Chapter 18

100 43 3
                                    

-Royce-

    Being with Zhary is the most happiest time of my life. Hindi ko inaakalang mahuhulog ako sa kanya ng subra. Hindi naman kase sya mahirap masayahin, mabababaw lang ang kaligayahan nya. Kahit na selosa at matampuhin mabilis lang din syang suyuin kahit na topakin. She is not my ideal girl but she's my everything. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko. But somehow these days , I'm losing my confidence. Lalo na at ilang beses na akong nag failed sa mga inaapply-an kong trabaho ngayon. Gusto kong panindigan kay Zhary na kaya ko syang panindigan hanggang dulo kaya gumagawa ako ng paraan para hindi sya magkaroon ng rason para iwan ako. But I'm starting to get scared, I feel like I could lose her at any moment. Kase hindi ko na napapanindigan ang responsibilidad na dapat nagagawa ko para sa kanya. Pauwi na ako ng bahay ngayon na bigo na namang makapasok sa trabaho. Hindi ko alam pero parang ayaw ko na munang umuwi, gusto ko na munang mag isa. Napukaw ako sa pag iisip ko ng biglang tumunog ang aking cellphone. It's an unknown number. I was hoping na sana isa ito sa mga trabaho na inaplayan ko.

"Hello.. " Hindi ko alam kong bakit abot abot ang kabang nararamdaman ko.

  "Royce.. " napaayos ako ng upo sa kinauupuan ko sa bus ng marinig ko ang boses ni sir Melvin. The call I didn't expect today.

"Yes, Sir. Ako to?. May problema po? " nag aalala kong tanung.

"Kasama mo ba si ate ngayon? " lalo akong kinabahan kase baka may kong ano ng nangyari sa kanila.

"Hindi sir, galing ako sa pag a-apply pero pauwi na din po. Bakit sir, may nangyari ba? Hindi mo ba makun-----. "

  "Hindi sya ang sadya ko, ikaw. " lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, kung kanina ay pinupuno ako ng pag aalala ngayon ay pakiramdam ko nasasakal ako bigla sa kaba.

  "B-bakit sir? " nag aalangan kong tanung.

"Antayin kita sa dating trabaho mo may deliver kame doon ngayon. Makakapunta ka? " kong kanina ay nararamdaman ko pa ang friendly voice nya. Now that sound not a favor but a like a command to me.

"O-okey lang pababa na ako, malapit na ako dyan kase nasa byahe ako pauwi. " nag aalangan man ako, pero baka importante ang sasabihin.

"Sige. Antayin kita dito. " sasagotin ko palang sana ang sinabi nya pero agad nya iyon binaba. Hindi ko alam pero nagsisimulang manginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kong bakit nakakaramdam ako ng takot. Siguro kase feeling guilty ako kase hanggang ngayon hindi padin nila alam na kame ni Zhary. Ilang minuto lang ang lumipas bago ang end ang call ng marating ko agad ang mall kong saan nagtatrabaho ako dati. Saktong sakto naman kase dadaanan ko iyon kaya hindi na ako nahirapan pa.

   Matapos kong makapasok sa loob ng mall ay dumiretso na ako sa pwesto kong saan andoon ang dating store namin. Malayo pa man ako sa store ay nakita ko na si Sir Melvin na nakatayo doon. Agad din nya akong napansin at sinalubong . Itinuro nya ang bakanteng mesa sa gilid ng food court kong saan medyo malayo sa mga kumakain. Hindi naman kase lunch time ngayon kaya malaka lang ang mga andoon. Sinundan ko sya at agad din naman akong umupo ng marating ko ang lugar. Nakaupo sya sa harap ko wearing his company uniform, umupo naman ako sa harap nya at inilapag ang cellphone kong dala sa mesa.

"Sir, good afternoon po. Pasensya na kayo.. Biglaan po kase ang tawag nyo. May problema po ba? Kumain na po ba kayo? " kinakabahan man ay ako na ang unang nagtanung. Sa mukha nyang nakikita ko, I know he's not in the mood to joke.

"Royce, mabilisan lang tong usapan natin  kase kailangan ko pang maghated ng ibang stocks sa ibang branch. " diretso syang tumingin sa mga mata ko. Halos marinig ko na ang pintig ng puso ko.

"Ano po ba ang pag uusapan natin sir? " hindi ko alam saan ko kinuha ang lakas ng loob ko.

  "Alam mo bang nag resign si ate sa trabaho? " His voice is angry but low.

Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon