-Royce-
Nagulat ako sa biglaang pagdating nya sa store. Kaninang umaga lang ay tumawag sya na uuwi sya sa bahay nila. Pero bakit andidito sya ngayon sa store. Maaga na akong nag inventory para maaga ako makapag out , gusto kong makauwi ng maaga at gusto ko sanang magpahinga.
"Are you free tonight? " masigla nyang bati sa akin at umupo sa gilid.
"Oo bakit?" Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko kase hindi ako matatapos kong titingnan ko lang sya.
"Let's go party. " kakainom palang mag paparty na naman? Akala mo talaga ang lakas nyang uminom e, kong hindi ko sinalo ang kanyang mga tagay kagabi baka na black out sya. Okey lang naman sa akin wala naman problema. "Sige na.. Sagot ko tonight. I will call Junely and Crista too. " patuloy nyang pangungulit sa akin. Wala din naman akong magagawa kong tatanggi ako. At mukha namang naplano nya ng lahat bago pa nya sabihin sa akin. Actually I didn't mind at all.
"Did you already tell them? "
"Oo naman yes! " maagap nyang sagot sa akin. Sabi ko na bago nya pa sinabi sa akin naplano nya ng lahat. Napapangiti nalang ako sa kanya. Actually this kind of gesture make me fell uneasy. Ayoko ng ganitong ugali, but her..... She's cute.
"Alam mo, bagay sayo pag palagi kang nakangiti. Gawin mo yan madalas. " sabi nya sa akin. Hindi ko din alam kong bakit madalas na akong nakangiti lalo na kapag sya ang kaharap ko. Maybe in the first place, denial lang talaga akong aminin na attractive din ako sa kanya. Kase natatakot akong mahulog ng tuloyan. Baka kase kapag dumating na yung araw na kailangan ko na syang pakawalan, baka hindi ko kayanin. Pero tama si Junely. Iba iba naman ang mga tao. Hindi naman lahat ng tao nang iiwan. Sanay naman na ako doon. Yun nga lang, ang hirap para sa akin kase yung trust issue ko hindi padin nawawala. I'm not fully confident about this kind of relationship. Lalo na at alam ko sa sarili kong na wala pa akong napapatunayan sa lahat at sa estado ko sa buhay hindi ko pa kayang panindigan ang seryosohang relasyon. Marami pa akong kailangan unahin para sa pamilya ko at para sa sarili ko. Kaya hindi ako pumapasok sa commitment. I'm afraid to know na, baka kapag ginusto ko si zhary makalimutan ko na ang dapat kong gawin para sa pamilya ko.
Marami pa akong pinangako kila nanay at Riza. Hindi ko na natupad ang pangarap kong pag aralin si Riza. I failed as a eldest sister to her. I failed as a daughter to my parents ng hindi ko natapos ang pag aaral ko kase pinili ko ang unang relasyon na sumira ng buhay ko. I failed as a grand daughter because I can't give all the needs of my family. I'm a failure and I don't think I have a right to choose happiness in my situation.
Sa unang relasyon na pinasok ko, ay pinaglaban ko sya. Kinalaban ko lahat ng pamilya ko kase gusto kong ipakita sa kanila na tama ang desisyon ko. I even stop studying, para lang makasama sya palagi , para lang hindi nya maramdaman ang mga pagkukulang sa relasyon namin pero sa huli, niloko at iniwan parin ako. At naging dahilan iyon kong bakit hindi na nasundan pang muli ang seryosong commitment. Masyado kong binigay ang lahat lahat at wala akong natira para sa sarili ko. It takes time for me to heal. A lot of time. I lost myself. I lost confidence and I didn't have the guts to trust strangers again. Kaya kinulong ko ang sarili ko sa mundong ako lang ang andoon. Wala ng sineryoso. Puro fling and flirt lang.
Pero si Zhary.... Hindi ko mapaliwanag kong bakit ginugulo nya ang mundo ko. Unti unti nyang nababasagan ang harang na tinayo ko ng matagal na panahon para protektahan ang sarili ko sa ano mang sakit na maaring mang yari ulit. Baka ibigin ko sya at mawala ulit ako sa sarili ko. Baka maubos ulit ako. At hindi ko alam kong paano ko malalagpasan ang pagkakataong yun kapag nangyari. Ilang beses kong kinokontra ang sarili kong wag mahulog sa kanya. Pero unti unti na naman akong nahuhulog. Unti unti ko na naman nararamdaman ang mga bagay na kinatatakutan ko sa lahat. Ang mag mahal... At umibig ng subra subra.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...