6

380 10 0
                                    

"Hang out with the squad"

Justice

I bring the boy order and take his money before bidding him a good day.

Naupo naman ako sa upuan dahil nararamdaman ko na ang antok.

Nakabalik na pala ako sa oras ng duty ko talaga. It means may nahanap ng kapalit ang umalis na barista at bumalik na rin iyong isa pa. Ngayon dalawa kaming magkasama ni Jiroh ulit.

"Gusto mo?" Jiroh asks, inaalok ako ng chocolate. Inabot ko lang iyon at kinain. Halata na rin ang antok sa mata niya, pero dahil nga sanay na kami tatagal pa 'yan hanggang alasingko ng umaga.

"Akala ko hindi na makakahanap si sir ng kapalit kay Mavi eh. Namiss kaya kita." Sabi niya at tumabi sa akin sa inuupuan ko.

"Hindi kita miss." Direkta kong sabi. Pabiro niya akong inirapan.

"Edi wow Justice Hostia Lapointe. Ikaw ata ang tipo ng tao na never talaga makakamiss ng tao sa tanan ng buhay mo." Mahaba niyang sabi. Sasagot pa sana ako pero may costumer na dumating kaya naman agad akong tumayo.

Tatanungin ko na sana kung ano nais niya but I stop when I saw his face. He was smiling on me. I immediately turn my face into serious.

"What can I make for you?" Seryosong tanong ko.

"Sungit mo naman parang hindi kaibigan." And yes it was Brave na mukhang puyat na naman.

"Puyat?" I asked him. Tumango siya bago tumingin sa menu kung ano ba oorderin niya. I'll let him decide.

"Hmm ano ba masarap? Nagugutom na rin talaga ako eh." Sabi niya while crossing his arms.

"Want Java chips?" Suggest ko. Tumingin siya sa akin, inaantay ko rin sagot niya.

"Masarap ba 'yon?" Simple akong tumango.

"Lasang chocolate."

Ayon ang inorder niya kaya naman ginawa ko na. Nag order din siya ng pie na mabilis ko namang kinuha. Nakita ko pa si Jiroh na pinapanood ang interaction namin, hindi ko siya pinansin at bumaling nalang kay Brave na kumuha ng pambayad niya.

"Here," inabot ko sa kanya ang order niya. Mukha talaga siyang inaantok. Parang mas antok pa siya kesa sa akin.

Humikab pa nga sa harapan ko eh.

"Gusto mo mag dine in muna?" Ang bigla kong nasabi na naging dahilan para tumingin siya sa akin at may mapangloko na ngiti.

"Concern?" Nakangisi niyang tanong.

Ako concern? Never pa ako naging concern sa kung sino. Bakit naman? Baka kasi mamaya bumagsak nalang siya sa labas dahil sa sobrang antok. I'm not really concern.

Tinitigan ko lang siya ng walang interes.

"Oo na sige na uupo na ako at kakain." Tumango ako sa sinabi niya at pinagmasdan siyang maupo sa isang table doon.

When I look back on Jiroh. He had that teasing smile I wanted to wipe off.

"Ikaw ha ano 'yon? Bakit may ganon? Sino iyon? Sunod sunod niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at pinunasan nalang ang counter.

Sumulyap ako sa direksyon ni Brave and saw him eating his pie while sipping on his drink. At syempre hindi nakawala kay Jiroh ang inakto ko.

Para siyang tanga na ngumingisi sa akin. Parang tanga.

"Stop it Jiroh bago kita bigwasan." I said. Mas lalong lumaki ang ngiti niya.

"Oh brutal." Sabi niya pa at tinaas ang kamay.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon