11

337 11 0
                                    

“People's Judgement”

Justice

Kakarating ko lang sa school pero ang dami agad mga student na nandito sa labas. Karamihan mga outsiders from other school na malapit sa school namin.

Pinark ko iyong motor ko sa parking ng school, dahil nga nalate ako dahil inayos ko iyong schedule ko sa coffee shop ay nag motor nalang ako para mapadali ang byahe ko.

Nagsisimula na agad iyong volleyball rinig ko kasi ang hiyawan sa court saan iyon ginaganap. Ang daming nanonood.

Nagmessage ako kay Brave dahil hindi ko alam nasan sila. And nagreply naman siya na nasa booths daw sila.

Pupunta na sana ako sa kanila nang may tumawag sa pangalan ko sa entrance kaya napalingon ako.

And I saw her. My childhood friend Hilary Mill Smith.

Anong ginagawa niya rito?

Lumapit siya sa akin na sobrang excited talaga hindi ko talaga maiwasan mapangiti. It's been what? 8 years na hindi kami nagkita since lumipat sila ng bahay at ibang school na iyong pinapasukan niya.

"Oh my god Justice ikaw nga!" Excited na sabi niya sabay umakap pa sa akin. Niyakap ko rin siya.

"Hey Hilary what are you doing here?" Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin para tignan ako.

"Hoy makapag english ito parang hindi tayo tambay noon sa kanto ah." Natatawa niyang banggit.

Naalala ko tuloy iyong times na magkasama kami. Siya kasi iyong pinakaclose ko dahil halos sabay kaming lumaki noong nasa squatter side kami, squatter ba iyon? Basta doon sa magulong lugar, may lupain sila doon at kapitbahay nila kami, pero malayo kami doon kami sa medyo.. well magulong lugar. Sila kasi ang rich sa lugar na iyon dati.

Naalala ko rin na siya lang ang kaibigan na tinuring ko noong bata pa ako.

Kaya naman nakakatuwa na nandito siya.

"I know. But still... What are you doing here?" Tanong ko ulit. Tumabi kami sa gilid since nasa entrance kami may mga kotse pa naman na pumapasok.

Tumawa siya bahagya bago sumagot.

"Ah our school's football team will play tomorrow and I'm one of the guest since you know your friend is now popular!" Ang maarte niyang sabi tapos tumawa pa ulit.

Para siyang si...

And speaking of him. Nakipag kwentuhan muna ako saglit kay Hilary bago ako nagpaalam na kailangan kong puntahan iyong mga kaibigan ko sa booths. Sinabi niya rin naman na hahanapin niya iyong mga kaklase rin niya na nakawala raw sa hawla. Sira rin ito minsan eh kaya nga nagustuhan ko ito noon.

Noon naman na iyon. Mababaw lang.

"Sige kita tayo mamaya ha? Wala pa akong alam sa school niyo eh." Sabi niya bago tuluyang umalis. Agad naman akong naglakad doon sa mga booths para hanapin sila Brave. I didn't saw him kahit saan ko pa ilibot iyong mata ko.

Sila Gillian at Oliver iyong nakita ko na busy kumain ng takoyaki

"Oh Juho ikaw pala nakita mo ba si Brave?" Tanong ni Oliver sa akin.

Kakarating ko lang syempre hindi ko alam nasaan, hinahanap ko nga rin eh. Gusto ko sana sabihin iyon pero hindi ko na sinabi umiling na rin ako.

"Saan kaya napunta 'yon si Riley at Seth din wala." Ani ni Gillian matapos uminom ng tubig.

"Baka nagdate." Biro ni Oliver na tinawanan ni Gillian.

"Buang. Tara hanapin natin sila Juho." Aya niya kaya dalawa kami ni Oliver na sumunod sa kanya.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon