19

306 12 1
                                    

"You're my Caffeine"

Justice

"Hmm saan mo ba gustong mag date tayo?"

As soon as bumalik kami sa pasok ay ayan agad ang bungad sa akin ni Brave na talagang inabangan ako sa entrance ng school.

Tinignan ko lang siya iyong usual kong tingin.

"Ibang bansa." Walang kwentang sagot ko. Hindi naman siya nagulat, kumunot lang noo.

"Ibang bansa?" Pag uulit niya. Tumango ako kahit alam ko namang biro. Hindi siya sumagot kaya naman nilingon ko siya, sasabihin ko na sana na biro ko lang pero naunahan niya ako magsalita.

"Sige! Saan bang bansa gusto mo? Japan? Thailand? Paris? Kahit saan punta tayo para mag date."

Is he serious? Nagjojoke lang naman ako.

"Baliw. Joke lang," natatawa kong sabi pero siya parang hindi pa naniwala sa akin kasi kumunot na naman ang noo niya.

"Sus don't be shy na Justice saan nga gusto mo?" Pilit niya pa. Hinarap ko siya para sabihin na joke nga lang pero itong lalaki na ito sineryoso talaga.

"Joke nga lang kahit naman saan gusto mo magturo turo nalang tayo eh." Suggest ko na mukhang hindi niya nakuha. Napabuntong hininga nalang ako.

E-explain ko nalang sa kanya ano iyon kaso nga lang dumating na iyong iba at ginulo ang buhay namin. Nagkahiwalay din kami dahil may pasok pa kami.

Dahil nga balik pasok na para sa paghahanda sa finals sobrahang pag aaral ang nangyayari ngayon sa amin. Si Skyler puro na reklamo dahil sa daming inaaral, noong natapos ang exams para na silang zombie.

Sila Oliver naman at Gillian sakto lang, nahirapan daw sila sa last exam nila, sila Seth at Riley, well ang dalawang iyon ata ay nagkakamabutihan na.

Nakita ko silang dalawa kumakain sa cafeteria sila lang hindi ko na sasabihin na nakita ko sila nagsusubuan. Pftt.

At si Brave.. well nag book siya ng ticket papuntang korea dahil doon daw kami pupunta.

Ang gago tinotoo iyong biro ko baka naman kapag biniro ko na magpakasal 'yon biglang pumayag? Natawa nalang ako sa iniisip ko.

"Hmm bakit ngumingiti ka ata diyan?"

Nilingon ko ang kuya ko na nakatingin ng makahulugan sa akin. Agad ko namang tinago ang phone ko.

"Why?" Tanong ko sa kanya. Nginisihan niya ako.

"Naglilihim ka ah, tell me girlfriend ba 'yan?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at humarap sa kalsada. Si Brave iyong kausap ko kaya malabong babae.

"Hindi." Sagot ko. Naghum siya bago nagsalita ulit.

"Baka boyfriend?"

Dahil doon mabilis ko siyang nilingon, natawa pa nga siya sa ginawa ko.

"Bingo. May boyfriend ka na pala."

"Wala ah. Wala pa I mean." Pagkakaklaro ko sa kanya. Wala pa naman kasi eh, hindi pa nga ako umaamin. Nabusy kasi ako sa pag aaral kaya ngayong magbabaskyon na ta-timing-an ko.

Tumango tango siya sa akin naiintindihan ata ang ibig kong sabihin.

"Liligawan palang?" Tumango ako sa sinabi niya. Nakita ko pa nga na ngumiti siya eh.

"Goodluck bunso. Nasa sayo support ni kuya!"

Gaya ni ate Rashne parehas silang support sa .. well kabadingan ko, like sa sinabi ni ate. Totoo naman kabadingan 'to.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon