13

315 9 0
                                    

"Acceptance"

Justice

Nanalo iyong team ni Seth kaya naman tuwang tuwa iyong anim na timang. Syempre sino ba hindi sasaya 'di ba? Nanalo kaibigan mo.

"Oh sagot ko drinks para sa pagkapanalo nila Seth!" Hiyaw ni Riley na nakataas pa ang isang kamay.

"Timang bawal uminom may pratice kami bukas para sa finals." Suway ni Seth. Ngumuso si Riley kasi nasabat. Deserve naman.

"Sa susunod nalang Riley kapag nagchampion sila." Suggestion ni Brave na inakbayan ang nalulungkot na si Riley. Pero sumaya naman agad ng marinig iyon.

Nailing nalang si Oliver sa reaction niya. Tsk. Halata na agad na magiging under 'to.

"Sige kain nalang tayo treat ko." Ang suhesyon ni Riley at syempre dahil mukhang pagkain lahat sila nagsigawan- Oo, nagsigawan talaga sila.

Kaya naman nagpunta kami sa resto sa labas lang ng school para doon kumain. May laro pa mamaya pero hindi kami manonood. Si Brave pa nga humatak sa akin at pinaupo sa tabi niya.

At katulad ng dati ayon nga nilantakan na nila iyong order nilang sandamakmak, tahimik lang akong kumain. Si Brave panaka naka ang tingin sa akin, naglalagay din siya ng pagkain niya sa plato ko kaya minsan sinasamaan ko ng tingin pero ang loko tatawa lang.

"Guys picture tayo." Aya ni Gillian na nilabas iyong phone niya at nag groupie nga kami. Ginalaw ko ng kaunti iyong ulo ko para makita sa camera, si Brave naman nilapit iyong mukha niya sa mukha ko bigla kaya naman hindi ako nakapalag.

Sasakalin pa ata ako ng gago.

Matapos naman naming kumain ay nagsiuwian na kami. Okay naman umuwi eh at tyaka napagod ako sa nangyari ngayong araw.

Kinabukasan maaga ako nagising dahil may duty ako sa coffee shop. Kinamusta ako ng inaantok na si Jiroh, wala siyang duty pero nandito sa coffee shop dahil may tinatapos siyang thesis niya kaya kailangan ng caffeine.

"Talaga ba?" Gulat niyang tanong dahil hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko. Kahit ako rin naman hindi makapaniwala. Mamaya rin ay i-memeet ko ang director kasama ang kapatid niya.

"Angas parang pang teleserye buhay mo." Jiroh knows about my life since he was the one who I got closed when I went here when I was seventeen. Part timer na ako noon.

Nailing lang ako at nagtimpla nalang ng kape dahil may costumer na.

It's past 11 when I got on the coffee shop saan sinabi ng director- my brother? Kung saan kami magkikita. Hindi ako pumasok sinabi ko lang kay Brave na may kikitain ako at papasok siguro after lunch.

Seryoso ba talaga ito na may mga kapatid ako? Parang hindi totoo eh.

"Justice." Rinig kong tawag ng baritonong boses. At syempre alam ko na kung sino iyon.

Tumayo ako para gumalang sa kanya. He was with a woman na sa tingin ko ay ang ate ko.

"Is really that you Justice?" Ang wika ng babaeng nakatingin na namamangha sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Ang laki mo na." May lungkot sa mata niya.

Inaya ako ng kapatid ko na mag order at dahil nagugutom na rin ako nagorder na rin ako, sila rin.

"Sa tagal namin na hinahanap ka halos mawalan na kami ng pag asa." Ang kwento ni ate Rashne, nakapout pa siya habang sinasabi iyon. "Ang bobo naman kasi ng mga private investigator namin." Dugtong pa niya.

Tinignan siya ni Kuya Ejiofor at tinitignan ng seryoso.

"Rashne, tama ba na magsalita ka ng ganyan sa harapan ng bunsong kapatid mo? Parang hindi ka private lawyer."

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon