Side story 1: Gillian x Oliver

331 9 0
                                    

Oliver

"Please tignan mo naman dinadaanan mo para naman hindi ka nakakabangga ng kung sino sino."

Inangat ko ang salamin ko kasabay ng ulo ko sa lalaking kanina pa nagrereklamo.

Papunta na sana ako sa studio nang mabangga ko ang lalaki na ito na kanina pa putak ng putak dahil nabangga ko siya. Hindi naman siya iyong nalaglagan ng mga libro, ako naman, pero ang ingay niya.

"Sabi ko nga sorry 'di ba?" Sabi ko sa kanya, tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.

May attitude rin ang lalaki na ito.

"Eh kung hindi ka kasi nagbabasa habang naglalakad edi sana wala tayo sa sitwasyon na ito!"

Pinikit ko ang mata ko dahil naiinis na rin talaga ako sa talak ng lalaki na ito. Can't he see? I'm the one who suffered more, nagsibagsakan ang mga libro ko and he didn't even help me!

Pinagpatong patong ko ang libro ko bago tumayo at lumevel sa kanya. I look down since I'm a head taller than him. Matangkad pa pala ako sa kanya pwede ko 'tong kotongan.

"Look ako na nga agrabyado rito ikaw pa may ganang tumalak. I even apologized to you so can you shut up your mouth?" At hindi na nga talaga ako nakapagpigil at nasabi ko na ang gusto kong sabihin.

Hindi naman siya natinag sa sinabi ko at lalo lang nag taray.

Mauubos lang oras ko sa lalaki na ito kaya naman ako na ang naunang umalis para mag tungo sa studio namin.

It was the first time I saw Gillian, he was the man na nagmamaldita sa akin. We were first year that time and I knew more about him when I got close with Brave.

Hindi ko alam na magkaibigan ang dalawa na iyon, meron akong shared subject noon kay Brave na kinailangan magcompose kaya naman naging partners kami, Brave can sing while me I can compose kaya naman kami ang partners sa projects.

I visited him on his house at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ang lalaking maldita sa akin.

Siya pa ang gulat na gulat nang makita ako, he even stood up and point at me and says.

"Fuck. The giant man! Ikaw 'yon yung parang posteng bumangga sa akin!"

Giant man? Poste? What the hell?

"Oy magkakilala kayo?" Natatawang sabi ni Brave. Iyong lalaki tumingin kay Brave na akala mo ay pinagtaksilan ng langit at lupa.

"Oo siya iyon! Di ba sabi ko sayo for days masakit katawan ko sa pagbangga niya!?" Exaggerated na kwento nito.

Masakit katawan niya for days? Grabe naman ata 'yan.

Si Brave na natatawa sa inaasal ng kaibigan ay inaya ako maupo sa sofa kaharap ang lalaki. Siya na rin ang nagsabi ng pangalan niya.

"Gillian Jacob Welch," ang pakilala niya. At dahil may manners ako kaysa sa lalaki na ito ay nakipag shake hands pa ako.

"Oliver Moore," inismidan niya ako but I found it cute. Ang cute niya kapag naiinis siya.

Naging malapit din kami. Napasama ako sa squad nila na sinasabi ni Brave, nakilala ko si Skyler na parang may mega phone sa lalamunan, si Seth at si Riley.

Hindi ko inaasahan na sa first year ko ay magkakaroon ako agad ng mga kaibigan. Ang mahirap lang naman i-please ay si Gillian, napaka maldita kasi minsan tapos nanghahampas pa kapag naiinis siya.

Nananakit e.

"Oh Oli ginagawa mo rito?" Tanong niya sa akin nang madatnan sa hallway ng department nila, uwian na rin kasi.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon