10

344 10 0
                                    

Fine "it's not"

Brave

I woke up a little earlier today. It was 5am, too early for me but I woke up and because I'm already awake and don't know what to do, bumangon nalang ako.

Pupunta nalang ako sa practice room para doon magpractice. Ngayon na rin pala ang simula ng sport intramural ng school namin, nakakatuwa nga dahil sinama nila ang dance competition pagkatapos ng mga kompetisyon kung baga gagawin nilang entertainment iyong dance competition para sa mga students na nagsumikap daw sa mga weeks na dumaan.

I wear my gray hoodie, sweatpants and white sneaker, as I was preparing myself on my mirror I look down on my phone at ng maalala ko ang message ni Justice na hindi ko pa nirereplyan

Hindi ko nga rin alam bakit nagtatampo ako eh. Ah iyong gala nila ni Riley nakaraan? Wala naman sa akin iyon. He can hang out with anyone with us but he didn't tell me na aalis pala sila.

Parang ewan naman, wala naman dapat ikatampo doon pero heto ako nagtatampo.

Siraulo lang Brave?

Sino ka ba para magtampo?

Kayo ba?

Nailing ako sa naisip ko. As if naman.

Nitong mga nakaraang araw, simula sumali sa grupo namin si Justice hindi na ako nagkaroon ng maayos na tulog. What I mean... I genuinely approached him because I wanted to know him, madami rin kasi akong naririnig na negative comments about him lalo na sa school kapag nagagawi ako sa ground. Na kesyo snob.. walang modo.. at masama raw ugali niya.

But when I saw him sa coffee shop? Hindi naman ganon ang naramdaman ko. Seryoso lang siya pero magalang naman. Kaya lang ako ang hindi naging magalang dahil inaantok na talaga ako n'on pero kailangan ko pa magising dahil sa pinapractice ko. Tss. Nasungitan ko tuloy.

Tapos nakita ko siya ulit doon sa cafeteria staring at me with his famous cold-distance eyes. Parang ewan nga parang may something kasi talaga sa kanya.

So when I met him at the bar hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nilapitan siya.

Pero kasing lamig niya ata iyong whiskey na iniinom niya sa way nang pakikipag usap niya sa akin. Seryoso siya but he didn't stop me talking to him. Hindi siya friendly kaya nga kinaibigan ko para naman maintindihan ko siya.

Ewan ko rin ba sa akin bakit masyado akong invested sa lalaking iyon.

At dahil sa kakulitan ko sa kanya nagbackfired lahat. Tangna. Dahil tuloy sa kanya kaya hindi ako makatulog.

Paano ka makakatulog kung nasa isip mo siya lagi?

I tried to understand him tapos ngayon kailangan ko naman intindihin ano ba itong nararamdaman ko dahil nakakasira pala ng ulo.

And slowly... I understand what I have been feeling. Pinag isipan ko rin talaga ng maigi ito. Hindi nga lang sigurado.

I snap back into reality. Iniling ko ang ulo ko dahil natutulala na naman ako and it is because of him!

God. Siya lang nakakagawa sa akin nito. Hindi ako sanay!

Umalis na rin ako sa unit ko para magtungo sa school. Quarter to six nang makarating ako doon and may mga tao na agad na nandito nag aayos ng stage para sa event mamaya. May mga athlete na rin na nandito.

Nakasalubong ko iyong iba kong kaklase na binati pa ako.

Agad din naman ako nagtungo sa practice room para mag practice. Perfect naman na raw ang moves ko sabi ni Skyler. But I wanted to perfect it more. Iyong walang flaws. Perfectionist kasi ako.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon