"Their fight"
Brave
"What are you doi-"
"Bun-"
Sabay pa kaming nagsalita at napatigil dahil sa sinabi namin. Napalunok ako at naglakad kung nasaan siya, huminto lang sa saktong distansya para sa amin.
Kitang kita ko ang itim sa ilalim ng mata niya.
"Justice... Maupo muna tayo." Alok ko sa kanya papunta sa living room at tinawag ang maid namin para gawan kami ng pwede makakain. Luckily, mom's not here since inaasikaso niya ang business namin. Hindi na rin siguro masyadong iniisip ni mommy ang nangyayari kay daddy, kasalan din naman kasi niya.
"Manang, pabigyan naman po kami snacks and juice po thank you po." Sabi ko sa maid namin bago siya umalis, humarap ako kay Justice na pinapanood pala ang ginagawa ko.
I cleared my throat so I can speak normally without faltering.
"Justice anong ginagawa mo rito?" Direktang tanong ko sa kanya. Titig na titig siya sa akin na para bang binabasa ang laman ng isip ko.
"Brave.. iniiwasan mo ba ako?" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Iniiwasan ko siya? Tama naman siya. Alam ko namang matalino itong lalaki na ito kaya alam ko na alam niya ang ginagawa ko.
Iniling ko ang ulo ko but I know I can't fool him. His gaze harden.
"Dahil ba sa nangyari? You know I won't blame you from what happened Brave." Diretso niyang saad sa akin.
Kung noon ang lamig lamig ng tinginan niya bago na ngayon. Hindi na siya iyong Justice na akala mo lagi kang sisinghalan dahil inunahan mo siya maglakad sa entrance ng school.
"Sorry.." usal ko at napayuko. Nahihiya talaga ako. Kakasimula palang ng relasyon namin oh tapos major problem na agad 'yong humarap. Shit.
Naramdaman kong gumalaw siya siguro tutungo sa kinauupuan ko pero natigil dahil dumating iyong maid namin at naghatid ng pagkain.
"Thank you po." Sambit ko at hinayaan na si manang na umalis. Kumuha ako ng juice para maiwasan na tumingin kay Justice.
Parang gusto kong lunurin sarili ko sa juice para lang maiwasan ang pag uusapan namin. Kumakabog ang dibdib ko. Tapos siya nakatitig lang sa akin.
"Ano ba pinunta mo rito?" Tanong ko sa kanya matapos maubos ang kalahati ng baso. Hinihingal pa akong nilapag iyon sa center table.
Sinundan niya ang galaw ko bago ako tignan ulit sa mga mata ko.
Napalunok ako. Tulad ng dati may kakaibang sensation ang mga mata niya. Malalim kung tumingin parang basang basa niya kung ano ang laman ng utak ko.
"Alam ko iniisip mo na lumayo dahil sa issue ng parents natin," malumanay na sabi niya. Bilib din talaga ako sa kanya. Sa kabila ng mga nalaman namin ang kalmado niya pa rin niya tignan. Kumpara sa akin na halos hindi na makatingin sa mata niya kasi may kasalanan pamilya ko sa kanya. Ang laking kasalanan iyon.
"Sorry uli-"
"You don't need to apologize Brave. I told you I won't blame you from what your father did to us. Let's talk this clearly."
Umangat ang tingin ko nang lumapit siya sa akin. Lumuhod siya sa harapan ng kinauupuan ko at agad na kinuha ang kamay ko. Nanlalaki ang mata kong gusto siyang patayuin doon.
"Brave don't overthink please," napatigil ako sa sinabi niya.
"Why? Hindi ka ba nagagalit? Anak ako ng isa sa taong dahilan ng pagkawala ng magulang mo." Sabi ko. Medyo may diin sa bawat salita ko, umiinit na rin ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Roses and Champagne : Blue and Grey
Fanfiction#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster