28

282 7 0
                                    

"Bun"

Justice

Matapos ang usapan namin ni Brave. After we settled our problem bumaba na rin kami dahil hinahanap kami ng iba at isa pa may klase pa kami. Halos kakasimula lang ng pasukan tapos heto kami nagpapabaya na agad.

When our friends saw Brave they immediately stand up and rush toward Brave. Niyakap nila si Brave na nirorolyo pa ang mata.

"Guys grabe naman makayakap ano galing lang abroad? Nasa rooftop lang naman ako!" Ang sabi niya.

I know he's fine now. Matapos ang usapan namin alam ko na gumaan na rin ang pakiramdam niya and I assured him 'bout things spreading about us. Hindi dapat siya mag alala sa bagay na iyon. And about sa issue ng papa niya, I'll try to talk to him lalo na nasaktan niya ang damdamin ni Brave.

Panahon na rin siguro para makaharap ko siya, iyong harapan na alam niya na ako iyong batang muntik na niyang ipapatay.

"Pinag-alala mo kaya kami gaga ka!" Si Skyler na nagpopout pa sa harapan ni Brave. Mukha tuloy siyang bibe pftt--

"Okay na ako don't worry sorry din sa pagpapaalala ko sa inyo kasama ko naman si Justice kaya okay na ako." Brave said while giving me side glance, I smile slightly at him at dahil din sa sinabi niya ay kinantyawan na naman siya ng iba.

"Sus.. naglandian lang naman kayo." Sabi ni Seth kaya ayon nagtawanan sila.

Paiba iba rin mood nila. Kanina halos mamutla na sa pagaalala ngayon naman nagaasaran na, mga baliw din.

Tumingin ako kay Brave na ngayon ay namumula ang mukha at hindi makatingin ng maayos sa akin. Then I remember what I did earlier.

I kissed him.

I kissed him at the rooftop. Biglaan lang. I just wanted to kiss him, to feel his pouty lips na namamasa pa dahil sa kakaiyak niya kaya naman dahil doon bumigay ako.

Nakakaakit din kasi.

"Tama na 'yan may klase pa." Sabat ko sa asaran nila. Agad naman silang nag kalasan. Hinapit ko na rin si Brave na namumula pa rin.

"Let's go bun hatid na kita," turan ko na lalo niyang kinapula.

"Ako rin hahatid ko na sarili ko." Si Skyler na naginarte pa sa harapan namin sabay hablot sa bag niyang hawak ni Oliver.

"Oh Oliver hatid mo na rin 'yang bebe mo baka maligaw." Turan pa nito kaya naman binatukan ni Gillian pero si Oliver natawa na rin nakisama pa si Riley.

"Tara na nga baby hatid na rin kita." Si Riley na nakisali na rin. Hinapit din niya sa bewang si Seth na namumula rin ang mukha.

"Gago kaya ko pumasok mag isa!" Angal ni Seth pero hindi naman nagpapigil sa paghatak ni Riley sa kanya. Iyong isa parang wala lang na nakangiti pa rin sa boyfriend niya. Hulog na hulog ang gago.

Natawa nalang kami ni Brave sa inaakto nilang lahat.

"Tsk. Lumilipad ang mga litseng puso tara na nga Brave mag aral nalang tayo!" Ang saad ni Skyler na inaya na si Brave. Magkaklase kasi sila. At syempre kasama ako dahil ihahatid ko pa si Brave.

Sila Gillian at Oliver din umalis na rin habang hawak ni Oliver ang kamay ni Gillian na hindi naman umangal. Namumula lang ang pisnge.

Matapos kong ihatid sila Brave sa department nila ay nagtungo muna ako sa locker ko para naman kunin ang mga libro na kakailanganin ko bago nagtungo sa classroom namin.

Sakto ang pagpasok ko dahil dumating din agad ang professor namin.

Matapos ang vacation namin bumalik sa dati ang lahat. Iyong schedule ko sa coffee shop ay bumalik sa dati. Pang gabi na ulit ako.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon