26

280 8 0
                                    

"Torn"

Justice

"Bun."

Brave turned his head after hearing my voice. Medyo nanlaki pa ang mata niya nang makita niya akong nakatayo na sa hamba ng pintuan niya.

"Justice," banggit nito at napatayo sa kama niya. Pumasok na rin ako at pinagmasdan ang kuwarto niya. Medyo dim dahil sa pagtakip ng kurtina, hindi rin bukas ang ilaw niya at ang tanging liwanag na meron siya ang ang bluish na lampshade niya.

"Hindi ko alam na pupunta ka ngayon." Binaling ko ang tingin ko uli sa kanya at nginitian siya ng maliit. Lumapit ako sa kanya na agad naman niyang sinunggaban ng yakap.

I felt him sighed deeply against my shoulder. Siniksik din niya ang mukha niya sa leeg ko at humigpit ang ang pagkakapulupot sa bewang ko.

"Hmm. What's the problem Brave?" I asked directly. Hindi siya sumagot but I can notice his subtle movements.

"Let's talk okay?" Sabi ko at hinaplos ang ulo niya.

Gusto ko siyang magsalita kung ano ang problema niya but I don't want to force him, mamaya mag away pa kami dahil doon kaya naman dalawa kaming naupo sa kama niya nakasandal sa headboard at siya naman ay nakaunan sa dibdib ko.

"Bakit hindi ka lumalabas ng room mo?" Malumanay kong tanong.

"Wala akong gana." Ang simpleng sagot niya. Halata sa boses niya na wala talaga siyang gana.

"Your mom and brother told me you didn't eat a lot." I said, I heard him tsk before looking up to see my face.

"Close na talaga kayo ni Blake no? Baka naman mamaya siya na ang favourite mo kesa sa akin." Nakakunot pa niyang sabi.

Nirolyo ko lang ang mata ko sa sinabi niya. Pinagsasabi nito?

"Isip bata." Pabirong turan ko na kinasimangot niya lalo.

"Justice dapat ako favourite mo. Ako boyfriend mo oh!"

Isip bata talaga.

Pinitik ko ang noo niya na bahagya niyang dinaing at agad ko rin namang hinalikan iyon.

"He's not my favourite tho. Pinapasakit din niya ulo ko but you're the only headache I can endure." Sabi ko kaya naman natawa siya at yumakap na naman sa akin.

I can even hear him said dapat lang. Silly. Astang bata pa rin talaga siya. Hindi naman kami nagtagal sa kuwarto niya at inaya ko siyang lumabas dahil sabi ng mommy niya hindi pa siya kumakain.

Ako na rin nagluto ng kakainin nila, katulong ko si Blake na tanong ng tanong sa akin. Sila Brave at mommy niya at nag uusap sa living room.

Inulila ako. Kidding. Kay Brave lang naman papaulila.

I'll make sure na kakain siya ng maayos that's why I talked to his mother about my plan to bring Brave to our house, pumayag na rin naman siya basta safe siya.

As if naman na may masamang mangyayari sa kanya kapag kasama ako.

Our school started. Mabilis din palang lumipas ang panahon. Ngayon nasa fourth year na ako, last year for my degree before another three years for my Juris Doctor.

Bumalik din naman kami lahat sa pag aaral. Lahat kami graduating this year, si Riley lang ang hindi dahil mas bata sa amin.

Maayos naman ang lahat. Akala ko nga ayos lang dahil tahimik naman sa unang pasukan. Hindi ko nga aakalain na hindi na masama tingin nila sa akin. I mean, dati kasi kapag nakikita nila ako matalim na lahat ng tingin.

Roses and Champagne :  Blue and GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon