I looked at Yves who is now looking at Calista too. We looked into each other for a second before she understand my look and immediately stood to make a way for me.
“What they want this time?” I asked as I sat Infront of her. She looks directly into my eyes.
“As always.” She simply answered, talking about her grandparents’ request. I nodded slowly.
“I don't get it, why do they always pressure you to marry someone, may I ask?” I said. I can't take this anymore, it's my first time asking this.
“Para may makakatulong daw ako bago nila tuluyang bitawan saken lahat-lahat ng business namin.” She said.
“But why need pa ng makakatulong? You can do it yourself naman diba?”
“Hindi ko sure.” She said.
“Tsk, I see it now. Are they still gaslighting you? Are they saying that you can't do it yourself?” She didn't answer. “Feel ko they're doing it because they just want you to find someone to marry e. Maybe they badly want great-grandchildren—” She immediately glare at me making me stopped speaking. See? I'm just nagbibiro lang naman then sineryoso n'ya again. She looks galit pa.
“Oh, oh nagbibiro lang, bat ka nagagalet?” I said.
A while later her expression suddenly soften.
“Kadire pakinggan pero sa tingin ko tama ka.” She said.
I laughed.
“Nandito ka ba para i-comfort ako? Kasi kung oo napaka walang kwenta ng pag comfort mo.” She said but I just ignored it.
“What you gonna do now? Are you gonna bigay what they want na ba? Great-grandchildren lang naman pala need nila e.” I said.
“Sira ulo!” She yelled before walking away.
Ashianna's POV
Lumayo si Ate Cali para sagutin ang tawag sa kanya, pero kahit hindi namin naririnig ay pansin kong tila napakaseryoso nito habang nakikipag usap.Tatayo sana ako para puntahan ito pero naunahan ako ni McZinn kaya’t tahimik ko na lamang sinundan ito ng tingin habang naglalakad ito papunta kay Ate Cali.
Agad itong umupo sa harap ni Ate Cali at nakangiting kinausap ito. Nasaksihan ko ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon ni Ate Cali kaya’t ipinagsawalang bahala ko na lamang ang pagalalang nadama ko kanina.
Ilang sandali ay magkasabay ng lumabas sa kusina ang dalawa.
Walang emosyong umupo sa tabi ko si Ate Cali habang bahagya namang nakangiti si McZinn ng tumabi ito kay Yves na kasalukuyang busy sa cellphone.
Nagpaalam ako kina ate Cali dahil naisipan kong tawagan sina Mommy.
Naglakad ako patunggo sa likod ng rest house pero agad ding nangunot ang noo ko ng marinig ang dalawang pamilyar na boses pero medyo iba dahil soft yung boses nila at parang nagpapacute?
Maingat kong sinilip ang labas upang makumpirma kung tama ang iniisip ko at BOOM! True nga, it's Lindsey and Jhoy. Nagb-baby talk sila sa isa't isa habang nagc-cuddle sa labas. May duyan kasi sa labas at nandoon sila naglalandian.
Mga bakla! sinasabi ko na nga ba, eme eme lang away nila sa harap namin. May tinataggo pala sila.
Napangiti na lamang ako at agad naglakad pabalik para hindi sila maistorbo.
“Ate Ash, saan si Ate Lindsey? Ask ko lang kung may extra brush s'ya for blush-on. Naiwan ko kasi yung saken.” Ani Solene na nakasalubong ko hallway. Alam kong patungo siya sa likod kaya bago pa niya makita yung dalawa agad ko na itong hinatak pabalik. Medyo nagulat pa siya pero nawala din agad iyon ng ngitian ko siya.
“Marami ako sa taas, tara bigyan kita.” Aniko na ikinatuwa naman niya.
Hays, muntik na yung dalawang bakla, buti na lang marami din akong extra brush.
Alas kwatro na ng hapon at kasalukuyan na kaming nasa tabing dagat, at my kanya kanya nnamang ginagawa. Si McZinn at Calista ay seryosong nag-1on1 sa vollyball. Sina Jhoy, Solene, Lindsey, at Maloi ay busy sa pagtry ng mga activities na prepipare ng group ni Josh, samantala kami ni Gaia ay tahimik lamang silang pinapanood mula sa pwesto namin.
Ilang sandali pa ay hindi ko na kinaya ang sobrang katahimikan kaya't naisip kong kausapin siya.
“Gaia…” Pagtawag ko dito habang iniisip kung ano ang dapat ko I topic.
“Yes ate Ash?” Nakangiting tanong nito. Ang cute talaga ng smile n'ya, para si—basta.
“I want to know you more, if okay lang?” I asked softly.
“Of course. Actually po gusto din kita makilala.” She said.
“Okay, Ako muna… ahm, simulan naten sa basic information. Ako si Ashianna, full name? Ashianna Arceta, 21 years old, at only child ako. I'm a college student, business and accontant ang kinuha ko and fourth year college na ako sa pasokan.” I explained. She nods.
“Oh… ako naman po, I'm Gaia, 18 years old, and first year college pa lang sa pasukan. I'm taking BA Psychology po sana pero hindi pa ko nakakapag decide kung saang university… pwede sa university mo na lang?” She asked.
“Sure! It's an honor.” I said then we both laugh with my own words. Nag iba kasi boses ko sa part ng “it's an honor”. Sounds unserious kasi.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ulit kaming magkwetuhan.
Aaminin ko hindi ako na bored, specially kasi napapanood din namin mga pinaggagagawang kalokohan ng mga kaibigan namin habang busy kami sa pagkwentuhan ng about sa buhay naming dalawa.
Pati friendship nila ni Solene naikweto na niya saken. Sobrang innocent at genuine ng friendship nila at talagang napakacute. They met at elementary days at simula nun ay hindi na sila napaghiwalay. Para na din silang magkapatid at ang mga pamilya naman nilang dalawa ay parang isang pamilya na din. Nakangiti pa nga si Gaia habang ikinukwento na simula pa daw first year highschool ay Mom and Dad na din tawag nilang dalawa sa mga magulang ng isa't isa. Ang cute lang, parang kwento ng Dad ko at Dad ni McZinn.
🦂🌸
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES|Mikhaiah: 8 Series #1
Hayran KurguThis story is about two individuals that was born and raised with a golden spoon in their mouths but grew different. One is an independent and responsible college student named, Ashianna Arceta, and one is a rebellious and a troublemaker named, McZi...