🦂44

514 11 9
                                    

Third person’s POV

Matapos masigurong maayos na sa loob si Ashianna ay agad humarap si Lindsey kay Calista.

Sinabi nito ang nangyari at bago pa man siya matapos ay agad sumugod papasok si Calista, at nang nahanap na nito si McZinn ay agad niya itong kinompronta.

“What's your problem?!” Agad na tanong ni McZinn dahil sa marahas na pag hila sa kanya ni Calista.

Agad nataranta ang iba nilang kasama lalo na si Jhoy at Yves na parehas kilala ang ugali ng dalawang dalaga.

“Ang kapal ng mukha mong gawin yun sa kanya!” sigaw naman ni Calista.

Agad hinawakan ni Yves si Calista sa braso para mapigilan ito sa pag sugod kay McZinn.

Si Jhoy naman ay pumunta kay McZinn.

“Ito naman yung gusto mo diba?! Kaya pinagbigyan na kita, congrats ha, dahil sayong sayo na s’ya!”

“Anong katangahan yang pinagsasabi mo?!”

Natawa si McZinn.

“Really?!”

“Hindi ko alam yang pinagsasabi mo!”

“You like her diba? Kaya nilayo mo s'ya saken. Gustong gusto mo nga to diba? Edi sayo na!”

“Tangina! All this time yan yung iniisip mo saken?!”

“What's your problem ba?!”

“Hindi ko maintindihan ang point mo, tangina!”

“Tsk, Argh! You said yesterday that Ashianna deserve better—you're better. I know that's what you mean, and I understand because I was just a freaking useless… you deserves her and she deserves you. Pinapaubaya ko na siya sayo.”

Matapos sabihin ni McZinn iyon ay agad napahilamos sa mukha si Calista.

Tila sobra itong nairita sa mga narinig.

“ANG TANGA MO!” sigaw nito na labis na ikinagulat ng iba, mas nagulat pa ang mga ito ng kwelyohan niya si McZinn. “YOU FUCKING HURT HER NG KATANGAHAN MO!”

“What's your problem?!” Takang tanong ni McZinn at bahagya pang inayos ang damit nito na medyo nagulo dahil sa panggigil na paghawak ni Calista. “I don't understand you Cal, this is what you want right? Mahal na mahal mo s'ya remember?”

“Sobra pa sa sobra.”

“Yun naman pala! So what's your problem? She's yours na nga diba?!”

“Ang TANGA mo—”

“Hindi ka pa ba titigil?!”

“TANGINA MCZINN! MALI YANG INIISIP MO DAHIL WALA AKONG GUSTO SA KANYA, GANTO AKO KASI KAPATID KO S'YA! MAHAL KO S'YA KASI KAPATID KO S'YA !” Ang mga salitang ito ni Calista ay nakapagpatahimik ng buong paligid.

“At nilalayo ko siya kasi alam kong gago ka, pero mahal na mahal ka n'ya kaya hahayaan ko na sana kayo, pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo lang s'ya, mas pinatunayan mong gago ka talaga at hindi karapatan dapat na mahalin ni Ash—simula ngayon hindi mo na makikita ang kapatid ko, gago ka” Ani Calista bago mabilis na naglakad palayo.

Naiwang tulala ang iba na hindi pa tapos sa pag proseso ng mga nalaman nila.

Si Lindsey ang naunang magsalita sa mga ito dahil may narealize siyang isang bagay.

“S'ya si ate Abigail, pero pa'no?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa hangin.

~•~•~•~

HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon