Chapter 4

155 68 9
                                    

- Royce-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- Royce-

   Kanina pa ako naiinis sa ka chat ko. Nagtatalo kame sa chat nang ex girlfriend kong si Leigh. Gustohin ko man mag enjoy ngayon sa gimik na to, pero hindi ko maenjoy dahil sa kanya. Nahuli ko syang may ibang karelasyon, kaya nakipag break ako sa kanya. Pero hindi nya ako tinatananan. Halos ilang account nya na sa social media ang blinock ko. Ilang cellphone number na din nya ang blinock ko pero nakakahanap pa din sya nang paraan para sirain ang mood ko. At isa ang mga oras na to. Tinungga ko ang beer na nasa harapan ko. Pagkalapag ko nang beer ay nagulat ako nang may biglag humablot nang cellphone ko, at inilapag iyon sa mesa. Shit! I was typing a long message to send, pero hindi ko iyon nagawa dahil sa kong sino man tong hinayupak na to. Naiinis akong tumingin sa kong sino mang ito ngayon pero sinalubong ako nang namumula at nakangiti nyang mga pisngi.

  "Come on, let's dance. " mapupungay ang kanyang mga mata at halatang nakainom na. Umiling iling ako sa kanya tanda nang pagtanggi.

"Punta na sa gitna Royce, si Maam na nagyaya sayo , mahiya ka. " birong sabi ni Junely sa akin pero nakipagtagisan ako nang lakas kay Zhary habang pilit nya akong hinila. Nakipagtagisan ako nang lakas sa kanya. Agad syang nag pouty lips at nagpacute habang pilit akong pinapatayo. Seryoso ko syang tiningnan sa mga mata nya.

  "You're drunk. " gusto ko sanang sabihin sa kanya pero hindi ko Isinatinig. Patuloy lang sya sa pagpapacute.

"Please..... Hmmmmm.. Let's dance. " kumurap kurap sya, she pouted her lips and make the sad face. I feel my heart beats fast.

"Shit!

Napamura ako at bigla akong napatayo. My mind shouts for a no but my body betrayed me. Ilang beses akong bumuntong hininga hindi ko maiwasan mapangiti nang bitawan nya ako at parang batang tuwang tuwa at pumapalakpak. Binigyan ako ng daan ni Junely nang makatapat ako sa kanya. Isang nang aasar na ngiti ang binigay nya sa akin. I secretly point a dirty finger on her. Narinig ko pa ang mahina nyang pagtawa. Nang makatapat ako kay Zhary ay agad nyang pinulupot ang mga kamay nya sa braso ko. Nakangisi sya sa akin at hinila ako papunta sa gitna nang mga taong nagsasayawan.

   Hindi ako sanay sumayaw kase nahihiya talaga ako. Pag iinom lang nang alak ang dahilan kaya ako nandidito sa club. This is my first time na sasayaw ako dito sa dancefloor. Naghihiyawan ang mga sumasayaw sa gitna kasabay nang maindak na musika. Narating namin ang circle nila sir Melvin, sir Allan, Joel and Johnny, riza at Crista. Tsaka lang syang bumitaw sa mga braso ko at masayang umindak kasabay nang mga andoon sa dance floor. Nahihiya akong ngumiti nang tingnan ako ni Sir Allan bago nya tingnan si Zhary. Alam ko ang mga tingin na binigay nya sa akin. Ayaw ko namang magduda sya tungkol sa aming dalawa, kase mali ang iniisip nya.

  Alam kong alam na nila Sir Allan at Melvin na nang jojowa ako ng babae. Pero hindi ko papatulan si Maam Zhary. I have my own stantard. At hindi belong si Maam Zhary doon na halos 10 years ang tanda sa akin. Para akong tuod na nakikisabay lang sa kanila sa bawat masasayang indak nila sa tugtugin. Andidito na ako, kaya wala na akong choice. Sana lang mapagod na sila at umupo na kame.

Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon