🦂8

872 20 0
                                    

Ramdam ko ang tingin ng ibang tao habang naglalakad kami kaya’t bahagya kong binilisan ang paglalakad upang makarating agad sa bahay ni nanay Carolina.

“Oh, iha! Nandito ka na pala. Anong nangyari diyan sa kasama mo? Hali nga kayo.” Tarantang ani nanay Carolina ng sa wakas ang makarating kami sa tapat ng bahay nito. Inalalayan namin si McZinn na nakaupo.

“Hello po, Ako po si McZinn, McZinn Lim.” Malambing na pakilala nito habang nakangiti na tila walang masakit sa katawan.

“Anak ni Mr. at Mrs. Lim? Mikmik, Ikaw na ba iyan?” Tanong nito.

“O-opo?”

“Ay nako, napaka laki mo na, hindi kita nakilala. Halika nga dito, miss na kita!” Anito at masuyong niyakap si McZinn na hinayaan lang ng babae, gumanti pa nga ito ng yakap na parang kila talaga niya yung nasa harap niya e sigurado namang hindi talaga niya kilala ang mga tao dito.

“Pero teka, anong nangyari sa paa mo?” Agad na tanong nito pagkakalas ng yakap.

“Nadulas po.” Ako ang sumagot dahil parang nahihiya itong sabihin na nadulas siya.

“Nako kayong mga bata kayo, hindi kayo nag iingat. Sandali, lilinisin at gagamutin natin iyan.” Anito at nagmamadaling naglakad papasok sa munting kubo. Pagkaalis nito ay agad akong naupo sa tabi ni McZinn. Tahimik lamang nitong pinagmamasdan ang paligid, na ginawa ko din. Sobrang payapa ng paligid at tanging tawanan lamang ng mga batang naglalaro ang naririnig. Pero agad akong nagtaka ng mapansin ang gawing tinitingnan niya. Mayroong dalawang babae sa gawing iyon, mukhang magnanay. Nagtatawanan ang mga ito habang inalalayan nung nanay yung anak niya sa pagsasampay ng damit. Mukhang tinuturoan nung nanay yung anak niyang dalagita kung paano ang tamang paglalaba ng damit.

“Hindi ka ba tinuruan maglaba? ‘wag ka mag alala tuturuan kita.” Pabirong aniko na hindi niya pinansin. Ang sama ng ugali, gusto ko lang naman s'ya patawanin ah. Reklamo ng isip ko. Ilang sandali pa at binalot lang kami ng katahimikan, buti na lang dumating din si nanay Carolina. Walang arte arte nitong hinubad ang sapatos na suot ni McZinn at maingat na nilinis ito ng tubig gamit ang tubig na dala dala nito sa timba. Ilang beses na pinigilan ni McZinn ang ginagawa ni nanay Carolina dahil kaya na daw niya pero sa huli ay wala rin itong nagawa. Hinilot pa ito ni nanay ng herb oil bago lagyan ng benda.

Matapos mabendahan ang paa ni McZinn ay agad ipinatawag ni nanay ang lahat ng tao upang ipakilala si McZinn.

Matapos ang ilang minutong paguusap kasama ang mga tao ay agad ding nag kanya kanya ang mga ito sa pagbalik sa mga ginagawa nila at tanging ang pamilya na lamang ni nanay Carolina ang naiwan.

“Kinagagalak ka naming makilala, mam McZinn.”

“Nice to meet you din po, but don't call me ma’am po, just McZinn is fine.” Anito.

“Sige, McZinn. Pala kaibigan ka din palang bata katulad nitong si Ashianna.” Ani Kuya Carlos, mas matanda s'ya saken ng dalawang taon at siya panganay na anak ni nanay Carolina. Pero sandali, ano daw? Ako pala kaibigan?

“Really?” Nakangising tanong ni McZinn at bahagyang lumingon saken. Inirapan ko lang siya dahil alam kong nangaasar siya. Sabay silang nagtawanan ng malakas ni Kuya Carlos. Nakakuha ata ng kakampi si Kuya Carlos. Dati kasi tuwing binibiro ako nito ay agad siyang sinasaway nina nanay Carolina dahil sinasabi nilang di daw ako komportable, na totoo naman.

“May kaibigan kaya ako, Kuya.” Depensa ko sa sarili ko.

“Sino? Si Stacey? Yung pinsan mo?” Tanong nito na ikinatahimik ko. Nagtawanan ulit silang dalawa, nag apir pa.

“Sige, asarin n'yo lang ako. Hindi naman ako pikon e.” Matapang kong singit sa tawanan nila. Pero bahagya akong nakanguso at naka yuko kasi ang totoo nakakaasar talaga yung tawa nila. Ilang sandali pa ay natahimik na ang dalawa. Maya-maya din ay naramdaman Kong may pumisil ng pisnge ko. Nag angat ako ng tingin, si McZinn pala. Nakangiti ito saken, Hindi ko alam kung bakit pero napangiti din ako ng bahagya bago nahihiyang tumingin sa baba. Muli kung narinig ang pagtawa ni kuya Carlos.

“Carlos, tinutukso mo na naman ba si Ashianna?!” Malakas na tanong ni nanay Carolina habang papalapit sa amin.

“Po? Hindi po ‘nay, si McZinn lang po iyon.” Anito.

“Luh, why me?” Agad na angal ni McZinn. Natawa naman muli si Kuya Carlos.

“Ano ba yan, ang babaw talaga ng kaligayahan mo, Kuya Carlos.” Aniko.

Medyo nagulat pa ito kasi unang beses ko mang asar pabalik.

“Syempre, nakita ko lang mukha mo natatawa na ako.” Muling bawi nito.

“Wow, nakakahiya naman sayo.”

“Alam kong gwapo ako pero wag ka masyado mahiya saken.”

“Feeling!”

“Ikaw naman—”

“Hep, hep! Tama na iyan. Nakakatuwang makita na komportable ka na sa Kuya Carlos mo, Ashianna, pero alam kong malayo ang nilakad n’yo ni McZinn, kaya kalikayo at nagluto ako ng minatamis na saging. Ipaghahanda ko din kayo ng maiinom, ano ang gusto niyo?” Singit ni nanay Carolina.

“Anything po.” Nakangiting sagot ni McZinn.

“Sige, bigyan namin kayo ng tubig galing sa—”

“Carlos.” Banta ni nanay Carolina.

“Biro lang po hehe.” Anito at bahagyang kumamot sa batok. Loko talaga.

🦂🌸

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon