Chapter 16

96 43 11
                                    

-Zhary-

   It's been 3 months since the last time, I was at my house. Recently Royce and I talked about our relationship kong alam ba ng pamilya ko. I know I hurt her when I ask for a time to tell them, pero gusto ko din makilala nya ang pamilya ko. Nung una hindi sya pumayag na kame lang dalawa kaya sinama ko ang buong tropa nya at nag decide kame na kila Melvin mag inoman since malapit lang sila Melvin sa bahay. Isa pa mapapanatag ang loob nya kila Melvin magstay kesa sa bahay kase alam kong maiilag sya. Isa pa alam kong mangangapa sya kapag nagkataon kapag bigla syang humarap sa pamilya ko. I know her too well.

    Nasa byahe na kame papunta kila Melvin since si Junely is already hand her resignation kase aalis na sya ng ibang bansa in 4 months later nag aasikaso na sya ng kanyang mga papeles. Si Royce naman tapos na ang kontrata. Si Crista still on the company but it's her day off tomorrow so where safe. Makakapag enjoy lahat ng tropa sa jamming na to.

  " Ma'am alam na ni Sir Melvin na pupunta tayo? " tanung sa akin ni Junely.

"Oo naman excited na nga syang makajamming kayong lahat kase matagal na daw yung huli tayong nag sama sama. " actually this bunch of people is easy to please. Hindi sila mahirap pakisamahan kase magaling silang makisama lahat. Kasama sila Rey, Mel, Sherwynne, Junely and Crista.

"Are you nervous? " tanung ko kay Royce na kanina pa tahimik. I know she's thinking about it.

"Yeah.. Hindi ko alam paano humarap sa mga magulang mo. " she didn't deny it to me. Cause she know I felt how she feels.

"Just act normal. Hindi naman nila alam ang tungkol sa atin. Just act like my employees na gusto lang mag enjoy kasama ang manager nya. " marahan syang tumawa. That's the only thing I can do for her, as of now. Kailangan ko kase ng timing to tell about our relationship and today is not a time.

   Medyo malayo layo ang bahay namin sa City it take more than 2 hours na byahe bago kame nakarating. Bago sa paningin nila ang paligid kaya naman masayang masaya sila matapos naming makababa sa bus station at naglalakad na patungo sa bahay namin. Wala naman akong plano e-stay sila sa bahay talaga. Where planning na dadaan lang kame at doon kame magpapalipas ng gabi kila Melvin hindi kalakihan ang bahay nila Melvin pero alam kong kakasya kameng lahat kapag need ng matulog.

  I can see how her face turn from pinkish to pale. Lalo na ng pumasok kame sa gate na pula kong saan napapaligiran ng mga halamang namumulaklak na tanim ni Mama. Wala ngayon ang ibang mga kapated ko and probably si Mama at papa lang ang nasa bahay. Gwen is in the school.

  "Ma, where here. " agad kong bungad ng narating namin ang terace ng bahay. Sinalubong kame ni mama ng nakangiti nyang mukha at agad akong niyakap. Binati naman nila isa isa si Mama ng nakangiti.

"We miss you anak, mabuti naman at naisipan nyong bumisita ngayon. Kumain na ba kayo? Nag luto ako ng mga pagkain at sabi ni Melvin magpapalipas daw kayo ng gabi sa kanila. Pasok kayo. " Nauna akong pumasok bago sumunod sila Crista at Mel pati si Rey, nasa terrace namin naiwan sila Royce, Junely at sherwynne.

   "Ma, nahihiya sila sayo.. Dumaan lang kame dito pero didiretso na din kame kila Melvin, doon na din siguro kame mag didiner. " sabi ko matapos ilapag ang bag ko sa sofa.

"Nako, kumain na muna kayong lahat dito. Halika na kayo dito sa hapag at naihanda ko na lahat dito sa mesa, pagkatapos nyong kumain ay tsaka na kayo pumunta doon. " Masayang sabi ni Mama habang isa isang nilalagyan ng plato ang mga placemat na andoon. We are all 8 people in the house kaya naman ang mesa namin ay 10 seater. So all of us can sit there. "Papasokin mona ang mga nasa labas, halika na kayo Crista dito sa mesa. " sinabayan nya ng kamay kay Crista ang kanyang mga salita.

"Opo, tita sige po. " nauna ng pumwesto si Crista at Mel pati si Rey sa mesa habang tinawag ko naman ang tatlo sa labas.

"Pst! Lika na kayo, pasok na sa loob mag didinner daw muna tayo bago tayo pumunta kila Melvin. " nahihiya silang tatlo na tumingin sa akin. "Sige na, after dinner lilipat agad tayo sa kila Melvin. Don't worry about Mama, she's not judgemental no. " natatawa kong sabi sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni Royce at agad kong naramdaman ang panlalamig nun. Pero agad din nyang binawi ang kanyang kamay at naiilang na yumuko. Bumuntong hininga ako.

Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon