15

327 12 0
                                    

"Emotions"

Justice

Pagpasok ko palang sa loob ng school ramdam ko na agad ang sigla ng mga dumalo. Mas madaming tao kasi ngayon, bukod sa dance competition ay ngayon din ang awarding sa mga nanalo sa sport nitong mga nakaraang araw.

Kaya naman sobrang daming tao.

"Justice here!"

Nilingon ko kung sino iyong tumawag sa akin at tamad na tumingin sa kanya. Si Hilary iyon na kumakaway kaway pa, ang laki rin ng ngiti niya.

"Ginagawa mo rito?" Tanong ko na inirapan niya.

"Syempre kahit naman natalo ang football team namin ay kasama pa rin kami dahil kabilang kami sa sponsor." Kaya naman pala nandito pa siya.

Inakay niya ako papunta sa mga kaibigan niya na kaklase rin niya. Isa isa silang nagpakilala kaya nagpakilala na rin ako, for formality.

"I'll go muna hanapin ko 'yong iba." I excused myself to find my friends na alam kong nasa field na.

Maraming upuan na ang nakahelera doon dahil nga mauuna ang awarding at mamaya pa iyong dance competition. Kung baga bonus iyon para sa mga students pero may cash prize.

Hapon ata then after n'on ay may fireworks display.

Umuunlad talaga ang school namin.

"Juho nandiyan ka napala tara doon tayo kila Brave." Biglang sulpot ni Seth na nandito na pala.

"Akala ko ba awarding na?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa mamaya pa 'yan puntahan muna natin sila Brave naghahanda na sila eh."

Kaya naman nagtungo kami doon. Pagpunta namin sa practice room ay madaming tao doon, especially babae na gusto makita iyong mga dancer.

Sumilip ako sa space para makita sila Brave na naghahanda na, may nagmamake up sa kanila.

"Fuck, tabi muna girls papasok kami!" Asik ni Seth na inaalis iyong mga babae. Abnoy, nakikipagsiksikan talaga.

Successful naman na nakapasok kami. Nasa loob pala sila Oliver kasama si Gillian na nagmamake up kay Brave, si Riley naman kay Skyler.

"Naks naman oh nagpapapogi talaga sila."

Skyler was the one who immediately turn his head on us, laki agad ng ngiti.

"Hoy manood kayo mamaya ha? Seth videohan mo kami ni Brave!" Utos nito at as usual maingay na naman siya. Dahil doon nag ingay iyong mga babae sa labas. Kinikilig ata.

Nilihis ko ang tingin kay Skyler at hinuli ang tingin ni Brave na nakatingin sa salamin kung saan nakikita ko rin ang reflection ko. Nakangiti siya sa akin.

Tumitig ako sa mukha niyang may make up na, light lang naman. May shadow iyong eye lids niya kaya parang naging sharp iyong mata niya, makinang din ang lips niya dahil may lip gloss pala. Napaka natural ng pout sa labi niya. Sabi na bagay talaga sa kanya iyong may lip gloss.

Noong humarap siya sa likuran niya mas lalong na-enhance ang ganda na tinataglay niya. Dahil don nagtilian iyong mga babae sa labas, natawa sila Brave dahil sa kanila.

"Sikat ka talaga Brave dami mo fans." Komento ni Riley na naiiling pa.

"Siya pa karamihan sa fans niyan puro babae inaabangan 'yong kaldag niya." Sabi ni Gillian na kinapula ni Brave.

Hmm. Kumakaldag siya? Hindi ko pa kasi napapanood talaga na sumayaw siya.

"Sayang hindi nila makikita iyon body roll sa sahig kasi ipapakita niya eh." Nakangising turan ni Skyler.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon