20

179 6 0
                                    

"Uncle"

Justice

Pagkauwi palang namin agad agad na sumalubong sila Skyler na nagaabang pala sa amin sa airport. Kitang kita ko sila dahil may dala pa silang banner.

Mga abnoy talaga 'to.

Si Brave natatawang naglakad papunta sa kanila, pinapagulong niya 'yong maliit na luggage na bitbit. Nadagdagan kasi dala namin dahil sa mga pinagbibili niya. Lahat naman 'yon kanya at ako ang gumastos.

Tinignan ko si Skyler na nakasimangot, si Riley naman makahulugan ang tingin sa akin na hindi ko naman pinansin.

"Ayan ayan uuwi matapos ang date abroad. ABROAD HA? Nagdate lang abroad pa!? Ang expensive mo dude!" Maktol ni Skyler na mukhang may sama pa ng loob. Pumunta si Brave sa kanya na kanina pa natatawa.

"Bitter ka lang eh wala ka kasing kadate." Biro nito. Skyler gasped and act offended to Brave. Hinawakan niya pa iyong dibdib niya para kunwari madrama.

"Grabe si Juho lang nakasama mo ganyan ka na? Friend ship over! Akala ko ba ayaw mo sa kanya!?" Turo pa nito sa akin. Tinignan ko si Brave na tumingin din pala sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay pero ang loko nginitian lang ako.

Noong humarap ako kila Gillian at Oliver halos masamid ako sa sarili kong laway. Nakahawak kasi si Oliver sa bewang ni Gillian.

Ano bang hangin ang dumaan at lahat ata nagkakaibigan na?

Nginitian lang nila ako pero wala naman sinabi. Kinausap din sila ni Brave na tinutukso pa.

May umakbay sa akin, si Riley na malaki pa ang ngiti sa akin.

"Gago umamin?" Tanong niya.

"Oo." Simpleng sagot ko kaya naman yinugyog niya ako.

"Ayon oh! Umamin pala! Baliw na baliw sayo 'yan alam mo ba..." Hindi niya natuloy sasabihin niya dahil umubo ng peke si Seth at masama ang tingin sa kanya.

Parang nagsasabi na 'sige i-chismis mo ang kaibigan ko sa sofa ka matutulog mamaya.' ganon. Sila na rin kaya? Binaling ko ang mga mata ko kay Riley na nakaakbay pa rin sa akin.

"Kayo. Kayo na ba?" Ang tanong ko sa kanya. Sumilay ang malaking ngiti sa kanya. Ngiti palang alam na eh.

"Ako pa? Syempre kami na papayag pa ba ako maagawan? Dami pa namang lamok sa paligid." Natawa ako sa sinabi niya, tumingin din si Brave na masama ang tingin kay Riley kaya naman ang huli lumayo sa akin at nag peace sign kay Brave na hinatak ako para sa kanya tumabi.

Grabe naman. Naglalagay ng teritoryo? Akala ko ba ligawan palang? Bakit parang may label na?

Pfft-- gusto mo naman Justice kunwari ka pa.

Kaya ang pag uwi namin sa araw na iyon ay nauwi sa mall dahil nag yaya si Gillian, gusto raw niya magarcade ngayon at dahil mukhang may dapang dapa na sa kanya nasunod siya.

Kumain din kami sa restaurant na si Seth naman ang may gusto, si Riley din nagbayad ng kinain namin. Nginisihan ko ang gago dahil sunudsunuran na sa boyfriend niya.

Si Skyler lang ata ang kunwari naiirita sa kanila kasi nagsalita siya kanina.

"Napapaligiran ako ng mga unggoy na nag iibigan." Pang aasar niya sabay tusok ng tinidor doon sa fried chicked. Na double dead tuloy. Dahil d'on nagtawanan ang iba, si Gillian ang nambatok sa kanya.

"Anong sabi mo?" Maagas na sabi nito. Akala mo naman talaga.

"Ay hehe wala sabi ko lovebirds hayyy mag pakarami kayo at magkalat ng kabadingan," dahil doon mas lalong nagtawanan ang lahat. Si Brave nagtapon pa ng nilamukos niyang tissue sa mukha ni Skyler na sinamaan siya ng tingin. Natatawa siyang napasandal sa akin kaya naman hinapit ko sa bewang at baka malaglag sa upuan.

"Ayan ha pasimpleng kalandian." Gillian said sa nanunuksong tinig.

"Syempre ngayon na 'yan susulitin na 'yan ni Brave." Segunda ni Seth kaya naman binato rin siya ni Brave ng tissue na sinalo ni Riley.

"Hoy bawal 'yan masaktan baby ko." OA na sambit ni Riley kaya naman lahat naligalig, si Skyler hineadlock pa siya iyong iba inaasar siya sa pagiging sweet niya. Si Seth, ayon namumula. Baby pala tawagan nila.

Tinignan ko si Brave habang nagkakagulo sila tumingin din naman siya sa akin.

"Why uwi na tayo? Pagod na?" Nakangiting tanong niya. Umiling ako.

"Gusto mo rin tawaging baby?" Tanong ko. Halata blush sa pisnge niya pero pabiro niya akong hinampas sa braso kaya hindi ko maiwasan matawa.

"Seryoso nga." Sabi ko.

"Baliw," mas lalo siyang natatawa pero may halong kilig naman.

"Baby.." namamaos kong tawag sa kanya na kinatigil niya at nanlaki pa ang mata. Pigil na pigil iyong kilig kaya naman nginitian ko siya.

"Baliw ka kalmahan mo naman isa lang puso ko." Sambit niya at nagsubo ng chicken. Tumango ako at tinapik tapik ang bewang niya.

"Pag usapan natin 'yan mamaya sa kotse." Sambit ko kaya nilingon niya ako ng mabilis.

"JUSTICE!"

Humarap ako sa likuran ko dahil sa sigaw na narinig ko. Nakita ko agad si Brave na kumakaway sa akin at ang laki ng ngiti. Tumakbo pa siya papunta sa akin kaya naman hinawakan ko sa braso at baka matumba kaming dalawa.

"Calm Brave baka matumba ka." Sabi ko sa kanya na hinahikgikan niya lang.

Ngayong araw kasi susunduin namin ang yaya ko galing sa abroad. Ngayon kasi ang uwi niya, hindi siya masusundo nila kuya at ate dahil meron silang inaayos na papeles patungkol sa case nila mama kaya kami nalang ang susundo.

"Nandito na ba siya?" Brave asked me. Nagpalinga linga na rin siya sa mga palabas na pasahero. Sinabi ko sa kanya noong nasa korea kami na may tinuturing akong nanay bukod sa biological mother ko. Hindi naman siya nagtanong sa details at aantayin niya ako na sabihin sa kanya ng kusa.

"Wala pa," sagot ko at lumingon din sa padaming pasero na lumalabas. Konting minuto pa nasilayan ko na ang isang pamilyar na pigura ng babae.

"She's here." Banggit ko kaya naman tumingin din si Brave sa tinuturo ko. Agad niya kaming nakita kaya kumaway ako sa kanya, tulak tulak niya rin iyong mga luggage niya.

"Ma," tawag ko sa kanya na agad naman akong niyakap.

"Ang laki mo na Justice!" Ang nakangiting banggit nito at niyakap ako. Dati matangkad pa siya sa akin ngayon hanggang dibdib ko nalang siya.

Lumayo siya sa akin para pagmasdan ang mukha ko, kumikinang din ang mata niya sa kasayahan.

"Na miss kita anak." Sambit niya bago nabaling ang tingin kay Brave na tahimik na nagmamasid sa amin.

"Oh sino ito anak? Siya ba ang sinasabi mo sa akin? Iyong boyfriend mo?" Tanong ni yaya. Tinignan ko si Brave na namumula na naman ang pisnge dahil nahihiya.

"No, ma soon." Ang sinabi ko nalang kaya naman tiningala ako ni Brave at ngumuso bago balingan ng tingin at ngiti si yaya Veron.

"Hello po tita ako po si Brave." Pakilala niya at inabot ang kamay pero si yaya niyakap nalang siya na kinabigla ng huli.

"Naku ang pogi pogi mong bata Brave kahit hindi pa kayo ni Justice welcome ka na sa family namin!" Masayang turan ni yaya kaya naman mas lalong namula si Brave.

Ako na rin ang nagtulak ng luggage niya while si Brave ang hinahawakan ni yaya nag uusap din sila. Madami rin ang tao sa airport, nagpalinga linga ako dahil meron akong napansin.

Tinignan ko muli iyon kaya naman napatigil ako sa paglalakad. He's wearing a gray triple piece suit. Kuhang kuha niya iyong nakakadominang aura kaya naman napapalingon sa kanya ang iba.

Kilala ko siya. Sobrang kilala.

"Justice?"

Napalingon ako dahil sa pagtawag ni Brave sa akin, nag aantay sila sa akin dahil huminto ako. Iwinaksi ko muna ang nararamdaman kong galit at nagpatuloy sa paglalakad. I assured Brave there's nothing bugging me since he asked me what's wrong.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay iyon ang bumabagabag sa isipan ko. Ang lalaking iyon. It was Uncle. Uncle Lionel Joost Lapointe.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon