-Zhary-
Hindi ko alam kong anong oras na, pero nagising nalang ako na wala na si Royce sa tabi ko. Agad kong inabot ang cellphone kong nakita ko na sa side table ng kama. Napabalikwas ako ng makita kong it's already 11.30 am.
Nagmamadali akong tumayo at inayos ang higaan bago lumabas ng kwarto ni Royce. Walang bakas ni Royce sa kwarto man o sa sala. Bakit parang walang tao sa bahay na to. Agad akong nagtungo sa mesa kong saan may nakaiwan na note.
Hindi halatang hindi sila sanay magpaalam. Uso ata ang note sa bahay na to.
"Ma'am,
Sorry hindi ka na namin hinintay na magising kase baka malate kame sa byahe. Dadalaw lang kame kay Tatay sa Bulacan, si ate nakapasok na. If aalis ka po. Pakilock nlng ng pintoan at gate.
Riza
Okey lang naman sa akin na ganun, uuwi din naman ako sa bahay dahil baka hinahanap na din ako. Isa pa, masyadong masaya ang mga nangyari kagabi para magpakainis ako ngayon. Walang rason para sa negative thoughts. Ibig sabihin lang pinagkakatiwalaan nila ako dito sa bahay. Inipit ko ang note at tsaka nilagay iyon sa bag ko. Teka? Si Royce ba walang note? Napairap ako! Hindi talaga nagpaalam? Ang lambing lambing nya kagabi tapos ngayon, hindi manlang nag iwan ng note? Pero sabi ko nga walang rason for the negative thoughts so I ran to the bathroom kase need ko na ding maligo at maggayak pauwi.
I do really have a good mood today, kahit sa loob ng cr habang naliligo ako ay kumakanta ako. Feel na feel ko din ang bahay na 'to. Akala mo talaga ako ang may ari. Matapos kong maligo ay nagpalit ako ng damit. Sinuot ko ulit ang denim pants ko na nasa bag ko, pero kumuha ako sa closet ni Royce ng damit.
"Wala ba syang ibang kulay na damit? " parang tanga akong nagtatanong sa sarili ko, dahil puro, black, gray and white ang mga nakikita kong nakahanger sa closet nya. Isa isa ko yun tiningnan at kapag sinuot ko yun panigurado akong magiging dress ko yun. Natawa ako sa naisip ko. Kinuha ko ang isang black na damit na may nakalagay na Metallica sa gitna. Yun lang ang nakikita kong medyo maliit sa mga nakahanger na tshirt doon. Inamoy amoy ko pa muna ang damit nya at para akong tanga na nakangisi dahil naamoy ko ang fabric sa kanyang damit. Pakiramdam ko nakayakap lang sya sa akin.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at chineck baka meron mga mensahe, dahil nakalimotan ko kaninang tingnan. Una kong chineck ang sosyal media accounts ko kung saan posible na nag iwan ng mensahe si Royce pero ganun nalang ang dismaya ko ng wala manlang syang message sa akin. Umirap ako sa kawalan. Ang hopeless romantic talaga ng taong yun! Kasunod ko chineck ang aking message at nagulat ako kase may unknown number akong nakita. Binuksan ko yun kasabay ng pa bukas ko ng mensahe ay isang napakalaking ngiti na biglang sumilay sa aking mga pisngi.
"Sorry I didn't wake you up. Pumasok na ako. It's me. "
Walang pangalan iyon pero alam ko na kong ganito galing. Pabagsak akong umupo sa kama at nagsimulang idial ang numero. Nakailang ring mona iyon bago may sumagot.
"Hmmm."
Hindi manlang hello ang binungad sa akin. Pero para parin akong tangang nakangisi.
"Uuwi na muna ako sa bahay. " kong may nakakakita lang sa akin ngayon baka sabihing nababaliw na ako.
"Ingat ka, nag almusal kana? Nasa mesa ang niluto ko bago umalis, tingnan mo nalang. " malambing ang boses nya sa kabilang linya. Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa mesa kase hindi ko tiningnan ang nakatakip kanina doon. Pagkabukas ko ay, may sinangag doon, bacon and egg. Meron din milk sa baso. Ang lamig na ng gatas na yun. Pero wala akong paki. Ininom ko muna yun ng isang tunggaan lang bago ako ng salita.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...