🦂32

689 19 10
                                    

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay sa wakas nakarating na din kami sa mismong camp site na dapat pupuntahan namin.

Bali tatlong malalaking tent na good for 8-10 people ang sinet up nila.

Dalawa para sa girls at ang Isa ay para sa boys.

Nang dumating kami ay prenteng nakaupo malapit sa bonfire ang iba.

Agad naman nagsitayuan ang mga ito ng mapansin kami.

"OMG, Ash! Where have you been?!" OA na tanong ng pinsan ko.

Agad itong yumakap sa akin na pinabayaan ko na lang din.

Si McZinn ang nagpaliwanag ng mga nangyari sa amin kaya tahimik na lang akong naupo sa tabi ni Lindsey.

"Wait, teka lang... naulanan kayo?!" Agad tanong ni Yves sa gitna ng pagku kwento ni McZinn.

"Masama ang tubig ulan," Singit ni kuya Jay habang iniiaalok ang tasa ng hot choco sa amin ni McZinn. Matapos naming tanggapin iyon ay agad siyang umupo sa harap namin.

"Pwede kayong magkasakit lalo na kung hindi kayo agad nakaligo ng malinis na tubig, pero 'wag kayo mag alala. May sapa sa banda doon, ituturo ko sa inyo mamaya at ng maka ligo at maka pagpalit na kayo ng damit. Sige na, inumin n'yo na yan." Dagdag nito na sinangayunan na lang namin.

Ilang sandali ay natapos na kami kaya't agad din nila kaming itinaboy dahil baka magkasakit daw kami kung maspapatagalin pa.

"Oh ito sakto, katamtaman lang ang temperatura ng tubig. Maiwan ko na kayong dalawa ha, paalala lang 'wag din kayong masyadong mag pakatagal dahil baka 'yun pa ang makapag pasakit sa inyo." Seryosong ani kuya Jay.

"Sure/Opo kuya." Magkasabay na sagot namin ni McZinn.

"Sige na, aalis na ako." anito bago tuluyang umalis.

Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid.

Magkasabay kaming napatingin ni McZinn sa isa't isa, at maya-maya ay magkasabay ding natawa.

Hindi ko alam bat kami natawa, siguro dahil sa awkward silence, heh.

"Let's go na, the water is still warm pa oh." Anito na sinangayunan ko agad.

Hindi gaanong kalawak ang sapa pero maganda ito at halatang man-made dahil sa pagkakaayos ng mga bato sa gilid.

Mukha din syang swimming pool, ganun.

Medyo tago ang lugar na ito at maraming nakapaligid na puno kaya't hindi nakakailang.

Inilagay muna namin sa isang malaking bato ang mga dala dala naming pamalit na damit bago naghubad ng damit.

Kasalukuyan kaming parehas na naka underwears lang and kung iniisip n'yo kung hindi ba kami nag kakailangan, hindi, kasi this is not the first time.

Maraming beses na naming nagawa to and sanay na kami, though may asaran parin like now.

Inaasar na naman niya ako tuwing nahuhuli niya akong napalingon sa kanya habang nasa tubig kami.

But I can't deny, hindi ko din kasi mapigilan ang sarili kong lumingon sa kanya, hehe.

"Ha! Naka ilan ka na ha, you're looking at my body talaga e." Anito na ikinapula ko.

Timbog nanaman ako guys.

"Kapal."

Pero syempre 'wag tayo aamin, astig dapat tayo.

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon