-Royce-
Matapos ang ilang beses na pag aapply ay muli lumuwas ako sa building na bigo at hindi natanggap. Marami kase sila ng qualification na hindi ko na meet. Baka sa factory ako mag aapply sa sunod na araw. Sa ngayon gusto ko na munang umuwi kase gusto kong surpresahin si Zhary para sa aming 6th monthsary. Nakausap ko na ang kaibigan kong nagtitinda ng bulaklak, sa totoo lang wala akong pambili kaya naman umutang nalang mona ako sa kanyang ng bouquet at chocolates para iregalo kay Zhary.
Nabili ko na din ang singsing na pinag iiponan ko para iregalo sa kanyang ngayon 6th monthsary namin. Palagi nalang kase sya ang may regalo sa akin buwan buwan. Kaya naisip kong bigyan sya ng singsing. It's our couple ring with our name engrave on it.
"Miss ito na ang pinabalot nyo. " inabot sa akin ng sales clerk na binilhan ko ng ring ang isang box na kulay pula kong saan doon nakalagay ang binili ko. Ngumiti ako sa kanya.
"Salamat po. " kinuha ko iyon at inilagay ko sa bulsa. Dumaan na din ako sa flowershop ng kaibigan ko kung saan nakapwesto din dito sa mall kong saan kame nagtatrabaho dati ni Junely. Hindi ko na sya madalas makasama ngayon kase busy na sya sa pag aayos ng kanyang mga papeles pa abroad. Si Crista naman ay busy din sa schedule nya sa trabaho.
"Pre, salamat dito ah.. Sa next week ko ito ibibigay pag ka kuha ko ng sahod ko doon sa sideline ko sa grocery. " hawak hawak ko ang isang magandang boquet at heart shaped chocolates.
"Walang problema pre basta ikaw. Sige na at baka malate ka pa sa date nyo. " pareho kameng natawa.
"Sige mauna na ako, salamat ulit ah.. Wag ka magsasawang magpautang sa akin. " biro ko pa sa kanya.
"As long as binabayaran mo ako, palagi kang makakautang sa akin. " banat din nya.
"Wag ka mag alala hindi ko sasayangin ang tiwala mo. " tinapik nya ako sa balikat at tumango tango.
"I know Royce.. Hang on lang, makakahanap ka din ng permanenteng trabaho. Ikaw pa ba. " ngumiti ako sa kanya.
"Hmm. Thank you. Thank you. Paano aalis na ako ah. " paalam ko kase kanina pa ako nagpapaalam pero hindi padin ako nakakaalis.
"Okey.. " tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Isang kaway pa muna ang pinakawalan ko bago tuluyang lumabas sa flower shop. Pagkalabas ko sa flower shop ay nagtungo ako sa foodcourt sa 2nd floor kong saan nakapwesto ang dati naming pwesto. Nagugutom na ako, at balak ko ng kumain mona bago umuwi ng bahay.
Pagkarating ko doon ay halos medyo punuan ang mesa. Mabuti nalang at nakahanap ako ng isang bakante sa dulo. Agad akong nagtungo roon at baka maupuan pa ng iba. Inilapag ko ang dala dala kong bulaklak at chocolates. Hindi mona ako umupo kase nag order mona ako sa isa sa mga kainan ko. Matapos kong makaorder ay nagtungo na ako sa mesa para antayin nalang maluto. Nag tingin tingin muna ako sa cellphone ko. Maya maya pa ay naramdaman ko na may umupo sa harapan ko na umupo. Baka makikishare ng table sa akin. Isa pa foodcourt to. Hindi naman pweding angkinin ko ang isang buong mesa, kaya okey lang. Inilabas ko ang headshet na dala ko mula sa bulsa ko, at inilagay iyon sa teynga ko. Nagpatugtug ako sa spotify. Nag angat ako ng tingin sa kong sino man ang nasa harapan ko, at ganun nalang ang gulat ko ng makilala kong sino yun.
"T-tita.. Maganda Hapon po. " napatayo pa ako sa kinauupuan ko at yumuko. Inabot ko din ang kanyang kamay para magmano pero hindi nya iyon inabot sa akin. Napakagat labi ako at napahiya sa sarili ko.
"Umupo ka. Mabuti nalng at hindi na ako mahihirapan hanapin ka. Kusa na din tayong nagkita. " Abot abot ang kabang nararamdaman ko. Lalo na ang subrang lamig ng boses nya.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...