40. Trick

254 24 3
                                    



Erykah Sunshine

.

The morning wasn't awkward for us. I woke up first, and Glenn followed a minute later. We didn't talk about what happened last night, and I didn't ask how I ended up on his bed.

Hindi na mahalaga iyon, dahil pakiramdam ko ay hindi naman ito big deal sa kanya, at wala naman kaming ginawa. Natulog lang kami at iyon lang.

Nasa kabilang Isla na kami ngayon. Maaga si Manong Paeng sa pagsundo sa amin. Sakay ang bangkang de motor ay tanghali na nang marating namin ang kalapit na isla. Tahimik ang bahaging ito, at mabilis kong nakapalayagan ng loob si Nanay Esperanza.

I found out from Nay Esperanza that Glenn bought the place, as it was for sale a year ago. Manong Paeng and Nay Esperanza were already the caretakers of the said property from its previous owner. And now, Glenn is still keeping their position for the land.

Malaki ito. Halos dalawang bundok. Mas okay raw na kung sa dagat ka dadaan papuntang bayan kaysa sa lupa, dahil malayo iyon, at aabutin ka pa ng iilang kilometro.

"Okay rito, Nay. Gusto ko ang lugar at maaliwalas ang tuktok na ito."

Nakamamangha ang tanawin mula rito sa tuktok. Tanaw ko ang dagat, at sa kabila naman ay ang makapal na gubat.

"Oo, maganda rito, Erykah. Sayang nga lang wala na ang dating may ari nito. Nakakalungkot." May bahid na lungkot sa boses ni Nanay at maluha-luha ang mga mata niya na parang maiiyak na siya.

"Pero nagpapasalamat pa din kami kay Engineer Glenn. Siya ang nakabili ng lupang ito, at hindi niya kami pinaalis. At heto nanatili pa rin sa dati naming tahanan at trabaho."

Nilibot namin ni Nanay ang kabuuan ng Isla. Wala sina Manong Paeng at Glenn, dahil nasa kabila sila. Inihatid lang ako kanina ni Glenn rito, at may gagawin daw siyang importante.

"Nay, may namatay ba rito? Aso?" Napaupo ako sa mismong tapat nito.

"Oo. Ang alaga ni Melissa at Reeve. Si Pulgusos." Kinuha na ni Nanay ang panghuling kahon at tumayo ako para matulungon ko siya.

"Ganun ba. . . " Nalungkot ako bigla. Naalala ko tuloy ang pusa kong si Snow. Iniwan ko iyon sa New York kay Samantha, at wala na akong balita. Siguro sa mga susunod na linggo ay mag e-email ako kay Samantha at makikibalita na rin sa lahat.

Hapon na, at tapos na si Nay Esperanza sa lahat. Wala na akong maisip na gagawin dahil natulungan ko na si Nanay sa lahat.

Tatlong pakete na chippy na maliit na ang naubos ko at hindi pa nakabalik sina Glenn. Busog na din ako sa iba't-ibang klaseng softdrinks na pinapatikim ni Nanay sa akin.

"Bago 'to, Nay?" Napansin ko kanina ang ka-de-deliver na lambanog. Rinig kong sabi ng lalaki na presko at matamis pa ang isang galon dahil wala pa itong halo. Gusto ko tuloy tikman kong ano ang lasa nito.

"Oo. Matamis pa iyan. Gusto mo?" Kumuha agad si Nanay ng isang malaking baso at pinuno ito.

"Tikman mo."

"Baka malasing ako, Nay. Hindi na ako makakabalik sa kabilang Isla."

"Hindi yata kayo babalik. Baka bukas na."

"Oh, eh, 'di inuman na!" Pabirong tawa ko. Tinikman ko na ito at namangha ako sa lasa.

It tasted like Moscato. It's exactly like Moscato.

Nanay was quiet as she prepared the dinner food. I helped her, and now I'm watching her cook while I finish my drink.

Isang litro na yata ang naubos ko at lutang lang bahagya ang ulo ko. Hindi pa ako lasing.

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon