"Dealing with feelings"
Brave
Napahawak ako sa dibdib ko matapos kong sumakay sa kotse ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili na halos sumabog sa nararamdaman.
Nakita ko pang pinaandar ni Justice ang motor niya kumaway pa nga siya sa akin dahilan naman para mapailing ako sa sarili ko.
Pinaandar ko nalang ang kotse ko dahil mababaliw na ata ako sa nararamdaman.
Paano na iyong hindi siya papansin Brave? Eh nakita mo lang nakipag away tapos biglang okay na kayo? I mean okay ka na makita siya?
When I was laying on my bed hindi ako makatulog dahil sa iniisip ko. Para akong tangang ang likot sa higaan ko.
Fucking hell. Masisiraan na siguro talaga ako.
Kinape ko nalang ang nararamdaman ko wala rin namang saysay.
Sa school maaga siyang nasa school dahil pinatawag siya ng director para raw kausapin kaya naman nasa practice room lang ako hanggang sa nabagot na ako at lumabas.
Sakto naman na siya talaga nakasalubong ko. Kung pinaglalaruan ka naman talaga. Tapos mukha pa siyang inapi at syempre nag alala ako kaya inaya ko doon sa garden para maging maayos pakiramdam niya.
Kahit ako naman iyong hindi alam ang gagawin dahil katabi ko siya. Tahimik kami pinapakiramdaman ko kung magsasalita ba siya but he keep quiet. Kaya ako nalang nagsalita.
Ginawa ko ang best ko para maramdaman naman niyang kinocomfort ko siya kahit hindi ko alam gagawin ko.
Aantayin ko na magkwento siya kapag ready na siya.
Hindi ko rin talaga maintindihan sarili ko. I know I like him but I wanted to avoid him yet I can't. Nakakabobo pala o baka ako lang iyong bobo?
Kinabukasan na-meet ko naman siya na may kasamang babae. Malulungkot na sana ako dahil naalala ko naman iyong pagkakagusto ko sa isang straight pero nagpakilala naman agad iyong babae na kapatid pala niya.
Parang nakahinga ako tangina.
Pero syempre hindi nakakatakas ang inaakto ko sa kapatid kong si Blake na napapansin kong pangisi-ngisi, nakikita ko rin na panaka-naka siyang nakatingin kay Justice.
Siguro mahirap din talaga pigilan ang feelings dahil nakikita ko nalang ang sarili ko na naglalagay ng pagkain sa plato ni Justice, ang unti kasi ng kinakain niya.
Matapos naming magsasama sama kumain ay nag aya si Blake mag coffee muna bago kami umuwi. Ihahatid ko pa siya sa bahay. Actually nakabukod ako sa kanila since madalas ako umuwing late dahil sa practice ko.
"Wala pa rin ba sila mama sa bahay?" Tanong ko ng maka-order na siya.
"Busy daw nadagdagan projects nila." Sagot niya.
Nag order kami ng kape at cream puff at sa kotse iyon kinain. Pagkauwi ko sa unit ko matapos siyang ihatid nakita ko iyong post ni Gillian na group pic namin.
Iyon pa iyong picture namin na nakadikit ang pisnge ko kay Justice na hindi naman pumalag. Dahil doon umiinit ang mukha ko.
Ito na naman ang puso ko. Kabog ng kabog kahit wala naman akong ginagawa. Hindi ko nalang pinansin iyon at naglinis nalang ng katawan, matapos iyon ay nagtimpla ako ng kape dahil mas okay ng kumabog ang puso dahil sa kape huwag lang dahil sa lalaking malabo ang chance ko.
Tangina Brave kailan ka pa natuto sa mga bagay na iyan? Never ka nagkagusto sa iba.
Sa higaan ko nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa namalayan ko na ka-message ko na pala si Justice.
BINABASA MO ANG
Roses and Champagne : Blue and Grey
Fanfiction#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster