18

320 13 0
                                    

"His Past"

Justice

Matapos ang usapan namin ni Ate Rashne tinawag na kami ni kuya dahil kakain na raw kami ng dinner. Bumaba naman na kami para kumain.

Habang kumakain puro lang din kuwentuhan. Silang dalawa talaga ang madaldal dahil sa lahat nang kwento nila tungkol sa pamilya namin. Iyong time na nasa abroad sila at nag aaral, iyong panahon na umuwi sila dito sa pilipinas.

Halos nakuha ko na nga lahat ng nangyari dahil sa kwento nila kaya ako naman ang nagkwento.

"Talaga si yaya Veron?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate.

Nabanggit ko kasi sa kanila kung sino ang nagkupkop sa akin, kilala naman nila iyon pero hindi nila alam ang details.

Nilapag ko muna iyong baso ng tubig at tumingin sa kanya bago tumango.

"Siya ang nagpaaral sa akin simula nawala ako, siya rin hanggang ngayon 'yung nagtutustos sa akin sa pag aaral ko."

Kita ko sa mukha nila ang halo halong emosyon. Kung siguro ibang yaya ang kasama ko noon baka pinabayaan na ako.

"We should give our thanks to yaya Veron." It was kuya Ejiofor. Halata sa boses niya ang pagpapasalamat sa ginawa ni yaya Veron sa pag aalaga sa akin noong nawala ang mga magulang namin.

Pumayag din naman si Ate gusto rin nila makausap si yaya at kung pwede pauwiin na siya dahil sapat na ang ilang taon pamamalagi niya sa ibang bansa para suportahan ako.

Gusto ko rin siya makausap last na usap namin ay noong bago pa magsimula ang intramural sa school.

Kaya naman nang matapos kumain ay sama sama kaming tatlo sa living room at tinawagan ko si yaya through video call.

Ngumiti ako nang sagutin niya ang tawag. Medyo may edad na si yaya since noong bata pa ako ay nasa 28 years old na siya noon.

"Ma.." tawag ko sa kanya. Tumingin sila kuya sa akin, wondering why I called her ma.

"Justice nak napatawag ka? Kulang naba allowance mo?" Agad na tanong nito sa akin. Siya kasi nagdadagdag ng allowance ko sa school. Knowing I'm a law student madami akong gastos lalo na sa books na kailangan ko.

"Hindi po tumawag ako kasi may ipapaalam ako sa iyo." Sagot ko. Nakuha ng sasabihin ko ang atensyon niya. Nakangiting humarap sa camera.

"Ano 'yan? Papakilala mo na ba girlfriend mo?" And speaking of that. Matagal na rin niya gusto na ipakilala ko ang magiging partner ko sa kanya. Alam naman niya ang sexuality ko pero never akong nagpakilala ng kung sino sa kanya. Siguro this time magkakaroon na.

Umiling ako sa kanya. "Eh ano ipapaalam mo?" Kuryuso niyang tanong.

Tinignan ko sila kuya at ate na nag aantay sa gagawin ko. Inilapag ko iyong phone ko sa center table para makuhaan kami lahat sa camera. Agad na bumungad kay yaya ang mukha nila kuya sa tabi ko.

"Ma.. nakita na nila ako." Ang sabi ko.

Kumaway si Ate Rashne sa kanya na mukhang nagulat din sa sinabi ko. Ilang minuto siya na nakatulala kaya nagalala si ate.

"Yaya Veron are you okay?" Siguro dahil sa tanong niya kaya nabalik si yaya sa realidad.

"Hala Rashne ikaw na ba 'yan? Ang laki mo na at ang ganda ganda!" Ang naiiyak sa tuwang sabi ni Yaya, binaling din niya ang tingin kay kuya.

"At ikaw Adil ang gwapo gwapo mo na."

Kilala ni yaya ang mga kapatid ko dahil bata palang sila nagtatrabaho na siya sa amin. Siya lang ang nag alaga sa akin dahil ako lang naman ang naiwan sa pinas at sila kuya ay nasa America.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon