"Topsy - Turvy"
Brave
"Sino ang nagtulak sa iyo upang patayin ang kapatid mo at ang sister in law mo?"
"Bryan Dy Foster."
I stiffen in my sit after hearing what Mr. Lapointe told the prosecutor. Ramdam ko kung paano nanahimik ang paligid matapos ang tinuran niya, nagbulong bulungan na rin ang mga taong nakakapanood sa kanila.
Naramdaman ko na inalis ni Justice ang kamay niya sa pagkakahawak ko habang nagtatangis ang bagang niya.
Suddenly I felt I did wrong to him. Para bang nahumaling ako sa isang rosas kaya nagmadali akong hawakan ito without knowing it have torns, then I bleed out.
Hindi siya tumingin sa gawi ko ngunit dama ko ang halo halong emosyon niya. Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari, pinapakalma na lamang ni Kuya Ejiofor si Justice na parang susugurin ang uncle niya.
He looks mad and hurting matapos malaman ang totoo.
Kahit ako hindi makapaniwala.
Napatingala ako sa asul na langit na sa hindi inaasahan ay tila nagkukulay abo.
I don't understand. My father was the one who pushed Justice uncle to kill his parents? Bakit hindi ko alam? Magkakilala sila ni papa?
Parang naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyari. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ko inaasahan na sangkot ang pamilya ko sa pagkawala ng mga magulang ni Justice... How can... How can my father did that?
Kriminal din siya? Mamatay tao? Ano ba siya? Sino ba siya?
Puro tanong ang nasa isip ko nang makaalis ako sa court house. Hindi ako sumama kay Justice pabalik sa kanila dahil bakit pa? Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. In-announced in public na parte ang tatay ko sa kaso. Paano ko siya haharapin?
Ramdam ko ang tunog ng paulit ulit ng cellphone ko ngunit wala akong lakas na sagutin ito. Hindi alam sino ang mga tumatawag sa akin. Family relatives? Friends? Si Blake? Si Justice?
Nararamdaman ko na nilulukob ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko. Sa mga tinuran ng kapatid ni Justice at ng mga prosecutor.
"How can you do that to us Bryan?!" Rinig kong singhal ni mommy kay daddy. Kakauwi lang nila galing sa trabaho nila and I know nalaman na nila ang nangyari sa balita. Nasa headlines sila, ang buong pamilya namin.
"Fucking hell Aleeza anong tingin mo sa akin mamatay tao?"
"Then explained about the evidence Lapointe's given already!" Galit at halos namamaos na saad ni mommy.
Pag uwi na pag uwi ko sa amin papunta palang ako sa kuwarto ko nang dumating silang nag aaway na.
"Paano mo nagawa iyon Bryan?" Nanghihinang tanong ni mommy na ngayon ay umiiyak na. Hindi ko matiis na makita si mommy na umiiyak kaya agad agad akong tumakbo para yakapin siya, Blake was behind me.
Nakatalikod si papa sa amin na humarap lang nang marinig ang pagdating namin.
"You!" Galit na hinarap ako ni papa. Ayoko siyang tignan dahil sa nalaman ko but I forced myself to look at him. To see his raging eyes stuck in me.
"Kung alam ko lang na 'yang Justice na boyfriend mo ang anak ni Domevlo hindi ko sana hinayaan ang relasyon niyo!"
I glared at my dad after hearing what he said. Umiiyak si mommy sa bisig ko pero inuna niya pang sisihin ako dahil lang karelasyon ko si Justice. Ang anak ng taong pinapatay niya.
"Do you know his father dad?" Nagpipigil sa galit na saad ko. Nanlilisik ang mata niyang tinitigan ako at para bang ano mang oras ay handa akong sugurin at suntukin.
"Kilala mo sila. I didn't even mention them to you. Pero kilala mo. Guilty ka dad sabi ng uncle ni Justice. Why did you pushed him to kill his parents daddy? For what reason?!" I asks angrily. Hinawakan na rin ako ni Blake para pigilan niya akong sugurin ang tatay naming ang lakas pa ng loob na itanggi ang lahat.
Pasalamat siya at mas importante si mommy sa amin dahil hinayaan namin siya hanggang sa may dumating na mga police na may dalang warrant of arrest.
Gusto kong maiyak dahil sa naging resulta ng araw na ito. Kahit na may sapat na ebedensiya sila laban kay daddy ang sakit pa rin makita na posasan siya sa harapan mismo namin, sa mommy naming umiiyak dahil sa sala niya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin dahil sa mga nangyayari.
Ilang araw din na hindi ako lumabas sa kuwarto ko. Si Blake ang nagsasabi sa akin kung ano ng nangyayari sa kaso ng tatay namin.
"Balak nilang ipakulong sila daddy."
Niyakap ko nalang ang mga tuhod ko sa sinabi niya sa akin. Noong nakalipas na araw tawag ng tawag si Justice sa akin pero hindi ko siya sinasagot. Hindi ko rin kinakausap iyong iba.
Nahihiya ako.
Nahihiya ako sa ginawa ni daddy at sa walang kwenta niyang rason dahil niya nagawa iyon. That's petty. Sa simpleng bagay na iyon nagawa niya itulak ang tiyuhin ni Justice, worst sila pa ang nagplano.
"Kuya.." narinig kong sambit ni Blake, nakaupo siya sa kama kung nasaan ako.
"Hinahanap ka ni Kuya Justice."
Kumabog ng malakas ang dibdib ko kaya napaahon agad ang ulo ko para tignan siya.
"Nasa baba siya." Sunod na sabi nito.
Anong ginagawa niya sa bahay ng taong nag utos na patayin ang magulang niya? Anong ginagawa niya rito? Haharapin ko ba siya?
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya lumapit si Blake sa akin at hinawakan ang balikat ko. Kita ko sa mata niya na nararamdaman din niya ang nararamdaman ko, pareha kaming natatakot.
"Kausapin mo siya kuya lakasan mo loob mo. Ayaw mo naman siguro na mawala siya sayo 'di ba?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Malaking posibilidad na maghiwalay kami dahil sa nangyari sa pamilya namin. Napatayo ako bigla sa kama ko at buong lakas ng loob na bumaba para harapin si Justice.
BINABASA MO ANG
Roses and Champagne : Blue and Grey
Fiksi Penggemar#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster