30

343 6 1
                                    

"Plan"

Justice

"Guys anong plano niyo after ng graduation?"

Anim kaming napatingin sa kadarating lang na si Skyler. Nasa cafeteria kami sa usual spot namin. Dalawang table na pinagdikit dahil hindi naman kami kasya sa isa. Sa laking tao pa naman naming anim.

"Ang tanong gagraduate ka ba?" Ang biro ni Riley kaya naman sinamaan siya ni Skyler ng tingin.

"Tangna mo oo naman ikaw nga hindi pagagraduate kasi maiiwan." Banat naman nito kaya nagtawanan ang lahat. Si Riley kasi ay one year ang bata sa amin it means malalate siya ng graduate kaysa sa amin. Nasa last year na kami lahat bukod sa kanya.

"Ay kawawa naman ang bebe na 'yan maiiwan dito." Dagdag asar pa ni Gillian kaya sinamaan siya ng tingin ni Riley tapos iyong iba tumawa pa dahil nagsumbong pa ito kay Seth na busy kumain sa kanyang minamahal na pineapple pizza.

"Baby oh inaaway ako." Pagsusumbong nito. Seth look at him while munching his beloved pizza, wala siyang expression sa nobyo niya.

"Arte mo kasalanan ba namin na mas bata ka kaya maiiwan ka?" Walang habas na sabi nito matapos malunok ang pagkain, dahil doon humagalpak si Skyler ng tawa.

Tuwang tuwa na naasar niya ang bunso.

"Oh tangina yabang magsabi kung gagraduate ako ikaw naman maiiwan dito!" Si Skyler na humahawak pa sa tiyan niya kakatawa. May sakit sa ulo talaga 'to lakas ng tama eh.

"Weh gagraduate ka ba talaga?" At ayan na bumoses na si Brave na nakasandal sa akin, ginawa akong sandalan simula kanina pa tapos nagpapasubo pa sa akin. Tamad amp.

"Ay bumoses ang Top student," Si Oliver na nginitian lang ni Brave. Well, mayabang 'yan honor eh. Makapagsalita rin 'tong si Oliver kala mo hindi aakyat ng stage.

"At nagsama pa ang dalawang matalino. Magna cum laude yern?" Si Gillian na nakatingin sa akin ng nakakaloko.

Syempre dahil doon ay lahat sila nasa amin ang atensyon. Ano bang magagawa ko matalino ako tapos ang boyfriend ko. Perfect match.

"Ang sinasabing perfect match." Si Brave na parang nabasa ang nasa isip ko. May malawak na ngiti rin siya sa mapupulang labi niya.

Binato siya ni Skyler ng papel na nilamukos at umirap pa. Si Seth din binato siya ng pineapple na toppings sa pizza niya, ngumiwi ako dahil nadamay ako.

"Yah stop attacking us!" Si Brave na kunwari shield ko. Very useful din siya minsan.

"Pero nga seryoso mga abnuy ano plano niyo after graduation?" Seryosong tanong ni Skyler matapos maupo sa tabi ni Gillian na kinuhaan pa niya ng pagkain kaya naman ang huli ay binatukan naman siya, si Oliver pinapakalma ang boyfriend niyang dahil lang sa pagkain nagiging bayolente.

"Ipagpapatuloy ko degree ko." Sagot ni Seth. Business management ang kinuha nito ibang iba sa mga kaibigan niya na mostly sa music or dance department.

"Naks naman may future ceo na tayo ng Ferdinand Corp." Si Skyler.

Seth's the heir of their construction company. Malaki rin iyon tapos may iba pang business ang family niya. Kaya kung uutang ka kay Seth na, maliit pa interest.

"Well ako naman I'll pursue my dream. Papasok ako sa orchestra," Ang saad ni Gillian na tumingin pa kay Oliver.

"Me too." Segunda ni Oliver.

Both of them loves music kaya naman perfect couple silang dalawa. Hindi ko nga inaasahan na sila magkakatuluyan, base din kasi sa sinabi ni Oliver sa akin medyo malabo ang chance niya kay Gillian noon.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon