27

261 8 0
                                    

"Roses and Champagne"

Brave

"Are you calm? Tell me what you talked with your father." I tightened my hold on Justice. Kumalma naman na ako pero may luha pa rin na kumakawala sa mata ko na agad naman pinupunasan ni Justice.

He looks really worried to me, mas lalo akong naguguilty dahil sa inaasal ko.

Pinag-aalala ko siya ng husto.

I breath deeply and stare at his cold yet full of sentiments black orbs. Hinaplos din niya ang pisnge ko na may luha pa.

"Dumalaw ako since mom don't want to see him after what he did." Bilib din ako na hindi ako nautal nang magsalita ako kaya tinuloy ko na.

"Kahit papaano papa ko pa rin siya kaya naman gusto ko siyang makita and malaman if okay ba siya but I didn't expected his reaction upon seeing me." May halong lungkot ang boses ko. Naaalala ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin nakaraan.

Tinignan ko si Justice na tahimik na nakikinig sa akin. Hinahayaan niya ako na ma-gather ko lahat ng isipin ko alam ko namang nakikinig siya sa akin.

Nilakasan ko ang loob ko at sinabi sa kanya ang lahat.

Nagpaalam ako noon kay mommy na dadalawin ko saglit si daddy sa kulungan. Wala naman siyang sinabing iba ang sabi niya lang ay mag ingat daw ako and bumalik ng bahay ng maaga.

Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Justice ng araw na iyon dahil nasa coffee shop siya nandoon daw kasi ang manager nila kaya ako mag isa ang nagtungo kay papa sa kulungan.

Matapos ang mga proseso para madalaw ko si papa ay pumasok na ako sa room kung saan ko siya aantayin.

Nakaupo ako sa upuan na may lamesang katamtamang haba. Nasa ibabaw din ang bitbit kong mga prutas at ibang pagkain na alam kong gusto niya.

May iilan din na preso na dinalaw ng pamilya nila.

Mga ilang minuto lang ay may bumukas na pintuan at niluwa nito si daddy na hawak ng isang pulis. Hindi siya nakaposas pero may mga nakabantay sa kanya armadong mga lalaki, when he saw me he didn't give me any reaction. I smiled at him when he approached me.

"Daddy."

"Anong ginagawa mo rito?"

Malamig ang tono ng boses niya. Umupo siya doon sa upuan na kaharap ko lang kaya naman umayos ako ng pagkakaupo ko.

Weeks din ang lumipas noong masentensiyahan siya at hindi ko siya nakita. I don't need to lie to myself but I missed him. I miss my daddy so much kaya nga dumalaw ako sa kanya ngayon.

"Are you fine daddy?" Tanong ko sa kanya. Tumitig siya ng seryoso sa akin. Under his serious gaze I can feel I'm melting. Hindi ako sanay na ganto trato ni daddy sa akin parang hindi siya iyong daddy ko.

"What? You wanna know if I'm fine? 'cause I'm fucking not. Bakit hinayaan mo ang lalaki na iyon na ipakulong ang daddy mo?" May panunumbat sa boses niya. I helplessly look at him. Alam ko sino ang tinutukoy niya.

"Daddy.. hindi niya ginusto-" natigil ako ng sabatin niya ako.

"Hindi niya ginusto!? Gusto niya! Dahil ako ang may gawa ng lahat! Ginusto niya makulong ako! Dapat talaga namatay na siya kasama mga magulang niya!" Galit na turan niya.

Naikuyom ko ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. I didn't expect him to say that. He's mad. He's angry to Justice.

"Dad hindi rin naman niya ginusto ang nangyari. He didn't know na ikaw ang nasa likod ng lahat." Ang sabi ko na pinapakalma ang sarili ko. Daddy ko pa rin siya and I wanted to respect him.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon