17. Contract

209 21 1
                                    


Erykha Sunshine

.

Tawang-tawa si Nanay habang kumakain. Nakikinig lang siya sa kwento ko at namula na ang mukha niya sa kakatawa.

"Nay, ano po ang nakakatawa?"

"Wala, anak. Congratulations! May trabaho ka na. May asawa ka pa! Ayaw mo ba?" Ulit na tawa niya.

I rolled my eyes and shook my head. It's not funny,  like how Nanay wants me to laugh at my misery, thinking that Glenn is an absolute jerk.

Yes. He is a damsel jerk in distress!

"Huwag kang mag-alala, Eres. Bukas na bukas iba na ang mundo mo. Malay mo, baliw lang ang amo mo, at baka bukas ay babalik na ulit ang dating anyo niya. Kaya kumain ka na. Malamig na ang sabaw."

Napatango na ako at mahinang napabuntong-hininga sa sarili. Baka nga tama si Nanay. Sadyang may tupak lang siguro ang engineer na iyon, at baka bukas ay okay na siya, at siguro makakalimutan na niya ang lahat.

Oo, tama nga naman. Itulog ko nalang ito, at tiyak okay na sa pag-gising ko.


MAAGA AKO NGAYON SA OPISINA. Dinaig ko pa yata ang in-charge sa reception dahil ako ang una sa lahat.

I cleaned up his office and the rest of the area. It wasn't that hard, as it wasn't dirty and was only a little bit dusty.

Isa-isa na rin na nagsidatingan ang mga emplyedo sa palapag na ito, at lahat sila ay napatingin sa akin. I know what they have in mind, but they haven't seen me yet. I'm a stranger to all of thee people at this level.

"Hi, Miss? What are you doing here at the CEO's office?" Isang pormal na babae na sa tingin ko ay matanda sa akin ng sampung taon. Medyo makapal na ang salamin na suot niya, pero maganda siya.

"Good morning, po, Madam." Bahagyang yuko ko. "Pinapunta po ako ni Sir Glenn dito sa opisina niya."

"Oh, I see. . ." Napatingin agad siya sa suot niyang relo at sa hallway.

"I doubt if he will show up at this hour. He is not a morning person in the office, and - "

"Good morning, Ellaine. Hi, Eres."

Ang baritonong boses ni Glenn agad ang pumutol sa pag-uusap namin ni Ellaine. Pormal ang ngiti niya at sa lamesa niya agad siya nagtungo. Sinunod ko siya nang tingin at mukhang maganda ang mood niya ngayon umaga.

"Kindly print the contract that I've sent on your email, Ellaine." Naupo agad siya at saka may kinuha siya sa drawer.

"Yes, Sir. Right away."

Lumabas na si Ellaine at naiwan ako. Nakatayo pa rin ako at distansya ito sa mesa ni Glenn. Seryoso ang mukha niya habang hinahalungkat ang iilang papelis, at saka tumayo siya at may kinuha sa drawer file cabinet.

I don't know if I should act like nothing happened yesterday between him and me and his family or what. I did not have a good night's sleep because of that. I had many things going on my mind, and it seemed like it wasn't a big deal to him.

May lahing baliw yata ang isang ito. Iba siya sa mga lalaking naging kaibigan ko.

"Have you had any experiences with how the office and its accounting work, Eres?" he asked calmly as he returned to his seat.

"Yes, Sir." I composed and smiled a little bit. I was right. He wasn't really interested in me and was just playing around to fool his family.

"That's good." He smiled at me, but that was only quick.

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon