"Sports"
Justice
"Kamusta mukhang walang tulog ah." Rinig kong salita ni Jiroh sa gilid ko na busy ayusin ang mga cup sa lagayan nila.
I have two hours of sleep last night dahil nagbasa lang ako. My thoughts keeps on running in my mind that made me stay the whole night.
"May iniisip ka ba?" I move my eyes so I can stare at Jiroh who stop what he's doing to talk to me. Kilala talaga ako ng lalaki na ito. He knows when there is things bothering me.
Hindi naman bagay ang gumugulo sa akin lately. It was my thoughts.
"Wala naman." Sagot ko at inukapa nalang ang sarili sa mga gagamitin namin para sa ngayong gabing duty.
Nagserve lang kami buong gabi. Busy kami ni Jiroh mag asikaso sa coffee shop, totally so engrossed working, muntik na nga namin makalimutan na kumain eh.
Nang pumasok ako sa school nakabawi naman na ako ng tulog kaya medyo may energy ako. Dumaan muna ako sa library dahil inutusan ako ng teacher na nakasalubong ko na ibalik iyong mga libro na sinunod ko naman dahil wala akong gagawin.
May mga students din na panay pasok at labas sa school. Pwede kasi silang maglabas masok dahil walang klase.
Wala namang tao sa library bukod sa librarian. Nagpaalam lang ako sa kanya na ibabalik ko ang libro na tinanggap naman niya.
Palabas na ako sa library at patungo sa lugar kung saan walang tao sana ng makasalubong ko si Jiann.
"Oh Juho ikaw pala 'yan." Bati niya sa akin. "Gusto mo ko tulungan?" Ngayon ko lang napansin na may bitbit pala siyang box, nilapag niya kasi.
"Sige." Kinuha ko iyong box at binuhat. Sinabi niya na para raw iyon sa decorations kaya dadalhin sa Auditorium.
Sumunod lang ako sa kanya buhay buhat ang box na iyon. Nadaanan din namin ang field kung saan maraming tao na, especially ang mga athletes ng school namin. Sa bleacher ang mga fans kuno nila.
Napansin ko rin sila Skyler doon na katabi si Brave. Kumaway siya sa akin. Kinabig niya rin ang kaibigan niya at tinuro ang direksyon namin ni Jiann, agad naman siyang napatingin sa amin.
Magsasalita na sana siya kaso nga lang tinawag ako ni Jiann kaya naman napalingon ako sa kanya na malayo na pala sa akin kaya agad akong sumunod sa kanya.
Mamaya ko nalang sila kakausapin.
Pagpasok namin sa auditorium may mga tao doon na busy sa kanya kanya nilang trabaho. Nandito rin ang cheering squad ng school namin naghahanda ng mga gagamitin nila sa event.
"Lapag mo nalang diyan 'yung box Juho." Utos sa akin ni Jiann na ginawa ko naman.
Balak ko na sana umalis agad para puntahan silw Brave kaso nga lang nagpatulong iyong si Professor Kristin- P.E teacher ng mga grade 12.
Wala naman na akong nagawa dahil inutusan niya kaming mag-ayos ng bandiritas. Pati nga si Jiann na sobrang busy napatulong na rin.
Magkatabi kaming naggugupit ng bandiritas na gagamitin.
"Ui Juho akala namin sasali ka sa football team." Biglang salita ng babaeng student sa harapan ko kaya naman napatingin ako sa kanya at umiling.
"Sayang naman magaling ka pa naman." Wala sa sariling bigkas nito at bumalik sa ginagawa niya. Dahil sa sinabi niya natigilan ako.
It is true foot ball is my favourite sports but because of an accident huminto ako. Naalala ko pa noon paano ako tabigin nung lalaki. Kung alam ko lang na maiinjure ako dahil sa kagaguhan non sana sinapak ko nalang siya.
Para namang nawala ako sa mood gawin ang inuutos sa akin dahil tumayo na ako para umalis. Tinignan ako ng mga kasama ko doon pero hindi ko sila pinansin at lumabas na.
Gusto ko nalang magpahangin and I know saan pwede. Iyong tahimik at walang manggugulo sa akin.
Tuluyan na sana akong aalis ng may humawak sa balikat ko.
"Justice tara sa garden?" It was Jiann.
Ngumiti siya sa akin ng bahagya at naglakad. Confident na susunod ako sa kanya. And to think of it, kapag nagugulo ang isip ko dapat talaga na may kausap ako.
We both seated at the garden na nakakagulat dahil walang tao ngayon dito kaming dalawa lang.
"Gusto mo?" Jiann offered me a bottle of water na tinanggap ko naman dahil natutuyot ata lalamunan ko.
"May tanong ako," panimula niya. I waited until he speak. Para siyang nag aalangan sa sasabihin niya.
"Huwag sana sasama loob mo sa tanong ko. But.. why didn't you join sa football team? Ayaw mo ba?"
Hindi naman sa ayaw ko. Nakarecover na rin naman ako sa injury ko noon. Matagal na iyon. The thing is...
"Hindi naman. Madami kasi akong ginagawa eh." Ang nirason ko nalang. I know Jiann didn't buy my reason but I don't care. Hindi naman niya kailangan malaman eh.
"Anyways. Pansin ko nagiging close kayo ni Brave ah." When I look at him. There is something in his eyes that telling me a thing I forced to ignore.
I shrugged. "Hindi naman gaano."
Ngumisi siya pero sobrang liit lang din. Umiwas din siya ng tinginan.
Nasasayahan na sana ako sa tahimik naming paligid ng may marinig kaming yabag ng mga paa at boses na may tinatawag.
Nagkatinginan kami ni Jiann dahil pamilyar ang boses and we both share the same confusion bakit sila hindi nagtuloy dito.
Tumayo ako para sundan sila. But I didn't find them. Dinala ako ng mga paa ko papunta sa field kung saan nagpapractice pa rin ang football team.
I saw Skyler sitting there with Brave na busy videohan si Seth. I walk to them. Pinansin agad ako ni Skyler. Pero iyong lalaking katabi niya hindi. Kaya naupo nalang ako sa tabi ni Skyler.
"Nasan iba?" Takang tanong ko. Ngayon ko lang ata nakita sila na hindi kompleto?
"Ah sila Riley, Oliver at Gillian?" Sagot ni Skyler. Tumango ako kahit busy ako manood ng football.
"Nasa recording sila ngayon kailangan kasi sila ni Oliver para sa final project niya. And to know Gillian and Riley can sing beautifully sila ang choice ni Oliver." Pag explain ni Skyler.
Sa haba ng sinabi niya hindi man lang kumibo si Brave na nasa kanan niya. Kinalabit ko siya at bahagyang bumulong.
"Anong minamaktol niyan?" Tukoy ko kay Brave.
Palihim na sumulyap si Skyler sa kanya pero mabilis din nagiwas sa takot na mahuli at humarap sa akin.
"Ewan ko diyan sa bestfriend mo may toyo na naman siguro." I scoffed hearing him. Me and Brave Bestfriend? Malayo pa sa pagiging bestfriend relasyon namin. Friends lang kami.
Nanonood nalang ako dahil wala naman akong pake kung may nagmamaktol sa tabi namin. Hindi naman namin alam dahilan at isa pa baka mababaw lang dahilan ng minamaktol niya?
Hanggang sa natapos ang practice nila Seth walang kibo ang walang hiyang si Brave.
Nabaling ang atensyon namin ni Skyler nang tumayo siya.
"Seth tara sa arcade." Aya nito hindi man lang kami binalingan ng tingin.
Pinagmasdan namin silang umalis kasama si Seth na nagtataka bakit hindi raw kami kasama.
Nailing iling pa si Skyler.
"Iba talaga takbo ng utak ni Brave. Mauubusan ka ng bulbol sa lalaking iyon."
Pftt-- ano ba namang klaseng bunganga 'yan. Tinignan niya ako ng may mapanglokong tingin tapos nagpeace sign pa.
Tumayo na ako para umalis.
"Huy saan ka naman pupunta iiwan mo rin ako?" Pigil ni Skyler sa akin, humabol pa siya.
"Uuwi na ako." Sagot ko.
"Ha? Aga pa oy!"
"Wala naman na akong gagawin dito iniwan na tayo ng kaibigan mo." Sabi ko at nagdiretso na umalis
Tsk. Sana hindi nalang ako pumasok sayang lang oras ko.
BINABASA MO ANG
Roses and Champagne : Blue and Grey
Fanfiction#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster