"Finally"
Justice
I leaned my back on Brave's headboard. Patuloy kong hinahaplos ang malambot niyang buhok habang siya ay natutulog.
Iyak siya ng iyak kaya I know he's exhausted isama pa na sinabi ni Blake sa akin na hindi siya nakakatulog nitong nakaraang araw. Kaya naman nang sabihin niyang gusto niya muna matulog ay pinagbigyan ko na.
Hindi ko rin inaasahan na iiyak siya ng sobra kanina dahil sa takot na baka makipaghiwalay daw ako. As if I'll do that. Hindi naman si Brave ang may gawa ng kasalanan sa amin sinabi rin ni Ate Rash iyon kaya bakit ko ilalayo ang sarili ko sa taong nagparamdaman sa akin na pwede naman sumaya sa kabila ng nakaraan ko.
"Nakatulog na?"
Nilingon ko ang boses na nanggagaling sa pintuan ng kuwarto ni Brave. Nakita ko roon na nakatayo si Blake at naka-krus pa ang mga kamay sa dibdib niya.
"Huwag ka maingay." Walang emosyon kong bilin sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi niya sa sinabi ko at naglakad para umupo sa gilid ng kama ng kuya niya.
Kapag nagising si Brave dahil sa bata na ito babatukan ko talaga siya.
"Ngayon ko lang nakita si kuya na umiyak ng ganon," mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko.
Nakabaling ang paningin niya sa kuya niyang mahimbing na natutulog, ilang sandali pa ay ibinaling niya ang tingin sa akin.
"First time iyon at dahil sa iyo alam mo ibig sabihin n'on?"
Tsk. Ano gusto niyang sabihin na ako ang unang dahilan kaya nasasaktan at umiiyak ang kapatid niya? Na dahil sa akin kaya namumugto ang mga mata niya-
"Mahal ka ng kuya ko."
Napatigil ako sa iniisip ko ng marinig ko siya. Mariin siyang nakatingin sa akin.
"Mahal ka niya ng sobra kaya natatakot siya sa iisipin mo.. sa nalaman mo na papa namin ang may gawa ng lahat." Sambit niya at tumingin sa kapatid niya. Napatingin na rin ako kay Brave, sa maamo niyang mukha na himbing na himbing na natutulog ngayon.
"I know you won't break up with him. I know you won't hurt him. Hindi ikaw ang tipo ng taong mananakit ng damdamin dahil alam ko namang patay na patay ka sa kuya ko."
I looked at him with my deadpanned look. So what if I am? May reklamo ba siya?
"Chill bro pinapagaan ko lang ang atmosphere masyado kang tense eh,"
Tsk. Kung hindi lang 'to kapatid ni Brave baka sinakal ko na siya.
"But thanks for being here with kuya. Thanks for clearing him your real intention. Hulog na hulog na sayo 'yan kaya salamat kasi sinalo mo."
I give him a smile. Kahit papaano naman naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin sa akin.
"He can fall harder I already catched him." Ang turan ko na kinalaki ng ngiti niya, at ano pa ba ang aasahan sa bata na ito?
"Okay 'yan magpalagap kayo ng kabadingan. Mga bading!"
Natawa nalang ako sa pang aasar niya at pinaalis na siya bago pa magising ang kuya niya kundi sasakalin ko na talaga siya. Tumabi ako kay Brave para makapagpahinga rin, ilang araw din akong hindi makatulog ng maayos dahil hindi niya ako kinakausap.
Now I'm in my home.
I didn't thought the day will come that my parents will get their Justice. Akala ko hindi na sila magkakaroon ng katarungan sa pagkamatay nila.
Ang araw na inaantay namin ay mabilis ding dumating.
"... The undersigned, Attorney's Ejiofor Adil Lapointe and Justine Rashne Lapointe, accuses Lionel Joost Lapointe and Bryan Dy Foster of the crime of Murder and Premeditated murder."
BINABASA MO ANG
Roses and Champagne : Blue and Grey
Fanfiction#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster