2

620 20 8
                                    

"I wanted to know you. Can we be friends?"

Justice

"Justice!" Agad kong binaba ang libro na hawak ko at napatingin sa mapangahas na taong tumawag sa first name ko. I quickly throw them whomever called my name a glare.

At mukhang effective dahil nanlaki ang mga mata niya at bahagyang nahiya bago nagpeace sign sa akin.

It was Jiann Mariel Ocampo. Ang aming Supreme Student President. Actually president siya sa lahat ng department dito, and dahil legal scholar din siya siya ang naluklok as president, actually karamihan sa officials sa school ay puro law students. Perks of being a law student. Lol.

"What?" Walang emosyong tanong ko sa kanya. Nasa harapan ko na siya. Nakaupo kasi ako at nakatayo siya so he's looking down on me.

"Gusto kasi ng iba na ayain ka hang out with other legal scholar's." He said. Napataas kilay ko sa sinabi niya.

I'm not actually distance especially sa mga classmates ko. They talked to me just fine and treated me as a normal person, iyong mga taga ibang department lang talaga ibang tingin sa akin.

"Where to go?" I asked him already closing my book. Sighed. I never got a chance finishing that book since school year started.

"Sa Dawn you know that 'di ba? Libre ni Valdez. Sama ka?" Masayang tanong niya. Mukhang nahihimigan na sasama ako.

I really don't like bars 'cause people there are so noisy but I don't mind free drinks. And isa pa wala naman akong duty sa coffee shop since hindi naman regular pasok ko doon. Monday, Wednesday and Friday lang. And tutal Friday ngayon at bukas wala naman akong pasok kaya tumango ako.

"Sure in ako." I said that made him smile. I ignored him and instead fix my bag and books. I told him I'll go first sa locker room para ilagay doon ang books ko.

Umuwi muna ako dahil gusto ko maglinis ng katawan. Jiann told me to take my time since mamayang eight naman pupunta sa Dawn ang iba.

Nagluto muna ako ng simpleng kakainin ko dahil nagugutom na rin ako. Naglinis ng kaunti para hindi magulo at tyaka naligo para sa lakad ko mamaya.

Simpleng black shirt, jeans at rubber shoes lang ang sinuot ko. I look at myself from the mirror at ng makontento sa itsura ko tyaka lang nagpabango. I took my wallet and phone from my center table bago lumabas ng apartment ko.

At dahil bar ang pupuntahan ko, panget naman kung bike gagamitin ko 'di ba? Though I don't care kung ano iisipin ng mga tao roon but for a better life, I used my motorbike.

Inayos ko lang ang helmet ko at umangkas sa motor ko na agad ko namang binuhay at nagmaneho papunta sa Dawn bar.

Sa labas palang rinig na rinig ko na ang malakas na tugtugan sa loob. May pakalat kalat na rin sa labas, hindi naman sila mukhang lasing siguro nagpapahangin lang.

I went inside and I feel like it is a wrong idea na pumunta ako rito. At dahil narito naman na ako nagpatuloy nalang ako.

I saw people looking at me but I ignored them and instead fix my gaze toward my classmates na ngayon ay nag iinuman na.

"Lapointe buti dumating ka!" Rinig kong hiyaw ni Rico despite the booming music.

"Here Juho dito ka maupo." Ang magalang na sabi ni Ari na tinuro ang vacant seat, class president namin. Nandito rin pala siya. May iba pa kaming classmate na nandito na nginitian ako, tinanguan ko lang sila.

Gusto ko sana matawa paano ba naman mga mukhang study first mga ito pero nasa bar? Napailing nalang ako.

"Nandito ka na pala Justice ito oh shot ka muna." Rinig kong sambit ni Jiann na nasa tabi ko na pala at inaabot ang isang glass ng alak.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon