lang kayo, ‘wag din kayo lumalayo sa rest house. Yun lang naman gusto ko.” Mahinahong anito na sinagot ko lang ng ngiti. Ngumiti din ito at marahang ginulo ang buhok ko.

“Tara na.” Anito habang inilalahad ang palad niya sa harap ko. Agad ko din naman iyong tinanggap at sinabayan na siya sa paglalakad.

Buong maghapong nagkanya kanya ng mga gawain ang walo at bandang alas kwatro na ng hapon ng mapagdesisyonang mag usap-usap tungkol sa plano nila para sa gabing iyon.

Tinanong ng grupo ni Josh ang request o idea ng mga dalaga at sa huli ay napagkasunduan ng lahat na magbonfire habang nag iinuman kasama na din ang grupo ni Josh.

Sumapit na ang alas syete at nagsimula na din silang magprepare para sa gagawin nila.

Sina Josh ang nagprisintang gumawa ng lahat dahil trabaho daw nila ito, pero sa huli ay napilitan din pumayag ang nga ito na hayaang tumulong ang iba.

Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na ang mga ito.

Umupo sila palibot sa apoy at masayang nagkwentuhan habang umiinom ng beer.

Ashianna's POV
Nagkakasiyahan kami pero hindi ako masyadong makapagsaya dahil hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang tensyong sa pagitan ni McZinn at Ate Cali, lalo na dahil parehas ko silang katabi ngayon.

(Gaia, Solene, Yves, McZinn, Ako, ate Cali, Lindsey, Jhoy, kuya Carlos, Josh, at ang kasama ni Josh na sina ate Sam, kuya Max, kuya Peter, ate Georgia, Fritz, ate Dina, kuya Miller, kuya Jay, at Cassie na katabi din ni Gaia, ang pagkakaayos ng pwesto namin palibot sa bonfire.)

Bali si McZinn ang nasa kanang bahagi ko at si ate Cali naman sa kaliwa ko.

Ang awkward lang ng kunti lalo na pag nagkakasabay sila sa pag abot ng food saken.

Ano ba kasi problema nila? Kanina pa kasi sila. Kung may problema sila sana maayos na. Ako naiipit ah, pag untugin ko kaya sila—charot lang.

Nagsimula na ang inuman at tanging si Solene, Gaia, at Cassie lamang ang hindi umiinom dahil minor pa sila, pero sigurado naman kaming nag enjoy parin sila kasi sa harap nila nakalagay ang 60 percent ng pulutan.

“Oh ito guys, pinagbukas na namin kayo ng bagong beer—ops, walang aangal. Kunin n'yo na lang, bilis.” Ani Yves habang isa isa kaming inabutan ng beer. Si kuya Jay ang nag abot sa akin ng beer.

First time ko at pangalawang bote ko na ‘to pero parang wala namang epekto kaya tinanggap ko na lang.

“After this tama na yan ha.” Bulong saken ni ate Cali.

“Ha? E pangalawa ko pa lang naman to a, hindi pa ako lasing—”

“Wala akong pake, basta last mo na yan.” Anito.

Aangal pa sana ako pero baka ma beast mode pa, kaya ‘wag na lang.

Anyways hindi naman din nakakaenjoy ang lasa ng beer, nahihiya lang talaga ako tumangi. Baka isipin nila ang kj ko masyado kung hindi ako iinom e nasa right age na rin naman ako.

“Opo, pero dapat last mo na din yan.” Nakangiti kong balik dito.

“Ayoko, hindi pa naman ako lasing.” Simpleng anito.

Wow ha? Pala desisyon sa buhay ko tapos ayaw ako pag desisyonin sa buhay n'ya.

“Tsk, mataas alcohol tolerance ko, Ikaw hindi.” anito.

“Pa’no mo nasabi e, naka Isang bote na nga ako hindi pa ako nalalasing.” Proud na aniko dito. Natawa naman ito ng bahagya.

“Intayin mo lang maya maya.” Anito na ikinatigil ko.

Omg, so pwede palang hindi agad umepekto yung alak?

Pa'no kung mangyari din saken yung nangyari dun sa nabasa ko sa story, Nung malasing at magkalat ng kahihiyan yung protagonist?

Bigla ko naimagine yung sarili ko na wala ng mukhang maihaharap sa mga kasama ko kung sakaling mangyari saken mga nangyari dun sa story.

Ahhhh! Hindi pwede. Huhu sana mali si ate Cali, sana mataas din alcohol tolerance ko…

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon