Skyler
Napahalumbaba ako sa mesa habang napapaligiran ng mga kaibigan kong may kanya kanyang buhay kasama ang mga naggagwapuhan nilang mga boyfriend.
Sa kanan ko sila Oliver at Gillian na seryosong naguusap tungkol sa composition daw ni Beethoven na hindi ko magets dahil ang daming key word na sinasabi ni Oliver na sinusundan naman ni Gillian, edi sila na matalino sa music!
Sa kaliwa ko ay sila Riley at Seth na mukhang nagtatalo na naman sa hindi ko malamang dahilan.
"Ano ba problema mo sa pizza Riley? Tangina pinipizza shame mo na naman pizza ko!" Ang may diin na argumento ni Seth na kinabuntong hininga ko.
Para talaga silang bata. Sila ang bunso sa grupo kaya asal bata, pati ba naman pag aawayan pambata rin tungkol ba naman sa pizza amp.
At sa harap ko sila Brave and Justice na super clingy. Pinagmasdan ko silang nagbubulungan, actually si Brave talaga ang daldal ng daldal kay Justice, si Justice naman nakikinig lang at ngingiti ng payak sa natatawang Brave, napapansin ko rin ang magkahawak nilang kamay sa ilalim ng mesa.
Ito ang naging routine ko sa isang taon.
Isang taon ko silang nakikita maglampungan sa harapan ko. Hindi ko nga alam na sa circle namin ay magkakainlaban ang mga ito parang dati lang ako takbuhan ng mga ugok na ito dahil lang sa kabaklaan nila.
"Anong gagawin ko Sky? Mukha talagang nahuhulog na ako kay Oli," ang frustrated na salita ni Gillian sa akin.
Alam ko ang namamagitan sa kanila noon pa man dahil ako ang takbuhan ni Gillian kapag may nangyayari sa buhay niya.
"Sa nakikita ko mukhang may feelings ka na rin, hindi ka naman mabobothered kung wala." Sabi ko sa kanya na kinatigil niya at tumitig sa akin ng naglalaki ang mata.
Bakit kasi pinipigil pa na gustuhin si Oliver halata naman na gusto rin niya? Sus, eme eme pa siyang ayaw niya.
Ganon din si Brave na lumapit sa akin at ni rant lahat ng dinadamdam niya.
"But he's fucking straight Skyler!" Sabi niya na mukhang naasar na sa sarili. Napabuntong hininga ako.
"Ano ka ba Brave? You're just telling yourself he was straight bakit tinanong mo na ba?" Tanong ko na kinailing niya.
"Tamo hindi naman pala! Alamin mo muna kasi bago ka mag overthink diyan. Ako naiistress sa lovelife niyo eh!"
Ako ang mahilig mag bigay ng advice pero ako ang walang jowa! Oh tamo kung hindi ka naman talaga papalarin at 7th wheel nalang araw araw. Naknam.
"Eh bakit kasi hindi mo pa sagutin iyong hot papi na teacher na nanliligaw sayo?" Pang aasar ng gunggong na si Riley na nakaheadlock pa sa akin. Aba! Masyadong natutuwa mang asar ang gago na ito sa akin ha!
"Ayoko nga sa kanya!" Inis kong sabi at hiniwalay ay katawan ko kay Riley bago siya batukan, pero natawa lang ang gago. Hiwalayan ka sana ni Seth! Ay 'wag pala kawawa na naman atay ko kung sakali may maheartbroken.
"Ano ba kasi ayaw mo sa kanya? Mabait naman siya." Si Justice na unsurprisingly ay nakikinig sa daing ko sa buhay. He knows about me and the dimwit Jiroh.
Hindi ko rin talaga alam kelan nagsimula ang ugok na iyon sa akin e, naalala ko ay napunta ako sa coffee shop na nirecommend sa akin ni Brave dahil kapeng kape na talaga ako.
I saw Justice there. He was the barista who assisted me. Nakikipagbiruan pa ako sa kanya n'on nang may lumabas mula sa staff room na lalaki.
Napatingin ako sa kanya kasi nakita ko siya. When his eyes caught mine ngumiti ako kasi hobby ko talaga iyon. I notice he stop what's he's doing and just stared at me, hindi ko naman pinansin iyon dahil hindi ko kilala.
BINABASA MO ANG
Roses and Champagne : Blue and Grey
Fanfiction#BL Justice Hostia Lapointe x Brave Claud Foster