5. Deal

292 18 1
                                    

Erykah Sunshine

.

It's annoying to see the two people peaking at each other like crazy. I want them to vanish before me, or perhaps I could evaporate? But that's not possible because Emelda is keen to bid something fancy. She only kept me beside her because elite people in the business knew me. Without me beside them, they're nothing.

"Oh, I love that one. That will suit me!" si Elloida. Tumaas na nga ang leeg niya sa bawat model na pumaparada. Parang gusto niyang bilihin ang lahat ng mga suot ng modelo.

"That doesn't look good on you, Elloida. Mangingitim ka. It doesn't fit your skin tone," arteng boses ni Sarah.

"Pakialam mo! Hindi naman ikaw magbabayad, ano!"

"Gosh, nagsalita ang may pera. Bakit ikaw ba magbabayad sa mga ito!? Eh, hindi naman ah!"

Kulang nalang ay magbardagulan ang dalawa dahil sa ingay. Agaw atensyon pa sila at nakakahiya sa iilang prominanteng bisita rito.

"Girls, stop it! Stop now!" Pigil na boses ni Emelda, at panay ang pekeng ngiti niya sa iilang mga tao sa tabi namin.

Napatakip-bibig si Samantha at pilyang ngumiti sa akin. Hindi siya kalayuan at nasa kabilang table lang din. Tumikhim ako at tumayo na. Mas maganda yatang uupo nalang ako sa tabi ni Samantha. Madadamay pa yata ako sa kahihiyan ng dalawa.

"Miss Erykah Sunshine, Miss. Can I have a photo with you?" Isang babae na pormal sa tingin ko ang lumapit sa akin para magpapicture. Ngumiti lang ako at saka mahinang tumango.

"Excuse me, Miss," singit ni Sarah. "Aren't you going to include us?"

"No, Miss Sarah. Si Miss Erykah lang po ang gusto ko. Salamat." Umirap siya kay Sarah at natawang bigla si Elloida sa kanya.

"Thank you, Miss Erykah. I'm a big fan of yours. Thank you again." Umalis din agad siya.

Sandaling kumurap ako. Kailan pa ba ako naging sikat? Hindi ko yata maalala.

"Where are you going?" si Emelda sa akin. Halatang ayaw akong umalis sa table nila.

"To the lavatory," tipid na sagot ko. Hindi ko na nilingon ang dalawa at saka nagpatuloy na ako.

It's a waste of time to be here with them doing nothing. And since it's an invitation to the Solo's Foundation Fashion, I have no choice but to attend and do my part.

Sinalubong agad ako ni Samantha at saka hinila niya ako palapit sa kanya. Nagtago kami sa karamihan ng mga tao rito para hindi kami makita ng pamilya ko.

"Are you ready to do the ramp?"

"No, I can't do it. Sarah wants to do it, so I gave her the stage."

"What!? You can't do that. Mrs Bridge expected you already."

"Okay lang. Sinabihan ko na kanina pa ang sekretarya niya. Sa behind the counter nalang ako mamaya. Tutulong akong magtinda ng shares sa mga mayayamang bisita." Ngiti ko. Siya na ngayon ang hinila ko papasok sa staff room para makapagpalit na ako.

"Are you serious? My goodness, Erykah naman eh!"

"Shush! Tahimik na." Tinakpan ko na ang bibig niya nang makapasok kamu at si Nora agad ang nilapitan ko.

"Nora, dalawa pala kami." Itinuro nang daliri ko si Samantha at namilog ang mga mata niya. Umatras siya, akmang lalabas, pero wala ring nagawa at pumayag na. Mabilis kaming nagpalit ng damit at ibinigay agad ni Nora sa akin ang time tables para sa bawat puwesto ng mga sales staff.

"Let's work hard tonight, okay? I want all shares to be sold tonight," I said to all of them. I ended up becoming the sales leader of the team.

"Yes, Ma'am!" Everyone says, including Samantha, who looks unhappy with her uniform.

The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon