Chapter 19

59 34 3
                                    

-Crista-

    "Hello? "
 
   Pauwi na ako galing sa trabaho ng biglang nag ring ang cellphone ko. Ayaw ko sanang sagutin pero ganun nalang ang pagtataka ko nung makita kong si Zhary ang tumatawag. It's been weeks na din ata ng hindi kame gumigimik kaya nagulat lang ako sa biglang pagtawag nya sa akin.

  "Cris, are you free? " natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga impit na iyak nya sa kabilang linya.

  "Y-yeah... Wait? Umiiyak ka ba? Anong problema? Asan ka? " nag aalala ako bigla sa kanya because this is the first time na tumawag sya sa akin ng umiiyak.

  "I'm here at the bar, katabi ng pinupuntahan natin. Pwedi mo ba akong puntahan dito ngayon? " she sounds so upset.

"Okey, wait me there. Papunta na ako. " agad ako sumakay sa paparating na jeep na may signboard ng lugar na pupuntahan ko. Wala naman akong pupuntahan ngayon kaya okey lang.

   "Sige, hintayin kita. " tumango tango ako, "manong bayad po. " nagbayad na ako sa jeep at baka makalimotan ko pa.

    "Alam ba ni Royce na andyan ka? " nag aalala kong tanung.

"No.. Don't tell her. " ngayon sure na ako na nag away nga itong dalawa at sa sitwasyon nya mukha naglayas. At kapag hindi ko sya pupuntahan, panigurado ako walang aalalay sa kanya. Hindi kase si Royce ang tipo ng tao na susunduin ang girlfriend nya. Lalo na kapag ganyan.

   "Okey I won't. Antayin mo nalang ako dyan. " agad nag end call ang
tawag pagkasabi ko nun sa kanya.

  Mabilis lang naman ang byahe patungo sa lugar kong saan ako inaantay ni Zhary. Pagkababa ko ng bus stop ay tumawid ako ng overpass patungo sa bar na sinasabi nya. Papalapit palang ako sa pintoan ay nakangiti na agad ang guard sa akin. Malamang nakikilala nya na ako sa madalas naming pag gimik dito.

   "Good evening ma'am. " nakangiting bati sa akin ni kuya guard. Tumango lang ako sa kanya at magtuloy tuloy na ako sa loob at hinanap ko kong saan nakapwesto ng table si Zhary. Pagpasok sa bar ay makikita at kaliwa't kanang mga mesa at nasa gitna ang live band pero hindi pa ito nagsisimula. Its just 7.30 pm kaya wala pa masyadong tao. Nakalatag na sa table ni Zhary ang isang bucket na beer at mga pulutan. Mula sa kinatatayuan ko, kumaway sya ng makita nya ako. Kumaway din ako sa kanya at lumapit sa kanya.

  "Hi, are you okey? " bungad ko kagad sa kanya. Ngumisi sya sa akin. At tinungga ang isang beer na bagong bukas sa kanyang harapan.

   "No I'm not dude, your friend is an asshole. " tumawa sya ng mahina , sinabayan ko din ng tawa yun.

"Yes, I know she is. " umupo ako sa harap nya. "Anyway, anong problema. " nilapag ko ang bag ko sa bakanteng upuan ko sa tabi. She's wearing a spaghetti straps top and a sexy shorts.
"Sigurado kang pinayagan ka ni Royce na ganyan ang suot mo lumabas? " natatawa kong tanung, kase alam ko hinding hindi sya papayagan ni Royce.

   "Hindi, umalis nga ako. Kase pinapaalis nya ako. Dude! May babae ang kaibigan mo! " naiinis nyan sabi at tinungga ulit ang kanyang beer.

  "Babae? Why would you think that. " tanung ko sa kanya. "Nakipag break ba sya sayo?"

"W-what?! No! Isa pa hindi ako papayagan kong sakali man no! Walang pweding lumigaya sa aming tatlo! " she made an evil laugh. I smirk. Kaya naman nasasabi ko talagang bagay silang dalawa. They are both possessive.

  "Eh, bakit mo naiisip na may babae sya? " ulit kong tanung sa kanya.

"Kase nga pinapauwi nya na ako sa amin. " halos tatlong tungga lang ang ginawa nya sa isang bote ng beer sa harap nya.

Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon