-Zhary-
Nagising akong wala na si Royce sa tabi ko. Inabot ko kaagad ang cellphone sa side table para tingnan ang cellphone ko kung anong oras na. Napabalikwas akong ng bangon ng makita kong 10.30 na iyon ng umaga. Nangako pa naman ako kay Royce na sasamahan ko sya sa pag apply ngayon araw. Pag tayo ko sa kama ay napansin ko kagad ang isang malaking bag sa couch. Nagtataka akong nilapitan iyon at binuksan. Bumungad sa akin ang mga damit kong nakaimpake. Agad akong lumapit sa closet ni Royce para tingnan kong andoon pa ba ang mga gamit ko. At baka naman nag aayos lang sya kaya ganun. Pero lahat ng damit nya nakahanger pa maliban sa mga damit kong nakaempake na sa malaking bag. "What the hell is this?! " Tiningnan ko ang loob ng mga drawer pero wala na sa drawer ang iba ko pang mga personal na gamit. Narinig ko ang pagbukas ng pintoan sa likuran ko. Agad akong lumingon at sumalubong sa akin ang kampanteng mukha ni Royce.
"Mahal, bakit nakaimpake ang mga gamit ko? Nag aayos ka ba? " sa totoo lang hindi ko alam ang itsura ko ngayon. Kakagising ko lang tapos ito agad. Hindi nya ako pinansin dumiretso sya sa direksyon ng kama at huminga doon.
"Royce, hindi mo ba narining ang tanung ko? " mahinahon mong sabi sa kanya. "Ano tong mga gamit ko? Bakit andito?" Lumapit ako sa kanya at nakapamaywang sa harapan nya.
"Kase uuwi kana sa inyo. " sabi nya habang nakatingin sa kisame. Napakunot noo ako.
"Diba pinag usapan na natin to?" Agad syang tumayo mula sa pagkakahinga at nagtungo sa bintana, patalikod sa akin.
"No Zhary... What I mean is... I'm breaking up with you." Mahina lang ang pagkakasabi nya noon at halos hindi ko na nga maintindihan. Pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"What?! Why? " I mean... Anong sinasabi mo? You're what? " lumapit ako sa kanya para mas marinig ko ng maayos ang sasabihin nya.
"I'm breaking up with you. " hindi parin sya humaharap sa akin. Bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko.
"You kidding right? " Is this some kind of a joke? Cause mahal, it's not funny. Kakagising ko lang. Prank ba to? " I didn't think it seriously kase were in very very very good terms. So walang dahilan para mag break kame.
"No.. I'm not, and I want you to go out in this house. I want you to leave as soon as possible. Nakaready na ang mga gamit mo. " napaatras ako sa sinabi nya naramdaman ko ang malalamig na boses nyang nagpatayo ng balahibo ko. Sa bilis ng paghinga ko naramdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko kasabay ang mga maliliit na karayom na tumutusok roon.
"Why? Anong rason mo? Anong problema natin? Kagabi okey naman tayo ah? Royce... " hinawakan ko sya sa braso at pinaharap sa akin. Walang emosyon akong nakikita sa kanya. Para lang syang manikin sa harap ko na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kong sa akin ba talaga sya nakatitig oh sa kawalan. "Talk to me.. Anong problema. Hindi kailangan umabot sa hiwalayan. We can short this things out. Come on.. Talk to me. " nag sisimula na akong mag panic. Kase Hindi talaga lumalabas sa bibig nya ang salitang break up. Ngayon lang. Kaya Hindi ako sigurado kong totoo ba tong naririnig ko o prank lang.
"I'm done with you. Tapos na ang kailangan ko sayo. Hindi na kita kailangan, kaya umalis ka na dito. " napakagat labi ako sa mga sinabi nya. Pakiramdam ko nakikinig ako ng record sa tape.
"Ha?!! Anong tapos kana sa akin?! Punyeta kausapin mo nga ako ng maayos! Nagbibiro ka ba o nakikipag break ka talaga? Para kang tanga e! " tinulak ko sya ng malakas, dahilan para mapasandal sya sa pader. Putang ina wala ba syang kain at nadala agad sya sa tulak ko.
"Kausapin mo kase ako ng maayos! Kong tungkol to sa pag aapply mo ng trabado at inaalala mo ang financial problem sabi ko naman sayo kaya ko na. Ako na ang gagastos. Bakit ba iniisip mo yun. Mamaya magbabayad ako ng mga bills, may kailangan ka bang bilhin.. Bibilhin natin. " pinipilit kong maging normal ang boses ko, at isiping this is just a joke time conversation. Tumingin sya sa mga mata ko. Hinawakan nya ang pulupulsohan ko ng mahigpit na mahigpit at nasasaktan ako. "Aray ko Royce.. Ano ba? Ang sakit. " pilit kong inaagaw ang kamay ko sa kanya pero mahigpit syang nakahawak dito. Kahit makipagtagisan pa ako ng lakas sa kanya ay hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
عاطفيةZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...